Dimples Romana writes emotional birthday message for best friend Angel Locsin

by Arniel C. Serato
Apr 23, 2020
Dimples Romana to best friend friend Angel Locsin: "Thank you for the friendship and for being that person I can call with no hesitation each time my life encounters roadblocks.”
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Idinaan ni Dimples Romana sa isang mahaba at emosyunal na Instagram post ang kanyang pagbati sa best friend na si Angel Locsin.

Ngayong araw, April 23, ang ika-35 kaarawan ng “real-life Darna,” ayon sa maraming nakakakilala sa actress-philanthropist.

Pero nauna nang nagpaabot ng birthday message si Dimples sa matalik na kaibigan kagabi, April 22.

Inilahad dito ni Dimples ang kanyang labis-labis na pasasalamat kay Angel na hindi raw nang-iwan sa kanya anuman ang sitwasyon.

Mensahe ng 35-year-old Kapamilya actress para kay Angel (published as is):

“Naghanap ako ng photos that best describe you as a person to me and to my family and came up with these two photos.

“Si alonzo to. I remember this first photo very vividly dahil Eto yung pumunta ka sa Bahay kasi Sabi mo, kailangan na namin magdate ng asawa ko kaya Ikaw na muna kay Alonzo.

“Umalis kami at naiwan ka sa bahay.”

Si Dimples at asawa nitong si Boyet Ahmee ay may dalawa ng anak—sina Callie, 16, at Alonzo, 5.

Continue reading below ↓

"ALWAYS KIND TO EVERYONE"

Saludo raw si Dimples sa pagiging makatao at mapagmahal ng kanyang best friend.

“Alam ng lahat kung gaano kita mahal.

“Sa totoo, sa pagkakaibigan natin, I never remember you are the super star that you are because not once did you ever make me feel inferior.

“You are always kind to everyone. Hindi ka namimili, Hindi ka nanghuhusga."

Hindi raw iniisip ni Angel ang pansariling kapakanan basta makatulong sa kapwa.

“Ang nakikita nila ngayon ay lahat ng pagtulong mo para sa napakaraming pamilya.

“Kung nakita nila lahat ng nakita kong ginawa mo sa iba pang tao, Mas lalo ka pa nilang mamahalin.

“Pero kasi Ikaw hindi mo iniisip yun eh.

“Ang gusto mo lang lagi tutulong ka.

“Ang gusto mo yung Walang nakakaalam.

“Pero alam ko, dahil nakita ko. Nandun ako kadalasan.

“If more people knew just how genuine and how loyal you are as a person,as a friend, they will understand kung Bakit Ganun na lang ang pagmamalaki ko sayo.”

Continue reading below ↓

"CONTINUE SHINING YOUR LIGHT"

Ngayong kaarawan ng kaibigan, umaasa si Dimples na makapagpahinga si Angel at pagtuunan muna nito ng pansin ang sarili kahit isang araw lamang.

Simula kasi nang nagdeklara ang gobyerno ng public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic, halos hindi nagpapahinga si Angel sa pangangalap ng pondo upang makapagbigay ng mga tents sa mga ospital sa buong Luzon.

Katuwang niya rito ang fiancé na si Neil Arce.

Nakalikom sina Angel ng halos P11-M sa kanilang fundraising project.

Mensahe ni Dimples: “Sana sa kaarawan mo ngayon, makapagpahinga ka, makatulog ka ng maayos at mahaba, makakain ka ng gusto mo, that you’ll have more years to make more memories with us @neil_arce @laniiliodiaz @boyetahmee, that you’ll be able to help more people and be able to continue shining your light to everyone who needs you."

Dagdag niya, “Thank you for the friendship and for being that person I can call with no hesitation each time my life encounters roadblocks.”

Continue reading below ↓

Nagkuwento na rin si Dimples tungkol sa pinagdaanang peligro ng asawa na labas-masok sa ospital dahil sa karamdaman noong December 2019.

Nandoon daw si Angel para damayan siya.

Lahad ni Dimples, “Wala akong picture when I texted you last year while I was taping for KG [Kadenang Ginto], Hindi pa ako makaalis, and Boyet had to be rushed to the ER again for the nth time because of his bleeding.

“I messaged you at 1130pm and at 12mn my husband texts me, Darna is here.

“I remember feeling a sigh of relief knowing na Kahit hindi pa ako makaalis ng trabaho to be with Boyet, I had someone there who I can rely on for strength and support.

“Galing akong taping, I met up with you sa ER and you were like that Angel that you truly are, being with us along the way.

“Hindi ka natulog kasi pinatulog mo ako dahil alam mong Galing akong trabaho.

Continue reading below ↓

“You took care of Boyet, you took care of me.”

"GRATEFUL FOR HAVING YOU IN MY LIFE"

Sa tugon ni Angel, mababanaag na labis siyang naantig sa mensahe ni Dimples.

Pero ayon kay Angel, mas may utang na loob siya sa itinuturing niyang totoong “superwoman.”

Mensahe ni Angel, “Mars, between the two of us, you’re always always the bigger person and I’m so grateful for having you in my life.

Continue reading below ↓

"Ikaw nga diba ang totoong superwoman.

"I love you and will always love you @boyetahmee @callieahmee & alonzo. Thanks mars."

Para mabasag ang drama sa pagitan ng dalawa, nagkomento ang fiancé ni Angel na si Neil sa usapan ng magkaibigan.

“magtaping na kayo kelangan niyo na ilabas drama niyo,” parang nambuskang pagsabat ng businessman-film producer.

Continue reading below ↓

Pabirong tugon ni Dimples kay Neil, “punasin mo muna luha mo dyan. Alam kita"

Continue reading below ↓

Sa isa pang komento ni Neil, sabi niya kay Dimples, “Masyado mahaba pavoice note na lang pls."

Pabirong sagot ni Dimples, “@neil_arce Baka Puro hikbi marinig mo sakin pag voice note yan.”

Samantala, simple lang naman ang birthday salubong ni Angel sa kanyang ika-35 kaarawan.

Post niya kagabi din, April 22: “35 and proud. My 'Surprise' salubong”

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dimples Romana to best friend friend Angel Locsin: "Thank you for the friendship and for being that person I can call with no hesitation each time my life encounters roadblocks.”
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results