Alden Richards on realization in this time of health crisis: “Walang palakasan. Pantay-pantay tayo.”

by Bernie V. Franco
Apr 30, 2020
alden richards close upu
alden richards driving
Kapuso actor Alden Richards's realization in this time of health crisis: "We are equal... na parang regardless of who you are, what you have. Yun ang isa sa mga natutunan ko ngayong quarantine that we are in right now."
PHOTO/S: GMA Network / @aldenrichards07 on Instagram

Naging eye-opener daw para kay Alden Richards, 28, ang nararanasang health crisis sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Napagtanto raw niya na ang lahat ay pantay-pantay ngayong panahon ng pandemic.

Ibinahagi ito ng Kapuso prime artist sa kanyang Instagram Live nitong Miyerkules ng hapon, April 29.

May fan siyang nagtanong kung sino sa kanilang pamilya ang namimili ngayong may enhanced community quarantine.

Sagot ng aktor, “I do the grocery sa bahay. Ako yung lumalabas, ako yung runner.”

Naninirahan si Alden sa Sta. Rosa, Laguna—ang kanyang hometown.

Sa ipinapatupad na ECQ, isang tao lang sa bawat bahay ang binibigyan ng quarantine pass para makalabas at makapamili ng basic needs, gaya ng mga pagkain at gamit.

ALDEN SHARES MOST IMPORANT LESSON

Ginagawa raw ni Alden ang lahat ng pag-iingat kapag lumalabas ng bahay para matiyak na hindi siya magdadala ng virus pag-uwi.

Kuwento niya, “Siyempre, after doing the groceries, sasalubungin na ako ni Ate Virgie, ‘tapos sa garage ako nagpapalit ng damit.

Continue reading below ↓

“Everything na isinuot ko sa labas, huhubarin ko yun, ‘tas doon ako magpapalit.

“And then, diretso ako sa likod.

"'Tapos huhugasan ko lahat ng mga exposed parts ng skin ko, especially the arms, dapat hinuhugasan talaga ‘yan kasi exposed, ‘tas face.

“Sa likod ang daan, diretso kuwarto, ‘tas ligo.”

alden richards close up

Ipinaliwanag ni Alden kung bakit kailangan niyang maging maingat.

Continue reading below ↓

“Kasi, I can’t risk the welfare and yung health situation ng lolo’t lola ko na kasama ko dito sa bahay.

“So, hindi ko talaga kaya silang magkasakit, especially now, medyo malala yung pandemic.”

Bukod sa kanyang lolo at lola, kasama ni Alden sa bahay ang amang si Richard Faulkerson at bunsong kapatid na si Angel.

Tatlo rin daw ang kasama nilang kasambahay ngayon—sina Ate Virgie, Ate Queenie, at Leo.

“Hindi na namin sila pinauwi kasi pinagbawalan na kami ng homeowners na lumabas.

"So, no one can go out, no one can go in.

“’Tapos yung runner lang [ang puwedeng lumabas], you just have to show the quarantine pass.

“And then, kailangan bumalik before 6 p.m., kasi may lockdown.”

Dugtong ni Alden, may abiso sa mga residente na bago sumapit ang itinakdang curfew ay nakabalik na dapat sa bahay.

“Hindi na kami papapasukin… walang palakasan," sabi ng aktor.

Hindi raw pagbibigyan ang mga hindi susunod sa protocol.

Continue reading below ↓

“Yun ang isa sa mga natutunan ko ngayong quarantine that we are in right now.

"Parang regardless of who you are, what you have, sa matter ng life and death, pantay-pantay tayo, everyone is equal.

“So siguro, malaking eye-opener sa akin talaga, especially parang ang daming puwedeng mawala …

“We have to be selfless, take care of each other—related o hindi.

“We just have to be good stewards of the Lord,” pagbabahagi ng aktor.

Saludo naman si Alden sa aksiyong ginagawa ng kanilang mayor sa Sta. Rosa.

Sa mga sumunod na mga pahayag ni Alden, mahihinuhang nakikipag-usap siya sa local government unit kaugnay ng mga hakbang na ginagawa sa kanilang bayan.

May nagtanong na netizen kung mahigpit daw ba ang ECQ sa Sta. Rosa.

“Apparently, sobra po,” sabi ni Alden.

“Galing ako ng city hall kahapon.

"And I’m really so proud of our mayor here—kay Mayor Arlene Arcillas—for doing such a wonderful job in covering the areas.

Continue reading below ↓

“Wala pong nagugutom dito sa Sta. Rosa so I’m really proud of it. And sobrang hands-on.

"Doon na siya natutulog sa city hall, and meetings are held in the office, and kita ko effort.”

ALDEN’S MESSAGE TO FRONTLINERS

Bago magtapos ang IG Live, nagbigay ng mensahe si Alden para sa frontliners, partikular ang mga medical at healthcare workers.

“Andami ko nang nasabihan ng ‘thank you.’

"But siguro, kung wala yung frontliners at the moment, COVID would have taken 50 to 60 percent of the world.

“So it’s really them, we should really owe them a great sense of gratitude.

“Buhay na, e, buhay na yung inilalagay nila sa bingit, e. And they’re doing it selflessly.”

Naibahagi rin ni Alden ang pakikipag-usap niya sa frontliners nitong Miyerkules.

“Andami kong nakausap na frontliners kahapon.

"Sabi ko, ‘Bakit niyo po ginagawa? Hindi ba kayo natatakot?’

“Sabi ng isang frontliner na nakausap ko, ‘E, pag natakot, sinong magliligtas? Kapag may natakot, sino ang poprotekta?’

Continue reading below ↓

“So, yung tapang na ibinibigay ng frontliners is really commendable.

“Sila talaga yung saving grace natin dito.

“So, all the love support and prayers, our thoughts our love is really with you guys.

“Maraming-maraming salamat po. Makakayanan din natin ito.”

Tinawag din niyang "new heroes" ang mga frontliners.

Ang mga ito raw ang dahilan kung bakit naliligtas ang mga tao.

As of April 29, ang bilang ng COVID-19 cases sa Laguna ay 282; 26 rito ay mula sa Sta. Rosa.

alden richards close up

Continue reading below ↓

ALDEN'S BROTHER in CALIFORNIA

Hindi naman kataka-taka kung bakit malapit ang loob ni Alden sa medical frontliners.

Ang kanya kasing nakatatandang kapatid na si RD Faulkerson ay nurse sa California, U.S.A.

Nito lamang Marso, sa ulat ng Kapuso primetime news program na 24 Oras, naging emosyonal si Alden nang pag-usapan ang tungkol sa kanyang kuya na frontliner sa panahon ng COVID-19.

Aniya, "Pinipilit ko siya na huwag nang pumasok kasi naka-lockdown sila.

"But sabi niya sa 'kin, parang kawawa yung mga pasyente.”

“Naiyak tuloy ako.”

Sabi pa ni Alden, "I feel for him kasi kailangan niyang gawin 'yung trabaho sa community."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Alden Richards's realization in this time of health crisis: "We are equal... na parang regardless of who you are, what you have. Yun ang isa sa mga natutunan ko ngayong quarantine that we are in right now."
PHOTO/S: GMA Network / @aldenrichards07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results