BB Gandanghari hurt by family's indifference: "Pinaparamdam sa iyo...na para kang walang kuwentang tao."

by Rachelle Siazon
Apr 23, 2020
Alone in the U.S. and no communication with her family, BB Gandanghari laments, "Bakit ang mga pamilya ko, hindi ko mapa-smile?"
PHOTO/S: BB Gandanghari Instagram & Youtube

Mabuti pa ang netizens may malasakit.

Ito ang daing ni BB Gandanghari na mag-isang naninirahan sa Los Angeles, California.

Hindi maiwasang mabanggit ni BB ang pagdaramdam niya sa kanyang pamilya, na ni hindi raw siya makuhang kumustahin kahit sa telepono.

Si BB, 52, ay dating kilala bilang matinee idol na si Rustom Padilla.

Noong November 2016, legal na kinilala ng isang U.S. court ang pangalan niyang BB Gandanghari at ang gender niya bilang female.

Kapatid niya ang mga aktor na sina Robin Padilla, 50, at Rommel Padilla, 55.

"Kasi sa pinaparamdam sa iyo ng pamilya mo, na para kang walang kuwentang tao. Na you don't deserve a call," malungkot na saad ni BB.

Nagmuwestra pa si BB ng quotation marks upang bigyang-diin ang salitang "pamilya."

Taliwas daw ito sa mga nakakaantig na mensaheng nakukuha niya sa avid followers sa kanyang YouTube at Instagram.

Isang netizen ang nagsabi na naiintindihan nito ang lagay ni BB—na pihadong nababalot ng kalungkutan dahil sa pag-iisa.

Continue reading below ↓

Lalo na raw sa panahon ng quarantine na ipinagbabawal ang physical connection sa mga mahal sa buhay.

Sabi naman ni BB, dahil sa mensahe ng netizen ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

"At least, nararamdaman ko ngayon na hindi pala ako abnormal. Baka sila.

"Hindi pala ako abnormal. Itong feeling ko na na masaktan ako, na ganito yung feeling ko.

"Hindi pala ako dramatic, manhid lang sila."

May isa pang netizen na nagsabi kay BB na palagi itong napapangiti sa tuwing napapanood siya.

Matamis na ngiting sagot ni BB, "If I make you smile, why not?"

Sabay hugot niya, "Bakit ang mga pamilya ko, hindi ko mapa-smile? Bakit hindi sila nag-smile sa akin?

"Pakisagot naman. Buti pa kayo. Salamat ha."

Inihayag ito ni BB sa kanyang YouTube vlog nitong April 21.

BB Gandanghari Youtube

STILL WORKING AMID QUARANTINE

Marami sa kanyang followers ang naaaliw dahil kuwela at inspiring ang mga kuwento ni BB kung paano ang buhay niya sa Amerika.

Mayroon din siyang random live streaming sa Instagram kunsaan direkta siyang nakikipag-usap sa kanyang followers.

Tulad noong Lunes, April 21, positibo ang aura ni BB habang nagla-live stream sa loob ng kanyang kotse.

Naka-park na siya sa tapat ng opisina niya, pero maaga pa siya ng halos isang oras.

Kuwento niya sa netizens, mayroon siyang day job—7:30 a.m. siya magta-time in at eights hours ang schedule niya.

Kahit na may COVID-19 pandemic, nakakapagtrabaho pa rin daw siya dahil maliit lang ang kumpanyang pinapasukan niya.

Hindi rin naman daw people-oriented ang trabaho niya kaya wala silang nakakahalubilong customers.

Safe daw sa work niya dahil napa-practice nila ang social distancing.

"Sa trabaho namin, kami naman ay six feet away doon. Hindi labas-pasok ang mga tao sa amin."

Continue reading below ↓

Kapag break time, sa kotse pa kumakain si BB ng dala niyang baon para mag-isa lang talaga siya.

Sabi ni BB, tuloy ang kayod dahil kung hindi ay wala siyang susuwelduhin.

"Essential kami kasi small business kami, and we have to survive.

"At the same time, hindi namin kino-compromise ang safety because we are not [a] people-oriented [type of] small business."

Bukod dito ay pinupuhunanan din daw niya ang pangarap na marating ang Hollywood.

Bago nagkaroon ng COVID-19 pandemic ay sumasalang si BB sa acting auditions.

Sabi niya, "Ang acting dito, mahirap. You really have to go through the process.

"Ang acting dito is kailangan puhunanan."

@gandangharibb Instagram
Continue reading below ↓

LIVING ON HER OWN

Inilarawan din ni BB na kapag weekend ay household chores ang inaatupag niya.

Maaga raw siyang nagtutungo sa laundry shop para kaunti lang ang tao.

Istrikto naman daw ang protocol. Dalawa lang silang customers sa loob at required silang mag-mask.

Pag-uwi raw ng bahay, "Kailangan mo magluto kasi naubusan ka na ng pagkain.

"May worries na kailangan mo maglinis... You wanna shut down but you cannot.

"I don't know kung nararamdaman niyo. Pero ganun ako nung Saturday."

Kahit papaano ay nakapagpahinga naman daw siya noong Friday.

Pampasaya ni BB ang beloved dog niyang si Imman.

Kahit nasa trabaho siya ay dala niya si Imman, at iniiwan lang sa loob ng kotseng bukas ang mga bintana.

Hindi raw siya nag-aalala dahil safe at walang bukas-kotse gang sa lugar na pinapasukan niya.

Bukod sa alagang hayop, ilang beses ding nababanggit ni BB ang malalim na pananampalataya niya sa Diyos.

Continue reading below ↓

May mga nasi-share pa siyang Bible verses para magbigay-inspirasyon sa iba.

Ito raw ang sikreto niya kaya positibo ang disposisyon niya kahit anong mangyari.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alone in the U.S. and no communication with her family, BB Gandanghari laments, "Bakit ang mga pamilya ko, hindi ko mapa-smile?"
PHOTO/S: BB Gandanghari Instagram & Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results