Kathryn Bernardo says Daniel Padilla sets the bar as "the best" boyfriend

by Rachelle Siazon
Apr 29, 2020
couple embracing each other by the beach
"Lagi kong pipiliin makasama ka. That's it, Love," says Daniel Padilla in his sweet message for girlfriend Kathryn Bernardo. As their eighth anniversary nears, they look back on the things that made their relationship last this long.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram

"Mag-eight years na tayo next month. Yung saya ko and yung excitement, ganun pa rin, hindi nagbabago."

Ito ang puno ng pagmamahal na sinabi ni Kathryn Bernardo, 24, sa boyfriend niyang si Daniel Padilla, 25.

Sa dami ng pinagsamahan nila, mas napatunayan daw ni Kathryn ang pagmamahal sa kanya ni Daniel sa mga simple pero nakakakilig na pag-aalala nito sa kanya.

Tulad ng pagpapadala nito ng stock ng pagkain, gaya ng canned goods, sa bahay ng dalaga ngayong quarantine period.

Pati simpleng pagtatanong ni Daniel kung naka-lock na ang pinto ng bahay nina Kathryn at pag-utos sa kanyang i-check ito ay sobra raw na-aappreciate ng dalaga.

"Feeling ko, ang suwerte ko kay DJ. I couldn't ask for a better partner," tukoy ni Kathryn kay Daniel, na ang palayaw ay DJ.

Nangingiting patuloy ng aktres, "Oh my god, kung na-witness niyo si DJ kung paano siya as a boyfriend...

"Kaya nga sinasabi ng iba, 'Meron pa bang ibang Daniel?'

Continue reading below ↓

"Kasi, yun ang dapat tuluran ng ibang guys.

"Yung sinet niya na standard—nandun yung respeto, nandun yung pagmamahal, nandun yung loyalty, nandun yung suporta.

"I swear, he's the best!"

Sabay na nakapanayam sina Kathryn at Daniel sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ngayong Miyerkules, April 29.

Continue reading below ↓

NOT KILIG ALL THE TIME

Aminado si Daniel na seloso siya noong panahong nanliligaw pa lang siya kay Kathryn, taong 2012.

Magkatrabaho sila noon sa kanilang first full-length series na Princess and I, kunsaan ka-love triangle nila si Enrique Gil.

Balik-tanaw ni Daniel, "Nakakatawa balikan yung eksena nung nanliligaw ako kay Kathryn, kung paano ako nagka-anxiety attack sa pagseselos sa kanya.

"Anxiety talaga yun. Di ba, Bal?"

Bal, Tangi, at Love ang ilan sa endearments nina Kathryn at Daniel sa isa't isa.

Sang-ayon ni Kathryn, "Swear, totoo."

Pag-amin pa ni Daniel, "Naospital pa ako nun dahil sa pagseselos. Parang tanga lang. Hahaha!"

Nang maging sila na, matindi rin daw silang mag-away.

Kuwento ni Daniel, "Grabe yung mga pinagdaanan namin ni Kathryn.

"Hindi naman palagi masaya.

"Minsan may eksena kami na sobrang magkaaway kami. Napakahirap ng ganun.

"Wala ka sa tamang huwisyo. Mainit ulo mo.

"Tapos kapag nagkasabay pa kayo, wala talagang mangyayari."

Continue reading below ↓

Pero masasabi raw ni Daniel na kahit sa mga oras na magkagalit sila ni Kathryn ay hindi nawawala ang respeto niya sa kasintahan.

"But after a while, kapag lumamig na ang mga ulo, lagi namin pinipili na maging maayos.

"Mental torture, e, pag magkaaway kami. Nakaka-bad trip yung feeling.

"Ayoko ng ganun, e. Parang di ka mapakili.

"Laging nandun yung respeto sa partner, e. Ayaw mo siyang bastusin.

"Ako, ha, ayoko bastusin si Kathryn."

Continue reading below ↓

HOW THEY PATCH THINGS UP

Sila ba yung tipong kailangang ayusin agad o palamig muna ng ulo?

Sagot ni Kathryn, "Depende sa sitwasyon.

"Kung small fights lang, kung kaya naman ayusin, pag-usapan na natin.

"May mga sitwasyon na yung partner mo, kailangan ng time para magpalamig before mag-usap ulit.

"Depende sa sitwasyon. Basta importante, pareho kayong okay na emotionally and mentally."

Hindi rin daw maganda kung masyadong patatagalin kung may pagdaramdam sa isa't isa.

Ani Kathryn, "Kasi mabigat sa dibdib pag alam mong may samaan kayo ng loob.

"Ang hirap magtrabaho, ang hirap makipag-usap sa iba.

"So, ayusin na lang."

Dati nang nasabi ni Daniel na "give and take" dapat sa isang relasyon.

Sang-ayon dito si Kathryn.

"Kailangan niyo lagi mag-meet halfway.

"Kailangan intindihin kung saan nanggagaling yung isa, tapos iintindihin ka rin niya," saad ng dalaga.

Dagdag ni Kathryn, "So, yun ang nagwo-work sa amin parati. Always compromise.

"Kung anong gusto ng isa, okay, pero eto rin gusto ko.

Continue reading below ↓

"Puwede naman kasi pareho magawa."

Hindi naman daw nila natutunan iyon overnight.

Mahabang proseso ng pasensiya at pag-unawa ang pinagdaanan nila.

Saad ni Kathryn, "Kasi siyempre, nung bago kami, hindi ganun, e.

"Untugan kami nang untugan, e. Pataasan kaming dalawa.

"Through the years, natutunan na namin, kapag mayroon kami di pagkakaunawaan, paano siya aayusin nang mas kalmado.

"Minsan, may mga bagay na kapag nasabi niya yun or kapag ginawa niya yun, magagalit ka agad.

"Ngayon, mas kalmado mo na iti-take yung problema na yun. Mas maayos agad."

Continue reading below ↓

WORTH ALL THE SACRIFICES

Para kay Kathryn, sulit lahat ng hirap at saya na dinaanan nila ni Daniel.

"Kasi may kasama ka sa lahat.

"Kapag mag-isa mo gagawin lahat, puwede naman, nagwu-work sa ibang single.

"Pero iba pag may isang tao ka na sini-share mo yun lahat—yung mga small wins mo, yung mga gusto mo gawin or yung achievements niyo together.

"Iba kapag meron kang kasalo sa kasiyahan na yun."

Magkatuwang daw sila ni Daniel sa hirap at ginhawa.

Sabi ng Kapamilya actress, "Hindi lang sa success together, but also, more importantly, kapag sa lowest point ng tao na yun na importante sa iyo, dapat dun mo mas lalo ipa-feel na hindi siya mag-isa dun.

"So, yun ang maganda kapag meron kang boyfriend or ka-partner, kasi may sasalo sa iyo any time."

Isa pang sikreto ng matatag na relasyon nina Kathryn at Daniel ay ang pagkakaroon nila ng parehong mindset.

Continue reading below ↓

Ayon kay Daniel, "Natutunan ko rin 'yan kay Kathryn—how to level up your relationship.

"Hindi puwedeng plateau. Hindi puwede yung kung anong nakasanayan, paulit-ulit lang.

"Kailangan mo magbigay ng effort every time.

"May ganun siya, e. Ganun si Kathryn sa akin."

DREAM WEDDING BY THE BEACH

Kita kina Kathryn at Daniel na hindi sila nagmamadaling lumagay sa tahimik, pero tila sigurado silang hanggang sa huli ay magkasama sila.

Continue reading below ↓

Ang wish pa nga ni Daniel noong 25th birthday niya ay "dire-diretso" na sila ni Kathryn "hanggang katapusan."

At dream wedding daw nila ay sa beach ang venue.

Kinumpirma naman ito ni Kathryn.

Sabi ng 24-year-old actress, "Over the years, yung common na lugar nagpapasaya sa amin ay dagat.

"Pareho kaming gusto ng wedding sa beach, kasama yung mga tao na tumulong kung paano naging kami ngayon."

Sabay hirit si Daniel na siguradong imbitado raw sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, co-hosts ng ina ng aktor na si Karla Estrada.

"Magkakasama tayo lahat dun, 'Te Mels! Kaso mag-e-airplane tayo, hindi boat!" natatawang saad ni Daniel.

Komento ni Kathryn, "Oo nga pala, takot si Ate Melai!"

Sabi naman ni Melai, "Sige, basta KathNiel wedding!"

Nangingiting dagdag ni Kathryn, "So, masasabi ko na balang-araw, beach wedding tayo.

"Iyong magsi-celebrate lang kayo para mag-enjoy kayo lahat."

Continue reading below ↓

I CHOOSE YOU

Sa huli, nag-alay ng sweet message sina Kathryn at Daniel para sa nalalapit na 8th anniversary nila sa May 25.

Nagpasalamat si Kathryn sa mahabang pasensiya sa kanya ni Daniel.

"Thank you kasi parati mo pinipili na hindi ako iwan or hindi natin iwan ang isa't isa despite everything.

"Ang dami pa natin gusto gawin together.

"So, asahan mo na nandito ako para i-support lahat ng gusto mo gawin at lahat ng mga plano pa natin together.

"Mapa-promise ko na parati ko pipiliin ayusin lahat—intindihan ka at indihin din ako.

"I'm just here for you."

Nakakakilig din ang pangako ni Daniel na habang tumatagal ay mas lalalim pa ang unawaan nila ni Kathryn.

"I'm very proud of ourselves na eight years na kami ngayon. I'm just very thankful.

"Ang daming in-improve ni Kathryn sa sarili ko. Uulitin ko, ginawa niya akong mas mabuting tao."

Sabi pa ng binata, "I'm excited sa mga taon pang darating sa atin, Bal.

Continue reading below ↓

"Mahaba-haba pa ang adventure nating dalawa.

"Lagi kong pipiliin makasama ka. That's it, Love."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Lagi kong pipiliin makasama ka. That's it, Love," says Daniel Padilla in his sweet message for girlfriend Kathryn Bernardo. As their eighth anniversary nears, they look back on the things that made their relationship last this long.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results