Neri Naig teases Angel Locsin: “Try mo kayang mag-artista? Baka pwede?”

by Bernie V. Franco
Apr 27, 2020
Neri Naig red
Angel Locsin sexy
Neri Naig (left) to Angel Locsin (right): “Nag iibang anyo ka talaga! Di ka kase pasexy o pacute sa totoong buhay tapos pag ganyan na, para ka na talagang artista!"
PHOTO/S: @mrsnerimiranda and @lalaflores16 on Instagram

"Feeling ko sisikat ka."

Ito ang pagbibiro ni Neri Naig, 34, sa kaibigang si Angel Locsin, 35, matapos mapanood ang video na ipinost ng huli sa social media.

Agaw-atensiyon si Angel sa 45-second video, kung saan makikita siyang ayos na ayos at todo ang pagpo-project sa harap ng camera.

Ipinost ni Angel ang short video sa kanyang Instagram account nitong weekend.

Tanging caption niya: “Parking this here [laughing emoji]”

Wala nang iba pang detalye ang Kapamilya actress kung para saan ang video shoot.

Continue reading below ↓

NERI TEASES ANGEL: “TRY MO KAYANG MAG-ARTISTA?”

Sa comments section, sinabi ni Neri na bilib na bilib siya kay Angel.

Si Neri ay asawa ni Chito Miranda, 44, vocalist ng bandang Parokya ni Edgar.

Papuri ni Neri (published as is): “Bilib na bilob talaga ako sayo!

"Ang gaaaaaling mong mag emote sa mga pictures! Super sexy!!! [face with heart eyes emoji]”

Sagot ni Angel: “emote lang pero pag cut na parang tambay nanaman sa kanto lol”

Biro pa ni Neri: “nag iibang anyo ka talaga!

"Di ka kase pasexy o pacute sa totoong buhay tapos pag ganyan na, para ka na talagang artista!

“Try mo kayang mag artista? Baka pwede? Feeling ko sisikat ka [laughing emoji]”

Continue reading below ↓

Nakisali si Chito sa biruan ng kanyang asawa at ni Angel.

Sabi ni Chito kay Neri: “dati ko pa sa kanya sinasabi yan [laughing emoji] di nya magets…nagalit pa nga [laughing emoji]”

Inilaglag naman ni Neri ang mister sa pagsingit nito sa usapan ng dalawang babae.

Tanong ni Neri kay Chito: “Sino po kausap nyo?”

Natawa lang dito si Angel, at sinagot ng rolling eyes emoji (katumbas ay “Yeah, whatever!) ang papuri sa kanya ni Chito.

Continue reading below ↓

Hindi nag-iisa si Neri sa pagkamangha kay Angel.

Napakomento rin sa video sina Vice Ganda, Bea Alonzo, Dimples Romana, Kakai Bautista, MJ Lastimosa, Janine Gutierrez, at Anne Curtis.

NERI AND CHITO’S FRIENDS

Ang biruan nina Angel at Neri sa social media ay patunay na maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Ilang beses na kasing inintriga si Neri sa mga kaibigang babae ng kanyang asawa, partikular sina Angel at Bubbles Paraiso.

Ang pinakahuli nga ay noong November 2019, kung saan napa-post sa Instagram si Neri dahil sa natanggap na text message mula sa isang unknown sender.

Ipinost ni Neri ang screenshot ng text message.

Ayon dito, nakita diumano ng sender si Chito na nakikipaghalikan kay Bubbles.

Nilagyan din ng malisya ng sender ang previous post ni Chito tungkol kay Bubbles.

Sa caption ni Neri, sinabi nitong kahit kailan ay hindi niya nilagyan ng malisya ang pagiging malapit ni Chito kina Angel at Bubbles.

At hindi rin daw niya pagbabawalan ang asawang makasama ang kanyang female friends.

“Ever since hindi ko pinag-isipan ng may malisya sila Chito kasama-kasama si Bubbles at Angel,” paliwanag ni Neri.

“Kung alam lang din ng mga tao kung paano nila asarin si Chito!

“Pero seriously, magkaibigan po talaga sila at never kong pinagbawalan si Chito maki-hang out sa kanila...”

Continue reading below ↓

Noong September 30, 2019, una nang nag-react si Chito sa paglalagay ng malisya ng ibang netizens sa appreciation post niya para kay Bubbles.

Sa larawan ay kita ang kaseksihan ni Bubbles, at sa caption ay ipinagmalaki ni Chito ang kaibigan.

Pinuri niya si Bubbles na "sobrang ganda, sobrang sexy, and sobrang bait" at sa pagsali nito sa internationally recognized cycling competition.

May netizens na nagkomento at nilagyan ng malisya ang post na ito ni Chito, at iniugnay siya kay Bubbles.

Sinabi naman ni Chito na hindi nagseselos ang asawang si Neri kay Bubbles, at kapatid ang turing niya sa model-actress.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neri Naig (left) to Angel Locsin (right): “Nag iibang anyo ka talaga! Di ka kase pasexy o pacute sa totoong buhay tapos pag ganyan na, para ka na talagang artista!"
PHOTO/S: @mrsnerimiranda and @lalaflores16 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results