Aiko Melendez counters netizen saying Marian Rivera “overacting” in Himala

by Jet Hitosis
Apr 25, 2020
Aiko Melendez (left) defends fellow Kapuso actress Marian Rivera (right) from a basher who said the latter was "overacting": “I must say me taste dn naman ako nagalingan ako ke marian."
PHOTO/S: @aikomelendez, @marianrivera on Instagram

Ipinagtanggol ni Aiko Melendez ang kapwa aktres na si Marian Rivera sa netizen na nagsabing “overacting” ito.

Pinintasan ng netizen ang “Walang himala…” monologue ni Marian.

Ang monologue ay bahagi ng “Gabi ng Himala: Mga Kuwento at Awit” online fundraising show nitong Martes, April 21.

Isa itong pagbibigay-pugay sa Ishmael Bernal classic movie na Himala, na pinagbidahan ni Nora Aunor noong 1982.

Para sa fundraiser, nagsanib-puwersa ang pinakamamalalaking pangalan sa showbiz upang makalikom ng pera para sa displaced workers sa industriya.

Sila ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa enforced quarantine, kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Ipinost ni Marian sa Instagram nitong Martes ang video clip ng kanyang interpretation sa karakter ng bida sa Himala, na si Elsa.

Ang asawang si Dingdong Dantes ang nagdirek kay Marian.

Continue reading below ↓

AIKO fangirls over marian

Sa caption, nagpasalamat si Marian sa pagkakataong mai-interpret niya ang “iconic scene" ng Superstar na si Nora Aunor.

Lalo na raw at ginawa niya ang monologue para sa mga manggagawa sa industriya na hindi nakakapagtrabaho sa ngayon.

Saad sa post ng 35-year-old actress: “Maraming salamat para sa pagkakataong magampanan ang iconic scene ng nag iisang Nora Aunor para sa ‘Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento’.

“Ito pong aming interpretation ay para sa online fundraising for our displaced film workers. [praying hands emoji]

“Thank you for this opportunity to do what I love and to help.”

Continue reading below ↓

Sa comments section, inulan ng pagbati si Marian mula sa kanyang mga fans at kapwa niya celebrities.

Puring-puri nila ang mahusay na interpretation ni Marian sa karakter ni Elsa.

Kabilang si Aiko, 44, sa mga celebrities na nagpaabot ng pagbati kay Marian.

Comment ni Aiko (published as is): “Ang galing mo [raising hands emoji] and ang galing din ni @dongdantes

"ung intercutting ng present to past and ung pag explain nya sa eksena napaka linaw :) mahusay!!!”

Continue reading below ↓

“OVERACTING” ACTRESS

Pero sa halip na si Marian, isang netizen ang sumagot kay Aiko.

Pinagkumpara nito ang husay sa pag-arte nina Aiko at Marian.

Sinabi ng netizen na “pang best actress” si Aiko, habang “overacting” si Marian.

Mariing kinontra ni Aiko ang netizen.

Ipinaliwanag niya rito kung bakit siya napahanga sa acting ni Marian.

Continue reading below ↓

Sagot ni Aiko (published as is): “i beg to disagree on your comment,

“her attack was more on internal and based on emotions.

“She gave a different take on that piece which i appreciate kasi un ang delicate kapag gagawa ka remake

“so sa knya she gave her on take on that scene.

“Which i find great... this is my own opinion too.”

Sa huli, nagpasalamat si Aiko sa pagpuri ng netizen sa kanyang acting.

Aniya, isang mahusay na aktres lang ang makaka-appreciate sa galing ng iba pa.

“Thank you for your compliment on my acting skills thats why i should know better [heart emoji] Peace .”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Aiko, kahit marami siyang kaibigang kapwa artista, bibihira ang pinupuri niya ang acting.

At para raw sa kanya, napakagaling ng interpretation ni Marian sa karakter ni Elsa.

“madami dn naman akong artistang kaibigan pero di ko pinupuri kapag di ako nagagalingan tlaga.

“I must say me taste dn naman ako nagalingan ako ke marian opinion ka yan so they must respect it. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

“SILENT SUPPORTER”

Sa puntong ito, nag-comment si Marian upang pasalamatan si Aiko sa pagtatanggol sa kanya.

“salamat ate [face throwing a kiss emoji] puro fake acct [smiling face with open mouth and cold sweat emoji] #spreadLove [heart emoji]”

Nanindigan si Aiko para kay Marian.

Kasabay nito, pinuri ni Aiko ang pagkakadirek ni Dingdong sa monologue ng kanyang misis.

“i stand by my opinion!

“You were good and so as Dingdong [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Hindi lingid sa marami na matagal nang tagahanga ni Marian si Aiko.

Tinatawag pa nga ni Aiko ang kanyang sarili bilang “silent supporter” ni Marian.

Sa 34th birthday ni Marian noong August 2018, napahaba ang post ni Aiko nang ikuwento niya kung paano siya nagsimula bilang tagahanga ng aktres.

Napabilib daw si Aiko sa kuwento ng buhay ni Marian, at sa pagiging malapit nito sa sariling lola.

Ikinuwento rin ni Aiko kung paanong na-starstruck siya nang una niyang makaharap si Marian.

Sa parehong post, sinabi ni Aiko na ipinagdadasal niyang makatrabaho sana niya balang araw si Marian.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez (left) defends fellow Kapuso actress Marian Rivera (right) from a basher who said the latter was "overacting": “I must say me taste dn naman ako nagalingan ako ke marian."
PHOTO/S: @aikomelendez, @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results