Blissful encounter at Davao City checkpoint between two frontliners  

by Arniel C. Serato
Apr 29, 2020
A doctor from a tertiary level hospital in Davao City recounts her "blissful encounter" with uniformed checkpoint personnel in the city. The photo in this story does not represent the actual encounter. This photo was taken at a checkpoint in Sampaloc, Manila, last week.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Isang nakakaantig na kuwento ang naging viral sa social media kahapon, April 28.

Tungkol ito sa dalawang frontliners ng Davao City: isang doktora at isang pulis.

Tulad ng Metro Manila at buong Luzon, nakasailalim din ang Davao City sa enhanced community quarantine (ECQ).

Kaya mahigpit ang pagpapatupad ng curfew sa mga residente, at naglagay ng checkpoints sa iba't ibang lugar.

Ang pinapayagan lamang bumiyahe at lumabas ay mga frontliners, government officials, mga bumibili ng essentials (ayon lamang sa oras na itinakda ng siyudad), at iba pang mga nagpapatupad ng peace and order sa lugar.

Sa checkpoint naganap ang mala-pelikulang tagpo ng doktora at ng pulis.

TOUCHING ENCOUNTER

Sa Facebook post ng doktora noong Linggo, April 26, ibinahagi nito ang inilarawan niyang "blissful encounter" nila ng pulis.

Gabi na raw nang matapos ang duty ng doktora sa isang tertiary hospital sa Davao City.

Dahil alas-diyes na ng gabi, pinahinto ang kanyang sasakyan sa checkpoint na minamando ng ilang men in uniform.

Continue reading below ↓

Isang "young officer" daw ang lumapit sa sasakyan ng doktora.

Ito raw ang naging takbo ng kanilang usapan:

"Officer: magandang gabi po, saan ang punta natin ma’am

"Me: pauwi na sir

"Officer: saan po nanggaling at mukhang ginabi tayo

"Me: hospital

"Officer: ano pong hospital"

Ibinigay ng doktora ang pangalan ng ospital.

Siyang pagsabi ng pulis na sa ospital na yun na-admit ang kanyang misis na manganganak na.

Nabasa ng doktora ang nameplate ng pulis, at tinanong kung ano ang pangalan ng misis nito.

Tumango raw ang pulis at sumagot ng "opo, opo."

Tiningnan daw ng pulis ang doktora, at tila na-realize kung sino ang kausap.

Tanong ng pulis: "ikaw po si dra ______?"

Hindi raw sinagot ng doktora ang pulis.

Sa halip, sabi ng doktora: "nanganak na siya; bakit hindi ka na ka leave?"

HUSBAND OF A PATIENT WHO JUST GAVE BIRTH

Sa daloy ng kanilang kuwentuhan, natumbok kaagad ng doktora na malaking bagay ang isang araw na pagpasok sa trabaho ng isang pulis.

Continue reading below ↓

Kaya kahit manganganak na ang misis nito ay pinili ng pulis na pumasok pa rin sa trabaho.

Ubos na rin daw ang leave ng pulis, at sayang daw ang kikitain niya noong araw na iyon na pandagdag din sa panganganak ng misis.

Maliban dito, naka-full alert din daw sila.

Naantig daw ang puso ng doktora sa sinabi ng pulis.

Sabi ng doktora sa kanya: "ano maitulong ko sa iyo, magtulongan nga tayo."

Hindi raw sumagot ang pulis.

Kaya sabi ng doktora: "O sige na nga kung sabihin ko sa iyo na wala kang babayaran sa akin, as in wala, ok na yon?"

Tugon ng pulis: "ay hindi po, nakakahiya po, sobra na po yon"

Sabi naman ng doktora: "bakit, ako nga hindi nahiya sa iyo, nagsilbi ka sa bayan"

Sa puntong ito ay tinawag daw ng pulis ang kanyang mga kasamahan at isa-isang ipinakilala sa doktora, habang inoobserbahan pa rin ang social distancing.

Continue reading below ↓

Sabi raw ng pulis sa mga kasamahan: "siya ang doctor ng mrs, nanganak na daw si mrs"

Binati raw ang pulis ng mga kasamahan nito.

Paglalarawan pa ng doktora, "I was amused to see these men jubilant over the news"

MIDNIGHT SNACK

Bago umalis ang doktora sa checkpoint, inusisa niya ang mga nagmamando roon kung ano ang nakahandang baon nila pang midnight snack.

Dahil mayroong tinapay ang mga police officers, inalok at ibinigay ng doktora ang imported na kape na nasa sasakyan niya.

Regalo raw ito sa kanya kaya nakabalot pa.

Tanong ng mga pulis sa doktora: "birthday nyo po?"

Sagot ni Doc: "hindi, matagal na"

Pero pagkatapos daw ay kinantahan siya ng mga ito ng "Happy Birthday" sa gitna ng gabi.

Sa pagtatapos ng post ng doktora: "I was enthralled by their singing. Oh...WHAT A NIGHT!! A blissful encounter!"

[Mula sa Patnugot: Nakipag-ugnayan ang Philippine Entertainment Portal sa kampo ng doktora. Pero, dahil sa doctor-patient confidentiality, marespeto silang tumanggi sa aming pakiusap na panayam. Gayunman, pinayagan ang PEP.ph na mag-publish ng istoryang ito, basta itago lang daw ang kanilang mga pangalan at ang ospital na pinaglilingkuran ng doktora.]

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A doctor from a tertiary level hospital in Davao City recounts her "blissful encounter" with uniformed checkpoint personnel in the city. The photo in this story does not represent the actual encounter. This photo was taken at a checkpoint in Sampaloc, Manila, last week.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results