Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang paglitaw ng larawan ng lalaking nakahubad sa live video conference ni Pasig City Mayor Vico Sotto kahapon, April 22.
Kausap ni Mayor Sotto sa nasabing meeting ang mga miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).
Zoom ang gamit na app ni Mayor Vico at ng kanyang mga kausap sa video conference.
Nasa gitna ng kanyang pagsagot si Mayor Sotto sa tanong tungkol sa lockdown sa Pasig City nang may hindi inaasahang napanood ang viewers ng live streaming.
Ayon sa alkalde, hindi niya ipasasara ang mga restaurant at essential establishments sa Pasig kapag nagpatupad ng full lockdown ang gobyerno.
Paliwanag ni Mayor Vico, "The question on full lockdwon.
"Definitely, we will not, we will not shut down establishments that are selling food and other necessary...."
Dito na biglang pumasok ang imahe ng hubad na lalaking foreigner na nasa harap ng isang computer.

Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin si Mayor Sotto sa kanyang sagot.
Dagdag niya, "Necessarily, necessary supllies..."
Pero ilang segundo ring natulala at medyo nalito si Mayor Sotto kung ano yung nag-flash na larawan habang nagsasalita siya.
Medyo natawa pa nga siya sa nasabing senaryo.
Pagpapatuloy niya, "Mas magiging magulo yun, that will cause a lot of social unrest."
Narito ang live streaming ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) kasama si Mayor Sotto. Nasa bandang ika-15 minuto ang pinag-uusapang larawan:
NETIZENS REACT to zoom BLUNDER
Kaagad naging trending topic sa Twitter ang paglitaw ng hubad na lalaki sa video conference ni Mayor Vico.
Karamihan sa mga netizens ay natawa at nakisimpatiya sa alkalde sa nangyaring blunder ng Zoom conference.
Sabi ng isang netizen, ngayon lamang daw siya tumawa nang ganito mula nang magsimula ang enforced quarantine.
May suhestiyon naman ang isang netizen kay Mayor Sotto upang maiwasan na ang mga ganitong pangyayari sa susunod na live meeting or interview sa kanya.
Nagtataka naman ang ibang netizens kung sino si "Ann Gregorio" na lumabas na pangalan kalakip ang larawan ng hubad na lalaki.
MAYOR VICO MAINTAINS HIS COMPOSURE
Humanga naman ang iba sa pagiging cool ni Mayor Vico sa sitwasyong kinaharap.
IS ZOOM SAFE TO USE?
May mga netizen ding nagsabi na hindi safe ang Zoom app, at hindi raw ito nararapat gamitin sa mga pribadong usapan.
Ayon sa isang netizen, "This is a known issue with Zoom, to which no longer recommended in other countries.
"Si Mayor @VicoSotto is all of us. Gulat.
"Wag bahiran ng kung ano okay? Protect Mayor Vico."
Sa ngayon, wala pang pahayag na inilalabas si Mayor Votto tungkol sa insidente.
