Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ping Medina releases statement after Baron Geisler alleges he raped an ex-girlfriend

by Rachelle Siazon
Apr 18, 2020
Ping Medina says he will seek legal advice after Baron Geisler's rape allegation became a trending topic on Twitter on April 15, 2020.
PHOTO/S: @pingmedina Facebook / Noel Orsal

Binasag na ni Ping Medina ang pananahimik sa gitna ng matitinding akusasyong ibinabato sa kanya sa social media.

Maiksi ngunit matalinhaga ang pahayag ni Ping na umere sa ulat ni MJ Felipe ng TV Patrol, ang prime-time newscast ng ABS-CBN, noong Huwebes ng gabi, April 16.

Pahayag ni Ping: "Our country has bigger problems atm. I will give a statement after conferring with my lawyers."

Base rito, tingin ni Ping ay mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang krisis dala ng COVID-19 kaysa sa mga ipinupukol sa kanya.

Lumalabas na nakarating sa kanya, na sa Twitter, sabay na nag-trending ang pangalan ni Ping at ni Baron noong April 15.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos


May ilang female netizens kasi ang nagsapubliko ng umano'y talamak na pagpuntirya ni Ping sa mga babaeng nakikilala nito sa mga social media platforms and dating apps.

Sinegundahan ng aktor na si Baron Geisler ang pahayag ng isang female netizen.

Tweet ni Baron noong gabi ng April 14: "True. My ex was raped by him and his friend."

Continue reading below ↓

Sinundan pa ito ni Baron ng tweet na "Reason y i peed."

Ang siste, hindi ito ang unang pagkakataong nahaharap sa kontrobersiya sina Ping at Baron.

THE PEEING INCIDENT

May insidente kung saan inihian ni Baron si Ping habang ginagawa ang eksena nila sa pelikulang Bubog noong November 2016.

Sa kuwento ng pelikula, ang character ni Ping, na isang informant, ay nakabalot ng packaging tape at ilalagay sa isang cargo crate.

Continue reading below ↓

Si Baron naman ay gumaganap bilang pulis.

May eksena ang dalawa kung saan inatasan si Baron tanggalin ang busal sa bibig ni Ping, na magmamakaawang huwag siyang patayin.

Pero hindi ito ang nangyari sa set.

Laking-gulat daw ni Ping nang bigla siyang ihian ni Baron sa bandang bibig.

Inilabas ni Ping ang bersyon ng kanyang kuwento sa pamamagitan ng isang Facebook post noong November 28, 2016.

Bigla na lang daw naramdaman ni Ping na may umaagos na basa na "may amoy" sa gawi ng kanyang bibig hanggang sa umabot sa kanyang dibdib.

Hindi raw niya akalaing iihian siya ni Baron.

Galit na galit si Ping sa pambabastos ni Baron, pero hindi niya ito naambaan. Nakatali pa rin si Ping sa eksena at dali-dali namang pinalabas si Baron ng set.

Sa galit noon ni Ping ay napagbuntunan niyang sapakin ang pader.

Sinubukan din daw niyang kumprontahin si Baron, pero nang makita niya ito ay mukhang hindi raw lalaban kaya hinayaan na lang niya.

Continue reading below ↓

PING FILES COMPLAINT VERSUS BARON

Pormal na nagsampa ng reklamo si Ping sa Professional Artist Managers, Inc. (PAMI), isang malaking organisasyon ng talent managers ng mga artista.

Reklamo noon ni Ping, hindi raw dapat palampasin ang kawalan ng disiplina ni Baron sa trabaho, pagpasok ng set nang lango sa alak, at pambabastos sa kanya bilang co-actor.

December 3, 2016 nang iniulat ng PEP.ph ang desisyon ng PAMI na hindi na nito papayagan ang kanilang artists na makatrabaho si Baron.

Noong ding araw na iyon ay pormal na humingi ng dispensa si Baron kay Ping.

Pareho rin silang hindi natuloy bilang cast members ng Bubog.

Pero hindi natapos ang isyu sa pagharap ni Baron sa media at pagbitaw ng salitang "sorry" kay Ping.

BARON'S ALLEGATIONS AND THREATS AGAINST PING

Pagkatapos ng presscon ay saka pinakawalan ni Baron ang akusasyong may mapait na karanasan umano ang ex-girlfriend niya kay Ping.

Pero hindi na nasundan ng aksyon ang pagbabantang iyon ni Baron kay Ping.

Continue reading below ↓

Noong December 2016, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagtawag ni Baron na "rapist" kay Ping.

Base ito sa sunud-sunod na Facebook posts ni Baron tungkol sa hindi raw magandang katauhan ni Ping sa likod ng pagiging magaling na aktor nito.

Akusasyon ni Baron laban kay Ping (published as is): "You raped many girls.

"You and your god knows this. Secret na. Contacted your victims. Nakakaiyak.

"Game. Not for u and me. Katitohanan lamang."

December 2, 2016 ang petsa ng Facebook posts ni Baron.

DELETED TWEETS?

Hanggang sa nito ngang April 14, 2020 ay naungkat ang isyu gawa ng panibagong tweets ni Baron at ng ilang female netizens.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Ping sa pamamagitan ng Facebook at Instagram direct message.

Hiningan din namin ng opisyal na pahayag si Baron sa pamamagitan ng text messaging, Twitter direct messaging, at Facebook Messenger.

Continue reading below ↓

Seen ni Baron ang aming mensahe sa Facebook, pero hindi ito sumagot sa aming mga katanungan.

Sinubukan din ng PEP.ph na makipag-ugnayan sa tatlong female netizens na nag-post ng kanilang pag-alma sa diumano'y hindi magandang pag-uugali ni Ping.

Isa rito ay ipinaalam sa aming deleted na ang tweets nito.

May isa namang female netizen na tumangging magpa-quote hinggil sa isyu.

At press time, hindi na makita sa Twitter feed ni Baron ang April 14 tweets nito laban kay Ping.

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ping Medina says he will seek legal advice after Baron Geisler's rape allegation became a trending topic on Twitter on April 15, 2020.
PHOTO/S: @pingmedina Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results