Ronnie Alonte calls Loisa Andalio "mi futura esposa" on her 21st birthday

by Arniel C. Serato
Apr 22, 2020
Loisa Andalio and Ronnie Alonte will be celebrating their fourth anniversary in November 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @iamr2alonte on Instagram

Kinilig ang LoiNie fans nina Ronnie Alonte, 23, at Loisa Andalio dahil sa birthday mesage ng binata para sa girlfriend.

Kahapon, April 21, ipinagdiwang ng Kapamilya actress ang kanyang ika-21 kaarawan.

Sa pamamagitan ng Instagram, idinaan ni Ronnie ang pagbati kay Loisa sa wikang Espanyol.

Sabi ng Hashtags member: “feliz cumpleaños a mi futura esposa.”

Sa English, ang ibig sabihin ng pagbati ni Ronnie ay “happy birthday to my future wife.”

Continue reading below ↓

BIRTHDAY GREETINGS FROM CELEBRITY FRIENDS

Sa comments section, binati rin si Loisa ng ilang kaibigan nila mula sa showbiz.

Kabilang dito ang aktor at Makati City District 1 councilor na si Jhong Hilario.

Tugon ni Ronnie, “@jhonghilario miss u konsi!"

Magkasama sina Jhong at Ronnie sa It's Showtime.

Sabi naman ni Loisa, “@jhonghilario thank you konsiiii!!! stay safe!!!!”

Continue reading below ↓

Biro naman ng kapwa Hashtags member ni Ronnie na si Jimboy Martin, tila nahirapan siyang intindihin ang pagbati ni Ronnie sa girlfriend.

Mensahe ni Jimboy, “Paturo ako magespañol idol.”

Pabirong sagot ni Ronnie, “google malaking tulong pre. Ahahaha”

Marami ring fans ang dalawa na nagkomento ng "heart" at "heart eyes" emojis bilang pag-sang ayon sa mensahe ni Ronnie.

Continue reading below ↓

Narito ang ilan sa kanila:

RONNIE-LOISA RELATIONSHIP

Mahigit tatlong taon na ang relasyon nina Ronnie at Loisa.

Noong November 2019, ipinagdiwang nila ang kanilang ikatlong anibersaryo sa Amanpulo, Palawan.

Pero bago nila narating ang puntong ito, may mga pinagdaanan ding pagsubok ang relasyon ng dalawa.

July 2018, bagamat hindi pa nila noon inaamin ang estado ng kanilang relasyon, inamin ni Ronnie na may pinagdaanan sila ni Loisa.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noon sa binata, sabi nito, “Hindi ko lang alam, siguro sa amin na lang yung dalawa, private.

"Mayroon lang kaming di pagkakaintindihan, mayroon lang di pagkakaunawaan.

"Pero sana, soon, maayos. Kung kami talaga, kami talaga."

Nag-uusap naman daw silang dalawa tungkol sa kanilang misunderstanding.

Pero dagdag niya, "Siguro kailangan lang naming mag-relax, maging open muna ang isip namin sa isa't isa bago kami magdesisyon, na kapag nagkita ba kami, mag-uusap kaming dalawa.

"Wala namang problema. "

Pero bago magtapos ang July 2018, naispatang magkasama sina Ronnie at Loisa sa isang events venue sa Pasay City.

Tila walang ibang mga tao sa kanilang paligid dahil sa pagpapakita nila ng kanilang affection sa isa't isa.

August 1, 2018, opisyal na nagkaayos ang magkasintahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio and Ronnie Alonte will be celebrating their fourth anniversary in November 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @iamr2alonte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results