Netizens weigh in on Vice Ganda's TikTok video about quarantine violators

by Bernie V. Franco
Apr 22, 2020
Vice Ganda's latest TikTok video has this lyrics: “O bakit nga ba humahaba ang quarantine? E, kasi nga Pinoy makukulit din. Pag sinabing wag lumabas, maglalabasan. At pag nagkasakit naman, magsisisihan."
PHOTO/S: YouTube (It's Showtime) / TikTok screengrab via Twitter

Bato-bato sa langit, ang tamaan 'wag magalit.

Akmang-akma ang kasabihang ito sa short video ni Vice Ganda, 44, kung saan pinatamaan niya ang mga pasaway sa quarantine protocols.

Kahapon, April 21, Martes, nag-post si Vice ng video gamit ang kilalang social networking app na TikTok.

Gumawa siya ng isang parody song.

Sa tono ng sikat na kantang "Kahit Ayaw Mo Na" ng This Band, pinalitan ni Vice ang lyrics ng tungkol sa quarantine.

Ang nakapukaw sa atensiyon ng netizens ay ang patama ng It’s Showtime host sa mga “makukulit” na Pinoy, kaya naman daw hirap ang bansa na malabanan ang COVID-19.

Narito ang buong lyrics sa parody song ng TV host-comedian:

“Lahat tayo lalamon, hihiga na naman ako

“Iisipin na lang panaginip lahat ng ito

“O bakit nga ba humahaba ang quarantine

“E, kasi nga Pinoy makukulit din.

“’Pag sinabing wag lumabas, maglalabasan

“At pag nagkasakit naman, magsisisihan.

“Daling sabihing pengeng ayuda, pero sumusunod nga po ba?”

Continue reading below ↓

Nag-viral at nag-trending ang video na ito ni Vice sa Twitter.

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa halos kalahating milyon ang nag-like sa TikTok video ni Vice.

MIXED REACTIONS TO VICE’S VIDEO

Hati ang damdamin ng mga netizens sa mensahe ni Vice sa kanyang TikTok video.

Katuwiran ng mga kontra, may mga lumalabas ng bahay dahil kailangan nilang bumili ng pagkain at iba pang mga pangangailangan.

Continue reading below ↓

Hirit ng netizen sa mga artistang kagaya ni Vice: “they're lucky they don't have to worry about daily resources while they lounge around in their comfortable homes.”

Ayon naman sa isa, kinokondena ni Vice ang mga Pilipino dahil nagtuturuan, pero ang komedyante ay sinisisi ang kanyang mga kababayan sa extension ng quarantine.

Continue reading below ↓

Banat naman ng isang netizen, hindi tama na nilahat ni Vice ang paninisi.

“Isolated cases were generalized to blame the poor,” tweet ng netizen.

Tinawag pa nitong “insensitive” at “privileged” si Vice.

Continue reading below ↓

Hiniritan ng isa pang netizen si Vice dahil sa patama nito sa masang tumangkilik sa kanya.

Ayon pa rito, hindi dapat nilalahat ni Vice ang masa, dahil may pananagutan ang gobyerno na magpatupad ng epektibong solusyon.

May ibang kumutya at lumait kay Vice dahil sa kanyang patama.

Continue reading below ↓

Marami naman ang sumuporta sa ginawang video ni Vice.

Marami sa kanila, nagsabing wala silang nakikitang masama sa video ni Vice at may punto ang sinabi nito.

Tweet ng isang netizen: “Dito ka lang talaga makakakita sa Pilipinas ng matitigas ang ulo pero sensitive.”

Continue reading below ↓

Ang isa naman, nakaka-relate sa hirit ni Vice dahil hindi raw sumusunod ang mga kapitbahay ng netizen sa kanilang lugar.

Pagkampi naman ng isa pa kay Vice, kailangan ng disiplina ng mga tao para umubra ang mga solusyon.

Continue reading below ↓

Diin naman ng iba pa, hindi maikakailang kahit may health crisis ay mayroon pa ring mga pasaway.

Ginawa pang halimbawa ng isang netizen ang pamemeke ng quarantine pass para pagkakitaan at magawang lumabas ng iba.

VICE GANDA’S PARODY SONG AIMING AT PASAWAY NA PINOY

Nang magsimula ang banta ng pandemic sa Pilipinas, isa si Vice sa mga artistang aktibong nagpapaalala ng mga dapat gawin, kagaya ng social distancing at pananatili sa bahay.

Continue reading below ↓

Dalawa ito sa mga mabisang alituntuning para maiwasan, kung hindi man masupil, ang mabilis na pagkalat ng virus.

Gamit ang kanyang social media accounts, hindi nagkulang si Vice sa pagdidiin sa mga paalaalang ito.

Ang enforced quarantine ay ipinatupad noong March 17 at magtatapos dapat ng April 13.

Pero in-extend ito ng gobyerno hanggang katapusan ng Abril dahil sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

At this writing, halos 6,600 na ang COVID-19 cases sa bansa; at higit 400 na ang namamatay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda's latest TikTok video has this lyrics: “O bakit nga ba humahaba ang quarantine? E, kasi nga Pinoy makukulit din. Pag sinabing wag lumabas, maglalabasan. At pag nagkasakit naman, magsisisihan."
PHOTO/S: YouTube (It's Showtime) / TikTok screengrab via Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results