Ethel Booba answers bashers of new Twitter account; Admin reopens parody account

by James Patrick Anarcon
Apr 18, 2020
Ethel Booba answers bashers who find the humor "off" in the tweets in her newly launched "legit" Twitter account. Meantime, the Admin of @iAmEthylGabison has reactivated the account.
PHOTO/S: @ethelbooba / @IamEthylGabison on Twitter

"Off" nga ba ang humor ni Ethel Booba sa bago niyang Twitter account?

May sagot ang 43-year-old comedienne sa kanyang bashers kahapon, April 17.

Ang sinasabing "off" na tweet ni Ethel ay ipinost nito noong April 16, at may kaugnayan sa pag-uudyok ng 14 na senador na mag-resign si Department of Health Secretary Francisco Duque III, dahil sa diumano'y incompetence nito sa paghandle sa COVID-19 crisis.

Ang tweet ni Ethel (published as is): "So sino ipapalit niyo sa DOH? Dra. Belo o Calayan ba? Sino bet nyo mga beshie"

Ang tinutukoy na "Dra. Belo o Calayan" ni Ethel ay ang cosmetic surgeons na sina Dra. Vicki Belo at ang mag-asawang Drs. Manny and Pie Calayan.

Continue reading below ↓

Ang komento ng isang netizen, "Ang off ng humor lol"

Reply naman ni Ethel, "Uy dati havey ako bigla ka naman nagbago bess"

The Filipino slang "havey" denotes approval.

Nang mag-reply ang netizen sa kanya ng screenshot ng pag-log out nito sa Twitter, ang naging sagot ni Ethel, "Na sad ka ba. Wala na bang love it girl"

Continue reading below ↓

Isa namang netizen ang sinabihan si Ethel ng "try harder."

Sagot ng comedienne, "Hollow block poste steel plate bato martilyo ano harder pa ba gaano ka hard ba gusto mo hay naku colored"

Continue reading below ↓

Sabi ng isa pang netizen kay Ethel, na-miss nito ang salitang "charot!" sa dulo ng tweet.

Ang urban slang na ito, na nangangahulugang "joke," ay popular na expression sa @IamEthylGabison, na dineklara ni Ethel na "fake" Twitter account at na-deactivate noong inilabas ni Ethel ang sinasabi niyang tunay na Twitter account niya.

Ang reply ni Ethel sa netizen ay tila parinig sa admin ng kanyang parody account.

Tinawag rin niya itong "fake cuneta," o word play sa pangalan ng dating singer na si Faith Cuneta.

Sagot ni Ethel sa netizen, "Ginasgas na masyado ni fake cuneta eh kanya na yun"

Continue reading below ↓

May isang basher naman na pinaratangang "manggagamit" si Ethel.

Sabi nito sa kanya, "Ew. Manggagamit kasi laos ka na talaga. Yun lang nmn tlga sumalba sayo. Nakakarimarim ka ghourl. To think relihiyosa ka pa niyan ha. Looooooooool."

Sinagot ito ni Ethel, at pinaratangan ang basher na siya si Admin ng @IamEthylGabison account.

Saad niya, "Uy admin fake kubeta ikaw ba yan

"Move on na girl daming artist gamit ng iba uli. Yung favor sa pinaninindigan mo. Dun ka nga good vibes lang dito"

Continue reading below ↓

REAL ETHEL VS. FAKE ETHEL

Pagkatapos ng rebelasyon ni Ethel tungkol sa "fake" Twitter account noong April 9, nagpaliwanag ito sa kanyang vlog, noong April 14.

Doon ay sinabi nitong may nagsisilbing "admin" sa likod ng @IamEthylGabison account.

Hindi pa raw sila nagkikita sa personal, kahit na nagkakapag-usap sila sa pamamagitan ng private messaging.

Itinanggi rin ni Ethel na pinagkakitaan niya ang "fake" Twitter account, sabay tanggi na kaya niya ito dinisown ay dahil nakatanggap siya ng death threats.

Binasag naman ng "admin" ang kanyang katihimikan kahapon, April 17, sa isang exclusive interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nagpadala rito ito ng maikling statement sa iba pang news websites.

Ayon sa administrator, ang @IamEthylGabison account ay nag-umpisa bilang sarili niyang parody account.

Ibig sabihin ay kanya talaga ito, hanggang sa nagulat na lang daw siya at inako ni Ethel sa TV na sa kanya ang account. Ito raw ay hinayaan na lang niya.

Continue reading below ↓

Nanindigan rin ang admin ng @IamEthylGabison account na hindi niya "kailanman" pinagkakitaan ang parody account.

ADMIN OPENS "FAKE" ETHEL TWITTER ANEW

Samantala, muling binuksan ng admin ng @IamEthylGabison Twitter ang account nito kagabi, April 16, matapos itong i-deactivate nang ilang araw.

Sa Twitter page ng account, @IamEthylGabison pa rin ang Twitter handle nito, subalit pinalitan na nito ang kanyang pangalan ng "Fake Ethel Booba."

Maging ang display picture at cover photo nito ay pinalitan na, at gumamit lamang ng artcard na ang nakalagay ay "#charot."

Pinalitan na rin nito ang description ng account, at ang nakalagay na rito ngayon ay: "Started as PARODY account until Ethel claimed it as hers on National TV."

Ethel Booba

Continue reading below ↓

Makikita pa rin mga dating laman nito, kabilang ang mga tweets noong April 2 tungkol sa pagbabayad ng buwis.

Ito ang sinabi ni Ethel na dahilan para itatwa niya ang account.

Ang una namang naging tweet ni Admin ay isang video na naglalaman ng screenshots ng reports ng news sites—kabilang na ang PEP.ph—tungkol sa pag-disown ni Ethel sa Twitter account na ito.

Saad ni Admin sa tweet (published as is): "Breaking: @IamEthylGabison disown Ethel Booba as owner. Charot!"

Continue reading below ↓

Sabi naman nito sa sumunod niyang tweet, "Tuloy pa din yung ambag kong Empi kahit may nagalit. Charot!"

Hindi niya tinukoy kung sino ang "nagalit," pero malinaw na si Ethel ito dahil sa vlog nito, sinabi niyang "buwisit na buwisit" siya sa admin ng kanyang account.

Isang netizen naman ang nagsabi kay @IamEthylGabison na nag-follow na uli siya rito at huwag na itong umalis sa Twitter.

Continue reading below ↓

Reply ng admin ng parody account: "Plan ko din umalis, need to delete old tweets at possible change ng username. Charot!"

Isang netizen naman ang nakapansing malaki ang nabawas sa 1.6 million followers ng account mula nang mag-activate ulit ito sa Twitter.

Ang sagot ni Admin dito: "Kaka activate lang kasi pero magreflect ulit yan siguro after 24 hours kung....di pa ulit ako nakadeactivate. Charot!"

Continue reading below ↓

May posibilidad na nabawasan talaga ang Twitter followers ng @IamEthylGabison account.

Ayon sa New York Times, maaaring tumagal nang 24 to 48 hours bago ma-restore ang data, kabilang ang bilang ng Twitter followers, ng isang deactivated account kapag ni-reactivate ito.

Noong April 9, inanunsiyo ni Ethel sa kanyang Instagram account na hindi kanya ang @IamEthylGabison Twitter account, na mayroong 1.6 million followers.

Continue reading below ↓

Tinawag niya itong "FAKE," at ginagamit lang daw ang kanyang pangalan para magkalat ng "fake news."

Kasabay ng pagtatwa ni Ethel sa account na ito ay nagbukas siya ng bagong Twitter account noon ding April 9.

Gamit ang handle na @EthelBooba6, nakalagay sa cover photo nitong ito ay ang "legit" na Twitter page ni Ethel.

Ethel Booba

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba answers bashers who find the humor "off" in the tweets in her newly launched "legit" Twitter account. Meantime, the Admin of @iAmEthylGabison has reactivated the account.
PHOTO/S: @ethelbooba / @IamEthylGabison on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results