Did Ellen Adarna get over ex-boyfriend John Lloyd Cruz in just two weeks? 

by Rachelle Siazon
Apr 19, 2020
Ellen Adarna on getting over a breakup: "And because I'm on the secure side, I know that feelings come and go. And whatever it is I was feeling at that time, I know it will pass and I'm going to be okay."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / Ellen Adarna Facebook

Paano nakaka-move on si Ellen Adarna pagkatapos sa kanyang mga failed relationships?

Ito ang kadalasang tanong ng netizens kay Ellen, 32, kasabay ng balitang hiwalay na sila ni John Lloyd Cruz, 36.

Noon pang August 2019 naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tinuldukan na nina John Lloyd at Ellen ang kanilang relasyon.

Pero nitong April 2, 2020 lamang nakumpirma ito, matapos aminin ni Ellen na mayroon nang bagong lalaking nagpapatibok sa kanyang puso.

Marami ang nagtatanong kung paano nagawa ni Ellen na maging masaya ulit matapos ang hiwalayan nila ni John Lloyd, lalo pa't nagbunga ang kanilang pagmamahalan noon.

Noong 32nd birthday niya noong April 2, ibinahagi ni Ellen na "two weeks" lang ang palugit na ibinigay niya sa sarili noong siya ay brokenhearted.

Base ito sa usapan nila ng isang netizen na nanghingi ng payo kung paano mag-move on pagkatapos ng breakup.

Payo ni Ellen, yung taong walang pahalaga sa sarili ang hindi lang nakaka-move on.

Continue reading below ↓

Walang binanggit na personalidad si Ellen, pero base raw sa personal na karanasan niya ay mabilis lang siyang mag-move on.

Dagdag niya: "Di man ko magmukmuk dai. 2 weeks rako magmukmuk if brokenhearted.

"But after two weeks, brand new na ako.

"[Di naman ako nagmukmok. Two weeks lang ako magmukmok if brokenhearted.]"

Sadyang matibay daw ang loob ni Ellen, dahil bata pa lang siya ay ipinaramdam sa kanya ng mga magulang na mahal na mahal siya ng mga ito.

At dahil sa pagmamahal na iyon ay naging "secure" siya sa kanyang pagkatao.

"And kibaw ko no matter what, ma okay ra dyd ako.

"[And kahit anong mangyari magiging okay pa rin ako]."

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD-ELLEN'S LOVE STORY

Tila against all odds ang itinakbo ng love story nila John Lloyd at Ellen.

Bago sila nag-lie low sa showbiz noong October 2017, laman ng balita ang kanilang sweet photos, mga lambingan, at tawagan na "baby love."

Pero binura rin nila ang mga photos na iyon sa kani-kanilang Instagram account.

At nagpahiwatig noon si Ellen tungkol sa "manipulative people" na tila hindi pabor sa kanilang relasyon.

Akala ng iba noon ay naghiwalay na ang dalawa.

Ngunit pinatunayan ni John Lloyd na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Ellen nung nag-post siya ng "f*ck fake news" kalakip ng litrato nila ng sexy star noong October 1, 2017.

Hanggang sa pinili nilang mamuhay nang malayo sa showbiz.

Nagkaroon sila ng anak noong June 2018, at makailang-beses pang nakitang masaya sila sa piling ng isa't isa base sa mga larawang kumalat noon sa social media.

Pero hindi nagtagal ay nauwi rin ang pagmamahalan nila sa hiwalayan.

Continue reading below ↓

"YOU HAVE A CHOICE."

Sa Instagram Stories ni Ellen nitong April 18, sinagot niya ang ilan pang katanungan ng netizens kung paano makabangon sa pagkasawi sa pag-ibig.

Gusto na raw kasi ng netizen na hiwalayan ang nobyo, pero hindi niya magawa dahil nagkakasakit siya, hindi pa man ito nangyayari.

Sagot ni Ellen, "You know you have a choice. It's not like you don't have a choice. So the answer is within you. What you allow is what will continue."

Continue reading below ↓

Naniniwala raw si Ellen na sa oras na tapos na ang isang relasyon ay hindi na niya ito pag-aaksayahan ng panahong isip-isipin pa.

"You don't look back. That's why you move forward. You go that direction," sabay muwestra pa ni Ellen na tumuro nang diretso paharap.

Tanong ng isang netizen, "How are you now?"

Nakangiting sabi ni Ellen, "I'm fine. I'm fine."

Continue reading below ↓

"FEELINGS COME AND GO"

Hindi porke't natapos ang isang relasyon ay titigil na ang mundo.

"And because I'm on the secure side, I know that feelings come and go.

"And whataver it is I was feeling at that time, I know it will pass and I'm going to be okay."

Nabanggit din ni Ellen ang yumaong ama na si Alan Modesto Adarna.

Paulit-ulit daw kasi siyang sinabihan noon na "you are a strong girl" mula pagkabata hanggang late 20's niya.

"I think my dad programmed me to be a strong person.

"When you tell these affirmations to someone, especially when you start them young, they believe it and it happens."

Pero kahit very open si Ellen na pag-usapan ang tungkol sa pagharap sa isang breakup, tikom pa rin ang bibig niya sa dahilan ng hiwalayan nila ni John Lloyd.

Isang netizen ang naglakas-loob na tanungin siya tungkol dito.

Ang sagot lang ng sexy star, "only god can answer this question."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on getting over a breakup: "And because I'm on the secure side, I know that feelings come and go. And whatever it is I was feeling at that time, I know it will pass and I'm going to be okay."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / Ellen Adarna Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results