Baby Rosie nina Regine Tolentino at partner na si Dondi Narciso, itinuturing nilang 'miracle child'

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 23, 2020
Dondi Narciso and Regine Tolentino. Baby Rosie pictorial with headdress.
Sa edad na 41, hindi akalain ni Regine Tolentino na magdadalang-tao pa siya sa partner na si Dondi Narciso (kaliwa). Lima at kalahating buwan na nga nang malaman niyang buntis pala siya kay Baby Rosie.

"Miracle Child" kung ituring ni Regine Tolentino ang kanyang one-month-old baby na si Rosie.

Video: GMA News.

Hindi raw kasi akalain ng actress-dancer-designer-businesswoman na mabubuntis pa siya sa edad na 41.

Sa katunayan, hindi nga raw niya nalaman agad na buntis na pala siya noon sa baby nila ng partner na si Dondi Narciso.

"I'm 41, and I found out that I was pregnant, actually, at around 5 1/2 months," sabi ni Regine sa panayam sa kanya ni Cata Tibayan ng 24 Oras.

Nasorpresa raw siya dahil irregular pa man din ang schedule ng kanyang menstruation. Kaya't hindi niya malalaman agad kung buntis siya.

"And at the time I was just all over the place traveling, I was dancing, working out, and working at the shop as well.

"So when we found out, it was the greatest blessing," patuloy ni Regine.

Ipinanganak si Rosie dalawang araw matapos ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon last month.

Continue reading below ↓

Twenty-six hours na nag-labor si Regine. Hindi raw niya mapiglan na ma-stress nang husto dahil nga sa situwasyon ng bayan dahil sa COVID-19.

Dagdag pa rito ang naging kondisyon ni Rosie nang ipinanganak na ito.

"Rosie had pneumonia and she had a fever of 39.9 and rising, actually, when they took her away.

"So it was a very chaotic, stressful time, and sobra akong umiiyak. And I felt that my post-partum started right at that moment," lahad pa ni Regine.

Sa ngayon daw ay maayos na ang lagay ni Baby Rosie at nae-enjoy rin nang husto ni Regine ang pagbe-breastfeed sa kanyang baby girl.

Sinusulit din ni Regine at ng kanyang pamilya ang makapag-bonding pa lalo na ngayong naka-quarantine sila.

"I am more confident now that I am older and then I have the support of my two lovely daughters, and we still really bond with each other, and get to know each other, and make Rosie feel loved and protected."

Continue reading below ↓

Kaya't ang payo ni Regine sa kanyang kapwa ina ng tahanan:

"Despite the pandemic, it's a stressful time, but let's try to make the most out of it, and actually, enjoy it.

"'Cause you're with your family. Kumpleto kayo. Bihira lang itong time natin to spend [time] with them. Napakabilis ng panahon and savor each moment.

"It's great also to take this time to bond through prayer."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa edad na 41, hindi akalain ni Regine Tolentino na magdadalang-tao pa siya sa partner na si Dondi Narciso (kaliwa). Lima at kalahating buwan na nga nang malaman niyang buntis pala siya kay Baby Rosie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results