BB Gandanghari tearfully remembers "twin" Rustom Padilla: "Siya ang nagparaya."

by Rachelle Siazon
Apr 21, 2020
BB Gandanghari on missing her old self as Rustom Padilla(right): "Don't get me wrong. Wala akong gusto balikan. Ang sinasabi ko lang that guy is a good guy..."
PHOTO/S: @gandangaharibb Instagram / Screengrab from Pinoy Big Brother

Hindi napigilan ni BB Gandanghari, 52, ang maging emosyunal nang maalala ang pinagdaanan niya bago napanindigan ang tunay na pagkatao.

Napag-usapan ito habang kausap niya ang netizens sa kanyang Live Instagram video, Lunes ng gabi, April 20 (Philippine time).

Si BB ay kasalukuyang naninirahan sa Los Angeles, California.

May mga nag-request kung puwedeng balikan ni BB ang panahon noong una siyang nakilala bilang Rustom Padilla.

Baka puwede raw i-vlog ni BB ang tungkol sa kanyang transformation.

"Babalikan natin ang aking kambal, si Kuya Rustom," sabi ni BB.

Dagdag niya, "Mas matanda sa akin yun, e. Na-late ako ng 30 years.

"Babalikan natin si Rustom. Magpaalam tayo sa kanya nang mahusay."

Pag-iisipan daw niya kung gagawin niyang vlog iyon sa May 3.

Maya-maya pa ay biglang napaluha si BB.

Paliwanag ni BB sa netizens: "Naalala ko si Rustom, naiyak ako. Echos! Hahaha!

"Paano natin gagawin? Ano ba yun! Hindi pa nag-uumpisa, iyak na."

Continue reading below ↓

Sumang-ayon si BB sa Instagram followers niya na nagsasabing "nakaka-miss" si Rustom.

Pero hindi raw niya pinagsisisihan ang desisyong magpakatotoo sa sarili.

"Don't get me wrong. Wala akong gusto balikan.

"Ang sinasabi ko lang, that guy is a good guy..."

Sabi pa ni BB: "Si Rustom ang nagparaya para magkaroon ako ng sariling buhay kaya ako naiiyak."

Continue reading below ↓

A MATTER OF LIFE AND DEATH

Ayon kay BB, hindi naging madali ang desisyon niyang yakapin ang kanyang tunay na sexual orientation.

Noong kilala pa siya bilang Rustom, inamin niya sa TV viewers na siya ay "gay."

Isa siya sa housemates ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1, noong 2006.

Taong 2006 din daw nang dumaan siya sa matinding self-discovery.

"That was the time na nandun ako sa point na either I live or I die...

"Yun na yun. Dead end.

"Magdedesisyon na ako. Kapag itutuloy ko, kailangan sigurado ako sa haharapin ko.

"Kung hindi, 'Tigilan na natin ito.'

"Madali lang. Isang anuhan lang 'yan, tapos.

"Nandun na ako sa point na yun."

Pero hindi raw niya kinitil ang sariling buhay.

Nasagip daw siya ng kanyang paniniwala sa Diyos.

"Dahil sa pananampalataya, hindi naging choice yun para sa akin.

"Kung walang pananampalataya, I could have. Tapos na. Wala nang naging BB.

Continue reading below ↓

"Nung natapos si Rustom, tapos. You know what I mean?"

Noon ding panahong iyon binili ni Rustom ang alaga niyang aso na si Imman o Immanuel.

Sa salitang Hebrew, ang ibig sabihin ng Immanuel ay "God is with us."

Patuloy ni BB tungkol sa kanyang beloved dog, "Kaya Immanuel. Kasi siya yung tagapagpaalala sa akin that God is with us."

Continue reading below ↓

November 2016 nang payagan ng isang U.S. court na kilalanin si BB, legally, bilang isang babae.

Pati sa kanyang identification documents tulad ng driver's license ay female na ang nakasaad sa kanyang kasarian.

REMEMBERING RUSTOM AND HIS EX-wife

On a lighter note, tuwang-tuwa si BB sa komento ng netizens na nagsasabing "ang gwapo ni Rustom."

Hindi raw makakalimutan ng isang netizen na nakita niya si Rustom sa Cebu noon.

Sabi ni BB, "'Yan isa sa mga nakukuwento sa akin ni Rustom.

"Na nung pumunta sa Cebu, isa sa mga pinaka-warm na tao ang mga tiga-roon.

"From city hall ata to the airport, sinundan siya ng mga tao."

Sabay biro ni BB, "Pero aminin niyo, si Rustom hindi tumanda. Hahaha!

"Akala nila, si Rustom, kapag ganitong edad na, ganito ang hitsura.

"Hindi. Si BB ito."

May isang netizen din ang humirit na, "Si Rustom, si Carmina ang mahal."

Ang aktres na si Carmina Villarroel ay dating asawa ni Rustom.

Continue reading below ↓

Ikinasal sila noong 1994, pero naghiwalay rin noong 1997.

Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2002.

Friends pa rin ba sila ni Carmina?

Sagot ni BB, "I cannot say. I cannot claim.

"Wala kaming connection ni Carmina the way na may connection sila ni Rustom.

"That's how far I can talk."

Huwag na raw pag-usapan pa ang kanyang past love life.

Sa huli, sinabi ni BB na hindi niya akalaing "roller-coaster of emotions" ang mararamdaman niya nang mag-Instagram Live bago siya pumasok sa trabaho.

Pero nagpasalamat siya sa kanyang Instagram followers na ipinadarama raw ang suporta at pagmamahal ng mga ito sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari on missing her old self as Rustom Padilla(right): "Don't get me wrong. Wala akong gusto balikan. Ang sinasabi ko lang that guy is a good guy..."
PHOTO/S: @gandangaharibb Instagram / Screengrab from Pinoy Big Brother
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results