Howie Severino, wife recount 11th day of COVID-19 battle: "Nagpapaalam"

by James Patrick Anarcon
Apr 18, 2020
Broadcaster Howie Severino reveals COVID-19 battle: "I thought I was really dying and then I called my wife and nagpapaalam na ako."
PHOTO/S: I-Witness (GMA-7)

Ang akala ng broadcaster at COVID-189 survivor na si Howie Severino ay hindi niya mapapagtagumpayan ang kinaharap niyang laban sa COVID-19.

Sinabi niya ito sa kanyang I-Witness documentary na pinamagatang "Ako si Patient 2828," na ipinalabas ngayong hapon, April 18.

Noong April 7, 2020, una niyang inanunsiyo na siya si Patient 2828 sa panayam sa kanya ng GMA News Online.

Sa kanyang I-Witness documentary ay nagbahagi pa si Howie ng ilan sa kanyang mga naging karanasan nung panahong naratay siya sa hospital.

Sa maikling interview niya kay Atom Araullo, napag-usapan nila ang pinakamahirap na bahagi ng laban ni Howie sa sakit.

Inakala raw ni Howie na hindi niya malalampasan ang pagsubok at tuluyan nang bibigay ang katawan niya.

Ang kuwento niya kay Atom, "Ay naku, there are several hard parts ano.

"Well, mga unang araw ko sa ospital, because siguro epekto rin ng disease and medication, hindi ako makatulog.

"Baka mga dalawang gabi akong hindi makatulog, sleep deprivation. E, mahina ang katawan ko. May edad na rin ako.

Continue reading below ↓

"So, kaya ba ng puso ko ito?

"Hindi ako makakain, di ako makatulog, meron pa akong matinding sakit."

Akala raw talaga ni Howie ay mamamatay na siya kaya tumawag na siya sa kanyang asawang si Ipat Luna para mamaalam.

Nagulat si Atom sa sinabing ito ni Howie.

"So, I thought I was really dying, and then I called my wife and nagpapaalam na ako.

"Yeah, umabot sa ganun, pare!"

Mabuti na lang din daw at nandiyan ang kanyang asawa para palakasin ang kanyang loob.

Patuloy ni Howie, "She said, 'No no no no. You're not going to die. Maganda pa yung vital signs mo, hindi ka lang nakatulog. It's all mental, magre-recover ka.'

"So, she boosted my confidence, reminding me of when we first met, when I proposed, mga memories namin.

"Because, at that time, at that night, I was starting to be delirious, and I was seeing visions of death."

Continue reading below ↓

Ani Howie, nalampasan naman daw niya ang gabing iyon.

Pagkatapos ng ilang araw at dalawang swab tests, nag-negative na si Howie sa COVID-19 at nakauwi na.

ACCOUNT OF HOWIE'S WIFE

Sa naunang bahagi ng I-Witness documentary ni Howie, nagbahagi rin ang asawa niyang si Ipat Luna tungkol sa pinagdaanan ni Howie.

Ayon sa kanya, hindi naging madali ang nangyari sa asawa, "Walang tigil ang iyak kasi marami akong nababasa na Day 10 kung kailan bumabagsak iyong constituency ng pasyente.

"Iyong pansampung araw na iyon, hindi ko pa naramdaman, parang binabantayan ko pa lang talaga.

"Pero noong panlabing-isang araw, noong umaga, iyon na iyong napaiyak talaga ako."

Sa 11th day nangyari ang pagdedeliryo ni Howie na umabot sa tumawag na siya sa kanyang asawa para magpaaalam.

"Noong gabing iyon siya tumawag na medyo nagdedeliryo, nagpapaalam. Last words.

"Napaka-unexpected talaga noong impact sa kanya ng hindi pagkakatulog, e, dahil hindi niya alam na iyon ang mangyayari.

Continue reading below ↓

"Nakakahinga naman siya, wala naman siyang cough.

"Siguro, hindi pa niya nararamdaman iyong ganoong klaseng banta sa kanyang buhay na tinigin niya ay babagsak ang katawan niya dahil hindi siya nakakapahinga."

Katulad ng panayam kay Howie sa GMA News Online, sinabi rin niya sa dokumentaryo na kaya niya ipinaalam na siya si Patient 2828 ay para sa "transparency."

Ayon kay Howie, obligasyon sa mamamayan ang pagiging transparent sa kundisyon, lalo na para sa mga taong may close contact sa nagkasakit.

Sinabi rin niya na hindi "death sentence" ang pagkakaroon ng COVID-19, at siya ang
"living proof" nito.

Si Howie ay kilalang dokumentarista na napanood sa mga programang Probe Team at I-Witness sa GMA-7.

Siya rin ay miyembro ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Noong 2009, itinalaga si Howie bilang editor-in-chief ng GMA News Online, ang news website ng GMA Network.

Pagkalipas ng limang taon, noong May 2014, na-appoint siya bilang vice president for professional development ng GMA Network.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcaster Howie Severino reveals COVID-19 battle: "I thought I was really dying and then I called my wife and nagpapaalam na ako."
PHOTO/S: I-Witness (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results