Ara Mina gifts frontliners with cosmetics; nurse declines, “At this point…not on top of priorities”

by Jet Hitosis
Apr 21, 2020
Ara Mina will give out packs of her beauty products to healthcare frontliners as gifts, even if a nurse commented that "at this point of time make up kits is not on top of priorities."
PHOTO/S: @therealaramina on Instagram

Hindi priority ng healthcare frontliners ang pagme-makeup ngayong may killer virus sa mundo.

Ito ang diretsahang sabi ng isang nurse sa aktres-entrepreneur na si Ara Mina.

Nagkomento ang nurse sa Instagram post ni Ara, 40, nitong Linggo, April 19.

Sa post, inianunsiyo ni Ara na mamimigay siya ng pagkain at face masks sa frontliners sa dalawang ospital na napili niya.

Bukod dito, mamamahagi rin si Ara ng self-care kits bilang personal niyang regalo sa frontliners.

Laman ng bawat kit ang sariling cosmetic products ni Ara.

Gagawin daw ng aktres ang distribution ngayong linggo.

Mababasa sa caption niya (published as is): “We’ll be sending @aracoloursph SELF CARE KITS to the frontliners of my 2 chosen hospitals this week [heart eyes emoji] (THIS IS JUST A GIFT!)”

Plano ng aktres na mamahagi rin ng face shields at personal protective equipment suits sa mga ospital.

“ASIDE SA FOOD, MASKS NA BINIBIGAY NATIN. WE’LL GIVE FACE SHIELDS AND PPE’s SOON SA TALAGANG NANGANGAILANGAN PO.”

Continue reading below ↓

Sa parehong post, nag-promote si Ara ng kanyang donation drive.

Layunin nitong magbigay ng pagkain sa mga frontliners.

“Pls continue supporting my products so we can help more,” dagdag ng aktres.

“Let’s spread kindness and be a true hero to our frontliners.”

FOOD, NOT MAKEUP

Sa kabila ng pagmamalasakit ni Ara sa healthcare workers ngayong may pandemic, isang nurse ang hindi naka-appreciate sa regalo ng aktres.

Continue reading below ↓

Giit ng nurse, hindi makeup kundi pagkain ang pangunahing kailangan ng mga tulad niyang COVID-19 frontliner.

Comment ng nurse: “Thank you, but at this point of time make up kits is not on top of priorities. [peace sign emoji]

“Food is more essential for their daily needs.”

Sagot ni Ara, alam niyang pagkain ang priority ng lahat sa ngayon, kaya iyon nga ang pangunahing ipinamamahagi niya sa frontliners.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, ang makeup products ay “bonus or extra,” o bukod pa sa food pack na matatanggap ng bawat frontliner.

Reply ni Ara sa nurse: “i know this is not the top priority ayan na naman po tayo sa pagjajudge.

“This is only a bonus or extra may kasama pong food ang pamimigay ko po.”

“IF YOU DON’T LIKE DI KO PO KAYO PIPILITIN”

Idinetalye ng aktres ang iba pang medical supplies na plano niyang ipamahagi sa mga ospital.

Patuloy ni Ara (published as is): “And nagdidistribute na rin po ako about 8k pcs of masks.

“Naka plan na rin po ako mamigay ng face shields and mag fundraise p po ako for PPE suits.”

Pakiusap ni Ara sa nurse, huwag sanang negatibo ang dating dito ng mga regalo niya.

Hindi naman daw niya ito ipipilit sa nurse.

“Sana po wag po tayo nega agad.

“It’s free anyway, if you don’t like di ko po kayo pipilitin.

Continue reading below ↓

“It’s just a GIFT!”

Paliwanag pa ni Ara sa nurse, gusto lang niyang mabigyang kasiyahan ang mga tulad nitong frontliners.

Kaya nga mga healthcare workers pa rin ang beneficiaries ng kanyang donation drive.

Published as is: “Nag-iisip lang ako ng something para matuwa naman mga frontliners like you.

“Di nyo po ba nakita ang SWIPE PIC?

Continue reading below ↓

“I sell my products sa price nya and yung kita po namin ipangkakain ng frontliners.

“And itong mga pouches na is extra gift for frontliners.”

"Sana malinaw po at naexplain ko sa inyo ng maayos.

"Para maintindihan nyo po"

NURSE SAYS SORRY, THANKS ARA

Kinabukasan, April 20, sumagot ang nurse.

Continue reading below ↓

Nag-sorry siya kay Ara sa kanyang nasabi.

Iginiit ng nurse na hindi biro ang maghapong pagsusuot ng PPE.

At sa sobrang busy daw ng frontliners ngayong may krisis, wala nang panahon ang mga ito para mag-makeup.

Ayon sa nurse, kung may kailangan ang mga frontliners sa ngayon, ito ay ang pagkain, tulog, at pahinga.

Reply ng nurse kay Ara: “Oh wow sorry for that.

“but wearing PPE’s is NO joke and even no time to put on make up in this health crisis.

“But what frontliners need for now is FOOD SLEEP AND REST.”

Nagpasalamat din ang nurse sa lahat ng tulong ni Ara sa mga frontliners.

“But anyway THANK YOU FOR YOUR HELP.

“FOOD is really essential.

“Godbless!”

May mensahe rin ang nurse sa mga Instagram followers ni Ara na nam-bash sa kanya.

“I read all the bashing

“alam nio relax lang we never know when this Health crisis gonna be end.

Continue reading below ↓

“I am not affected at all with ur comment normal yan sa pinoy haha."

ARA’S BEEN HELPING FRONTLINERS SINCE WEEK 1 OF ECQ

Unang linggo pa lang ng enhanced community quarantine (ECQ) ay aktibo nang tumutulong si Ara sa mga frontliners.

Nag-bake ng cupcakes ang aktres para sa healthcare workers, sa ilang pulis sa Pampanga, at sa mga sundalong nagmamando ng checkpoint sa San Mateo, Rizal.

Continue reading below ↓

Nag-donate din si Ara ng 8,000 surgical masks at galon-galong alcohol sa walong ospital sa Luzon.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, patuloy na dumarami ang nagpopositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

At press time, umabot na sa 6,599 ang tinamaan ng virus sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Nasa 654 sa mga ito ang gumaling, habang 437 ang namatay.

Sa buong mundo, mahigit 158,000 na ang binawian ng buhay sa lampas 2.3 million na nagpositibo sa COVID-19.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina will give out packs of her beauty products to healthcare frontliners as gifts, even if a nurse commented that "at this point of time make up kits is not on top of priorities."
PHOTO/S: @therealaramina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results