Kitkat curses SAP recipients allegedly using cash aid for drug business

by Arniel C. Serato
Apr 24, 2020
Kitkat on arrested family allegedly selling drugs in Quezon City: "Hirap na hirap na buong mundo lahat ng tao, lahat tayo, lahat kami... mga Tarantado pa kayo!"
PHOTO/S: Courtesy: Kitkat Favia / Troy Zarate de Leon on Facebook

Gigil na gigil ang comedienne-singer na si Kitkat sa balitang isang pamilya sa Quezon City ang ipinampuhunan umano sa droga ang natanggap na financial aid.

Ang nasabing grant ay mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno bilang ayuda sa mga poorest of the poor ngayong may enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Napamura si Kitkat sa kanyang Facebook post kagabi, April 24:

“Paisa lang din ako! Mga P*&#$G I*A NYO MGA HAYUP KAYO!

“Hirap na hirap na buong mundo lahat ng tao, lahat tayo, lahat kami ,,, mga Tarantado pa kayo!

“Mga Gago! MAMATAY NA KAYO!”

Continue reading below ↓

Ang nanggagalaiting reaksiyon ni Kitkat ay base sa report ng 24 Oras ng GMA-7 noong April 21.

Ayon sa report, nahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P35K ang mga suspek na si Elvie Flores, mga anak nitong sina Angelito at Nathali, at ang balae nitong si Raquel Bona.

Naaresto ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa Barangay Tatalon.

Ayon sa mga awtoridad, pinaghihinalaang ipinampuhunan ng magkakapamilya ang natanggap nilang cash grant upang makapagnegosyo ng droga.

Ayon din sa report, sina Elvie at Raquel ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at parehong nakatanggap ng P6,700K mula sa SAP.

POLICE INVESTIGATION

Base sa imbestigasyon ng Quezon City Police District Station 11, ang anak na lalaki raw ni Elvie ang nagsisilbing runner.

Ang kanyang balae naman daw ang kumukuha ng ibebentang droga.

Sabi ni Police Captain Randy Llanderal, commander ng QCPD Station 11, “Yung kanyang anak, ginagamit na tagapag-abot pag may bumibili ng droga.

Continue reading below ↓

"Siya yung ginagamit na runner.

"And then yung kanyang balae, base sa ating imbestigasyon, ay gumagamit din o kumukuha.”

Umamin naman daw si Elvie na tatlong taon na silang nagtutulak ng droga kasama ang kanyang mga anak.

Kumpisal niya sa panayam ng 24 Oras, “Pinambubuhay ko po sa mga anak ko dahil wala po akong asawa."

Sabi naman ng anak nitong si Angelito, “Sa sobrang kahirapan po ng buhay kaya po namin nagagawa yun."

Itinanggi naman ni Bona na kasabwat siya ng ibang mga akusado.

Itinanggi rin ng magkakapamilya na ipinambili nila ng droga na pambenta ang natanggap nilang ayuda mula sa gobyerno.

Ipinambili raw nila ng pagkain ang nakuhang pera.

Ngunit iginiit ni P/Capt. Llanderal na ginagawang puhunan para sa droga ang perang natanggap ng mag-balae.

Sabi pa niya, "And inamin man nitong tao, di ba, na talagang kanila.

"At 'yan ang ginagawa nga na pambuhay sa kanyang pamilya."

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat on arrested family allegedly selling drugs in Quezon City: "Hirap na hirap na buong mundo lahat ng tao, lahat tayo, lahat kami... mga Tarantado pa kayo!"
PHOTO/S: Courtesy: Kitkat Favia / Troy Zarate de Leon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results