Senator Tito Sotto takes a swipe at people who donate and then post on social media

by Arniel C. Serato
Apr 18, 2020
Who is Senate President Vicente "Tito" Sotto III referring to?
PHOTO/S: Vicente Tito Sotto on Facebook / @helenstiton on Instagram

May pinatatamaan ba si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kanyang Instagram post ng Biyernes, April 17?

Nakasaad dito: “If you want to feed the Hungry, then feed the Hungry. But the moment you post it on Social Media, you are just feeding your EGO!”

May nakalagay ring note ang senador sa dulo ng kanyang post: “My amended version from John Wooden.”

Continue reading below ↓

Halaw ang quote card na ibinahagi ni Sotto sa isang pamosong statement ni John Wooden, sikat na American basketball player na naging head coach ng University of California sa Los Angeles.

Ang orihinal na quote ni Wooden ay: "If you want to feed the Homeless, then feed the Homeless. But the moment you post it on Social Media, you are just feeding your EGO!”

Pinalitan ni Sotto ang salitang "Homeless" sa "Hungry."

Si Wooden ay pumanaw sa edad na 99 noong 2010.

Walang isinulat na caption si Senator Sotto sa kanyang post.

Ngunit malinaw na patama ito sa mga nagbibigay ng tulong at pagkatapos ay ipinu-post ang tulong sa social media.

Nangyayari ito ngayong may COVID-19 crisis, kung saan nagbibigay ng ayuda ang ilang kilalang personalidad at maging mga ordinaryong mamamayan.

JOEY DE LEON AGREES

Nagkomento sa post ni Senator Sotto ang kanyang co-host sa Eat Bulaga! na si Joey de Leon.

Continue reading below ↓

Saad ni Joey: “Aray! Ang daming sapol!”

Wala nang iba pang mababasang komento sa post ni Sotto dahil nilimitahan niya ang mga taong maaaring magkomento.

Ibig sabihin, ang mga pina-follow lang ng mambabatas ang maaaring magkomento sa kanyang post.

NETIZENS CURIOS ABOUT THE POST

Ipinost din ni Sotto ang kaparehong quote card sa kanyang Twitter account.

Continue reading below ↓

Dito ay malayang nakapagkomento ang kanyang followers.

Maraming netizens ang nagtanong kung sino ang pinatatamaan ng senador.

Hamon ng isang netizen: "Kung may b*y*g ka pangalanan mo! Gawain mo rin yan pag eleksyon, suhol mo ALDUB kapalit ng boto! IMPOKRITO KA!"


Continue reading below ↓

Ang isa naman nagtanong kay Sotto kung ang kapwa ba nitong senador na si Bong Go ang kanyang pinatatamaan.

Kalakip nito ang larawan ni Go na tila namimili ng ulam sa isang carenderia, habang napapalibutan ng mga tao.

Sabi ng netizen: "You mean this sir?"


Ayon sa isa pang netizen, nirerespeto niya ang opinyon ni Senator Sotto, pero hindi raw mapipigilan ang pagbahagi sa social media ng pagbibigay-tulong sa nangangailangan.

Continue reading below ↓

Insight pa ng netizen, may magandang motibo rin sa pagpo-post ng tulong: "Perhaps, they just want to inspire others to do the same. As I see it, the filipino value of Bayanihan still exists in this difficult time."


Ganito rin ang opinyon ng isa pang netizen, at ipinaalala nito sa senador na gawain din niya yan sa kanyang noontime show: "Or maybe they just want to inspire others to do the same. Just like what you do in EatBulaga...

Continue reading below ↓

"Different ways but the same intentions. God bless the Philippines and the Filipinos!"


Marami pang tanong ang netizens kay Senator Sotto, pero wala siyang sinagot kahit isa man.

Samantala, marami ang natutuwa sa malasakit at pagkukusa ng private citizens—businesmen, showbiz personalities, ordinary people, medical personnel—upang tumulong sa kanilang mga kapitbahay, sa mga ospital ng gobyerno, sa malalayong komunidad, sa naghihirap na mga lugar.

Naluluha pa nga sila sa goodwill na nakikita.

Hindi naman nila malalaman ang ganitong kagandahang-loob kung hindi nai-post sa social media.

Dagdag dito, nagpo-post sa social media para maging bukas at transparent ang accounting at distribution ng fundraising projects.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Who is Senate President Vicente "Tito" Sotto III referring to?
PHOTO/S: Vicente Tito Sotto on Facebook / @helenstiton on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results