See how Cebu conducts mass testing; "epicenter" in the city under lockdown

by Arniel C. Serato
Apr 19, 2020
Clad in their personal protective equipment (PPE), a team of doctors and health workers did mass testing in Cebu City, and discovered 84 new cases of COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: The Freeman / Aldo Banaynal

In full gear ang 40 doctors and health workers na nagsagawa ng mass testing sa isang barangay sa Cebu City.

Noong April 15, na-capture ng The Freeman photographer na si Aldo Banaynay ang pagpasok ng mga medical personnel sa Sitio Zapatera upang magsagawa ng swab testing.

Animo'y eksena ito sa pelikula.

Continue reading below ↓

Nakalagay sa post ni Aldo, "A team of more or less 40 doctors and health workers from City Health and DOH prepare themselves with protective gears and say a prayer before going back in to Sitio Zapatera to conduct more swab samplings. Yesterday the Sitio yielded 5 COVID19 Positive cases."

Continue reading below ↓

Kasunod nito, isinailalim sa total lockdown ang Barangay Luz dahil out of 84 new cases of COVID-19, ang 82 ay residente ng sitio nito, ang Zapatera,

Noong nakaraang Biyernes, April 17, nagbigay-detalye si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa Facebook post nito.

Continue reading below ↓

Ayon sa kanya, “Cebu City has EIGHTY FOUR (84) NEW POSITIVE covid-19 cases bringing the total number to 161 as of today, April 17, 2020.

“As I have said, mao na ni ang resulta sa atong nag padayon nga covid-19 mass testing sa mga sitio sa Cebu City. [As I have said, ito na ang resulta sa patuloy nating covid-19 mass testing sa nasabing sitio sa Cebu City.]

“82 new cases are from Sitio Zapatera, Barrio Luz, 1 from A. Lopez and 1 from Katipunan, Labangon.

“We are now starting the process of placing the entire Brgy Luz under TOTAL LOCKDOWN. Please stay at home.”

Continue reading below ↓

Sa kabuuan, may 135 COVID-19 cases na sa nasabing barangay, kung saan karamihan dito ay mula sa Sitio Zapatera, ang tinaguriang epicenter ng COVID-19 sa Cebu City.

Noong April 7, unang nakapagtala ng COVID-19 positive case sa nasabing sitio na may tinatayang 800 households o halos 9,000 residents.

Continue reading below ↓

Ayon sa ulat ng The Freeman, sister publication ng The Philippine Star, noong Biyernes, April 17, ititigil na raw ang mass testing sa lugar dahil ikinukunsiderang ang buong sitio ay “infected.”

Ito ang pahayag ni City Health Officer Daisy Villa sa kanyang announcement matapos nadiskubre ang 24 new cases ng COVID-19 sa Sitio Zapatera at tatlo sa Lapu-Lapu City.

Dagdag pa ni Villa, “The whole area is already considered as infected.

“Na-contact trace naman nato [Na-contact trace na natin ito].

“Based sa atong nakuha, dunay positive cases sa duha ka tumoy [Based sa ating nakuhang data, merong positive cases na dalawang tao sa dulo ng sitio].”

ASYMPTOMATIC CASES

Sa anunsiyo ni Mayor Labella, sinabi niyang ang bagong naitalang 24 positive cases sa Sitio Zapatera ay puro asymptomatic.

Ibig sabihin, kahit positibo na sila sa virus, hindi sila nakikitaan ng sintomas.

Noong Martes, April 14, natuklasan ang panibagong cases dahil sa ongoing mass testing na idinaos sa lugar.

Continue reading below ↓

Sa pakikipag-ugnayan ng city government, Department of Health (DOH, Central Visayas), at barangay officials, dinala na sa Barrio Luz National High School ang mga asymptomatic cases upang ilayo sa iba pang mamamayan.

Ang nasabing isolation area ay kayang mag-accommodate ng 50 pasyente.

Nilinaw naman ng alkalde na ang mga pasyente lamang galing sa Sitio Zapatera, Barangay Luz na asymptomatic ang dadalhin doon.

Ang mga symptomatic naman ay agad na dadalhin sa mga ospital.

Bantay sarado rin ang lugar ng pulisya at military upang walang makapasok o makalabas na mga residente, ayon naman sa post ni Mayor Labella kahapon, April 18.

Aniya, "Gipaubos na sa TOTAL LOCKDOWN ang Barangay Luz. Mga sakop sa kapolisan og militar ato nang gi-deploy sa area aron masiguro nga mapatuman ang tanang lagda. [Isinailalim na sa TOTAL LOCKDOWN ang Barangay Luz. Mga miyembro ng pulisya at militar ang dineploy sa lugar upang masigurong masunod ang nasabing kautusan.]"

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clad in their personal protective equipment (PPE), a team of doctors and health workers did mass testing in Cebu City, and discovered 84 new cases of COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: The Freeman / Aldo Banaynal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results