Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pauline Mendoza admits relationship with millennial Pangasinan mayor

by Rachelle Siazon
Apr 25, 2020
Kapuso actress Pauline Mendoza in a relationship with Alaminos City Mayor Bryan Celeste for two months.
PHOTO/S: @paulinemendoza_ Instagram / Bryan Celeste Facebook

Taken na ang millennial mayor ng lungsod ng Alaminos sa Pangasinan na si Bryan Celeste, 23.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza, 20, na siya ang nagmamay-ari sa puso ng binata.

"Bago pa lang kami, two months, pero para pa rin kaming magbarkada, mag-friends," pag-amin ni Pauline.

Sinabi niya ito sa eksklusibong panayam ng GMA News Online kahapon, April 24.

Si Pauline ay Kapuso star na nakilala sa primetime series na Kambal Karibal. Siya ang gumanap na multong kakambal ni Bianca Umali.


Continue reading below ↓

THE MILLENNIAL MAYOR OF PANGASINAN

Ang nobyo ni Pauline na si Bryan ay naging tampok ng usap-usapan sa social media noong March 21.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Napansin ng netizens ang sipag ni Mayor Bryan sa personal na pag-abot ng relief packs sa nasasakupan niyang lugar.

Namigay siya ng mga gulay at prutas na binili ng local government sa farmers na hindi maibenta ang kanilang mga produkto dahil sa krisis.

Marami ang humanga kay Bryan dahil sa edad na 23 taong gulang, maayos daw nitong nagagawa ang trabaho nito.

Dagdag pa rito ay "napansin na "gwapo" at "mabait" daw si Bryan, base sa comments ng netizens sa Facebook page ng binata.


Continue reading below ↓

PROUD GIRLFRIEND

Bilang proud girlfriend, hindi napigilan ni Pauline na ihayag ang paghanga sa sipag ng nobyo sa gitna ng COVID-19 outbreak.

Noong March 25, nag-post siya sa Instagram ng litrato niyang nakasandal kay Bryan habang nasa isang bundok.

Kalakip nito ay ang ilang litrato ng relief operations na pinangunahan ni Bryan sa Alaminos.

Simpleng caption ni Pauline, "Proud of this guy right here!"

Naka-tag din si Bryan sa kanyang photo.

Continue reading below ↓

TAKING THINGS SLOW

Sa pagpapatuloy ng panayam ng GMA Network Online, sinabi ni Pauline na hanga siya sa dedikasyon ng nobyo sa paglilingkod sa bayan.

"Mabait" at "approachable" daw ang pagkakakilala niya sa nobyo.

Hindi raw isyu ang kanilang long-distance relationship dahil naiintindihan nila ang trabaho ng isa't isa.

Sa Marikina City nakatira si Pauline, habang si Bryan ay nakabase sa Alaminos.

Bago magkaroon ng enforced quarantine ay tuwing weekend lang sila nagkikita.

Sabi pa ng 20-year-old actress, "And hindi naman kami nagmamadali, we are just taking it slow, easy lang, nae-enjoy lang.

"Okay naman, saka hindi naman yun mahirap as long as you trust each other."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Pauline Mendoza in a relationship with Alaminos City Mayor Bryan Celeste for two months.
PHOTO/S: @paulinemendoza_ Instagram / Bryan Celeste Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results