Julia Barretto likes Gerald Anderson's "hindi ako mabibiktima" video on Instagram

by Rachelle Siazon
Apr 22, 2020
Julia Barretto reacts to Gerald Anderson making a spoof out of the viral "hindi ako mabibiktima" joke about him.
PHOTO/S: @juliabarretto / CTTO via @gerald_angels Instagram

Kabilang si Julia Barretto sa likers ng panlalaglag ni Gerald Anderson sa sarili nitong spoof.

Ginawa kasing katatawanan ni Gerald ang tingin ng iba na siya ang tipo ng lalaking matinik sa babae.

Nag-record siya ng video kunsaan isang babae ang nag-dub ng sikat na linya ni Arci Muñoz na "hindi ako mabibiktima" ni Gerald.

Sabay tumawa pa nang malakas ang babaeng nag-dub.

Sa dulo ng video, nag-pan ang camera sa gawi ni Gerald na kunwa'y seryoso ang mukha.

Pero ang totoo ay laugh trip lang ito ng aktor nitong Miyerkules ng gabi, April 22.

Second entry raw niya iyon sa TikTok, isang short-form video app na sikat na source of entertainment ng netizens ngayon.

Ipinost pa niya iyon sa Instagram kalakip ng caption na "Sorry sorry try ko ulit."

Continue reading below ↓

BACKSTORY OF THE LINE "HINDI AKO maBIBIKTIMA"

Naging viral sa social media ang linya ni Arci na hindi ito pabibiktima kay Gerald.

Sinabi iyon ni Arci sa June 2017 episode ng Gandang Gabi, Vice, ang weekly late-night talk show ni Vice Ganda sa ABS-CBN.

Kinumpirma ni Arci na "friends" sila ni Gerald.

Nagkatambal na sila sa pelikulang Can We Still Be Friends at Always Be My Maybe.

Tanong pa ni Vice kay Arci, "Hindi kayo magiging ex?"

Tumanggi si Arci at pabulong na sinabi, "Hindi ako mabibiktima."

Sabay hagalpak pa ng tawa noon sina Arci at Vice.

JULIA barretto'S REACTION

Kita sa isang screenshot na pinusuan ni Julia ang spoof ni Gerald.

Continue reading below ↓

Si Julia ay nakatambal din ni Gerald sa pelikulang Between Maybes noong 2019.

Nasangkot ang dalawa sa kontrobersiya nang pumutok ang balitang nagkapalagayan sila ng loob sa totoong buhay.

Noong panahong iyon, umalma si Bea Alonzo na wala silang formal breakup ni Gerald, na magtatatlong taon niyang karelasyon.

Pero mariing itinanggi noon nina Gerald at Julia na may ugnayan sila maliban sa pagiging magkaibigan.

Itinanggi rin ni Gerald na si Julia ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.

Sa kabila nito ay pinutakti si Gerald ng memes dahil sa isyu.

Pati ang GGV interview kay Arci ay naungkat at nabigyan ng kulay.

Dahil, ayon sa netizens, mukhang madaling ma-develop si Gerald sa mga nagiging leading lady nito.

LAUGH TRIP

Pero sa ginawa raw spoof ni Gerald, isang netizen ang nagsabing tila hindi isyu kay Gerald kung anuman ang sabihan ng netizens.

May iba namang fans na nagsabing willing silang magpabiktima sa aktor.

Continue reading below ↓

Tawang-tawa ang iba pang nakapanood ng spoof ni Gerald sa sarili.

Continue reading below ↓

Pati ang artistang si Jairus Aquino at dating It's Showtime host na si Eric Tai ay naaliw at napa-comment sa post ni Gerald.

Gayundin si Nhila Mallari, manager ni Gerald sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto reacts to Gerald Anderson making a spoof out of the viral "hindi ako mabibiktima" joke about him.
PHOTO/S: @juliabarretto / CTTO via @gerald_angels Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results