Winwyn Marquez to netizen body-shaming her: "I don't need to adjust dahil mas gusto mo yung katawan ko dati."

by Rachelle Siazon
Apr 30, 2020
Kapuso actress-beauty queen Winwyn Marquez to netizen criticizing her figure: "Fat and Thin are not the only words to describe someone. Try adding FIT, STRONG and HEALTHY to your vocabulary."
PHOTO/S: @teresitassen Instagram

Hindi nagustuhan ni Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez ang pagpuna ng isang netizen sa pagbabago sa kanyang body figure.

Nag-ugat ang isyu sa litrato ni Winwyn, 27, na nakasuot ng sports bra na pinatungan ng loose sleeveless shirt.

Tila na-emphasize ang mga braso ng beauty queen-actress dahil sa anggulo ng litrato niya sa Instagram, na may petsang April 25.

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing mas maganda ang pangangatawan ni Winwyn noong sumali ito sa beauty pageant tatlong taon na ang nakakaraan.

Saad ng netizen sa comments section (published as is): "2maba ka. ang llaki ng mga muscles.

"Mganda ung ktwan mo dati ung nnalo k as [queen emoji]."

Hindi nagpatinag si Winwyn.

Iginiit ng Kapuso star na masaya siya sa pangangatawan niya ngayon.

Sabi ni Winwyn kalakip ng hug emoji, "well i like my muscles and if mataba yan for you search mo words na fit and healthy sa google

Continue reading below ↓

"i dont need to adjust dahil mas gusto mo yung katawan ko dati"

Sadyang toned ang muscles sa braso ni Winwyn dahil sa kanyang regular workout routine.

Dagdag niya, "stay safe and HEALTHY. Workout ka din regularly."

Kinabukasan, April 26, tila hindi pa rin nawala sa isip ni Winwyn ang komento ng netizen.

Nag-post siya sa Instagram ng litrato na nagpapakita ng hubog ng kanyang katawan, partikular na ang kanyang toned arms at abs.

Bahagi ng caption ng 27-year-old actress: "Fat and Thin are not the only words to describe someone.

"Try adding FIT, STRONG and HEALTHY to your vocabulary."

Ang full name ni Winwyn ay Teresita Ssen Lacsamana Marquez.

Continue reading below ↓

Anak siya ng ex-couple na sina Alma Moreno at Joey Marquez.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress-beauty queen Winwyn Marquez to netizen criticizing her figure: "Fat and Thin are not the only words to describe someone. Try adding FIT, STRONG and HEALTHY to your vocabulary."
PHOTO/S: @teresitassen Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results