Bea Alonzo on reconnecting with an ex during lockdown: “Di pa naman ako umabot doon”

by Jet Hitosis
Apr 20, 2020
Actress Bea Alonzo on reconnecting with exes during lockdown: "Huwag naman. Di pa naman ako umabot doon! Busy naman ako ngayon. Okay pa naman ako.”
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Ibinahagi ni Bea Alonzo ang mga realizations niya ngayong apektado ang buong mundo sa pandemic na dulot ng coronavirus disease o COVID-19.

Para sa 32-anyos na aktres, naging daan ang enhanced community quarantine upang makapag-reflect ang mga tao kung ano ba talaga ang pinakamahalaga sa buhay.

Ito ang naikuwento ni Bea sa video interview sa kanya ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Sa panayam kay Bea nitong Biyernes, April 17, natanong siya ng mga host na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros tungkol sa kanyang mga realizations.

“Everything is temporary,” sabi ni Bea.

“Hindi importante talaga sa panahon ngayon ang pera, iyong material na bagay…fame.”

Ayon kay Bea, pinakaimportante ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa tao.

“Ang magma-matter talaga ngayon is how you care for humanity and how you help each other.

“It’s very vital,” anang aktres.

BEA LAUNCHES ORGANIZATION TO HELP FRONTLINERS, THE POOR

Kabilang si Bea sa mga celebrities na aktibong tumutulong sa frontliners, na pangunahing nagsasakripisyo ngayong may pandemic.

Continue reading below ↓

Ito ay sa pamamagitan ng organization na inilunsad niya kamakailan, ang I Am Hope.

Kasama ni Bea ang kaibigang si Rina Navarro sa pagtatatag ng I Am Hope.

Volunteer sa organization ang dancer-TV host na si Vhong Navarro.

Sa tulong ng mga volunteers at donors, namahagi ang grupo ni Bea ng relief goods at face shields para sa frontliners.

Continue reading below ↓

Nitong Easter Sunday, April 12, nagluto ang aktres ng pasta dish na ipinamahagi nila sa frontliners sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila.

Huwebes, April 16, namigay ng pagkain ang grupo ni Bea sa mahihirap na pamilya sa Tondo, Manila.

Continue reading below ↓

“BEING AT HOME… BEING HEALTHY IS ALREADY HELP IN ITSELF”

Ayon kay Bea, bawat isa sa atin ay may kontribusyon upang maibsan ang banta ng pandemic.

Sinabi ng aktres na ang pananatili sa bahay at pagiging healthy ay malaking ambag na upang mapigilang kumalat ang virus.

Paliwanag niya, “Being at home, wearing a mask, washing your hands, and being healthy is already help in itself.

“So, kung wala kang means to help out, pangalagaan mo ang sarili mo para di ka na magdagdag ng problema.

“Malaking-malaking tulong na iyon.”

STRENGTHEN FAITH, RELATIONSHIP WITH GOD

Dagdag pa ni Bea, dapat din daw gamitin ang quarantine period upang paigtingin ang ugnayan sa Diyos.

“Take time to reflect kung ano talaga ang meaning ng buhay para sa iyo.

“Ano ang purpose mo, para magkaroon ka rin ng relationship with God.”

Bago matapos ang interview, kinumusta ni Melai ang love life ng aktres.

Tanong ni Melai kay Bea: “Naka-lockdown pa rin ba ang puso mo?”

Continue reading below ↓

RECONNECTING WITH AN EX DURING LOCKDOWN

Natawa si Bea.

Pabirong ikinumpara ng aktres ang kanyang sitwasyon sa ibang single, na dahil sa pagkainip sa quarantine ay nakikipagkumustahan sa kanilang mga ex.

“Iyong mga tao na tinatawagan ang ex nila kasi lockdown, huwag naman.

“Di pa naman ako umabot doon!” natatawang sabi ni Bea.

Dagdag niya, “Busy naman ako ngayon. Okay pa naman ako.”

Ang aktor na si Gerald Anderson, 31, ang huling nakarelasyon ni Bea.

Tumagal ng tatlong taon ang kanilang relationship, na nagtapos noong July 2019.

THE CONTROVERSIAL BREAKUP

Kontrobersiyal ang breakup nina Bea at Gerald dahil sa umano’y panggo-“ghosting” ng aktor.

Bukod dito, may anggulo pa ng third party sa panig ni Gerald.

Nadawit sa hiwalayan si Julia Barretto, 23.

Nang mga panahong iyon, kakahiwalay lang din ng young actress sa reel-and-real life partner niyang si Joshua Garcia, 22.

Kalaunan, kapwa itinanggi nina Gerald at Julia na ang huli ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng aktor kay Bea.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, pawang single pa rin sina Bea, Gerald, at Joshua.

Si Julia naman, nag-celebrate ng kanyang 23rd birthday nitong March 10 kasama ang kanyang pamilya at isang “loved one.”

Batay sa naturang post, naniniwala ang fans ni Julia na may bago nang karelasyon ang young actress.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bea Alonzo on reconnecting with exes during lockdown: "Huwag naman. Di pa naman ako umabot doon! Busy naman ako ngayon. Okay pa naman ako.”
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results