Ivana Alawi asks DJ Loonyo about real score: "Anong meron sa atin?"

by Rachelle Siazon
Apr 27, 2020
From "kuya" to potential suitor? Ivana Alawi shows Facebook convo with DJ Loonyo from five years ago.
PHOTO/S: @ivanaalawi Instagram / @djloonyo Facebook

Napasubo si DJ Loonyo nang biglaan siyang paaminin ni Ivana Alawi tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila.

Sa vlog ni Ivana noong April 21, tinawagan niya si DJ Loonyo sa telepono.

Nag-usap sila nang naka-speakerphone ang sexy star-YouTuber.

Hindi alam ni DJ Loonyo na recorded sa video ang kanilang phone conversation.

Nagpanggap na malungkot si Ivana at saka sinabing, "Make me happy."

Sagot ni DJ Loonyo, "Kung puwede lang lumipad diyan, e."

Sa China nakabase si DJ Loonyo na isang dancer/choreographer/DJ.

Nakilala siya dahil sa kanyang viral Facebook Live video tungkol sa personal niyang karanasan nang ipatupad ang lockdown sa China.

Si Ivana ay nasa Pilipinas, kung saan hanggang ngayon ay mayroong international travel ban dahil sa enforced quarantine.

Maya-maya pa ay nagtanong si Ivana: "Anong meron sa atin?"

"Wala," sagot ni DJ Loonyo, na nagmamaneho ng sasakyan habang kausap si Ivana sa telepono.

Pero bawi rin ng dancer-choreographer, "Napaka-special mo sa akin."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito ay kinilig ang nakababatang kapatid ni Ivana na si Mona Louise Rey.

Katabi ni Mona si Ivana habang kausap nito sa telepono si DJ Loonyo.

Sabay na napahagikgik ang magkapatid dahil sa kalokohan nilang i-record sa video ang phone call kay DJ Loonyo.

DJ LOONYO REALIZES HE'S BEING RECORDED

Narinig ng binata ang tawanan ng magkapatid.

Sabi ni DJ Loonyo kay Ivana, "Ikaw pinagti-tripan mo ako kasama si Mona. Naririnig ko si Mona."

Kinumpirma ni Ivana na kaya niya tinanong si DJ Loonyo tungkol sa estado ng relasyon nila ay dahil iyon ang pinapatanong ng social media followers ng dalaga.

Sabi ni DJ Loonyo, "Oh my god. Akala ko tsine-checkmate mo ako para masagot ko yung sarili kong tanong.

"Yun pala, tanong ng ibang tao yun."

May himig na wari'y pagtatampo sa boses ng binata.

Nangingiting sabi ni Ivana, "Bakit, gusto mo tanungin na kita?"

Hindi ito direktang sinagot ni DJ Loonyo.

Continue reading below ↓

Hindi pa rin makapaniwala ang binata na pinag-tripan siya ng magkapatid.

Sabi pa ulit ni DJ Loonyo, "Akala ko seryoso ka na sad ka. Kaya tinu-tune in ko yung sarili ko."

Hirit naman ni Ivana, "So, gusto mo ako pasayahin?"

Sagot ng binata, "Sino ba ang ayaw ka pasayahin?"

Pagkababa ng telepono, sinabi ni Ivana na "naa-appreciate" niya si DJ Loonyo dahil "sobrang bait" at "sobrang nakaka-inspire" daw ang personalidad nito.

Ngayon lang daw sila nagkaroon ng pagkakataong maging close, pero matagal na silang magkakilala.

ivana's CONVO WITH DJ LOONYO FIVE YEARS AGO

Patunay nito ang Facebook messages nina Ivana at DJ Loonyo noon pang September 2015.

Ipinakita iyon ni Ivana sa kanyang Twitter post nitong April 19, 2020.

Base sa screenshot, unang nagparamdam si DJ Loonyo, na kinukumusta si Ivana.

"Kuya" pa ang tawag ni Ivana kay DJ Loonyo, at gamit pa noon ng dalaga ang tunay niyang pangalan na Mariam.

Continue reading below ↓

May paramdam pa si DJ Loonyo na, "keep smiling mariam! gumaganda ka lalo pag ganyan."

Lumipas ang 13 hours bago sumagot si Ivana.

Nagpasalamat lang si Ivana na noo'y kakatapos lang daw sa isang "rehearsal."

Back to present time, natatawang napa-tweet si Ivana ng "syet" dahil "kuya" pa noon ang tawag niya kay DJ Loonyo.

Continue reading below ↓

Nabanggit na rin noon ng actress-YouTuber na nagkakilala sila ni DJ Loonyo noong panahong madalas pa siyang gumimik sa mga bar.

Nagkausap sila ulit nang imbitahan ni Ivana si DJ Loonyo na magpanggap bilang boyfriend niya sa isang prank video noong first week of April.

Mula noon ay patuloy na ang komunikasyon sa pagitan nilang dalawa.

Continue reading below ↓

OPEN FOR COURTSHIP

Sa ngayon, bukas sa pagsasabi si Ivana na guwardiyado nang husto ang kanyang puso.

Makaramdam man siya ng "kilig" sa isang tao, hindi raw siya basta papasok sa isang relasyon.

Kailangan daw ligawan muna siya at ang kanyang pamilya.

"And then, we'll see," saad ni Ivana.

Base ito sa vlog ni Ivana noong April 21.

Noong April 20, may pampakilig tweets ulit sila ni DJ Loonyo.

Inaya ni DJ Loonyo si Ivana na mag-"coffee" sila pagkatapos ng quarantine.

Continue reading below ↓

Reply ni Ivana, "Pag-iisipan ko. But why not? Life is short. And so are you."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From "kuya" to potential suitor? Ivana Alawi shows Facebook convo with DJ Loonyo from five years ago.
PHOTO/S: @ivanaalawi Instagram / @djloonyo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results