John Lloyd Cruz reaches out to help local village chief in Cebu

by Arniel C. Serato
May 1, 2020
John Lloyd Cruz spotted talking to some barangay officials at a checkpoint in Guadalupe, in Cebu City. According to the report, the Kapamilya actor offered to give vitamins and medicines to residents of the place.
PHOTO/S: Courtesy of Vonz Belgida

Pinapurihan ng netizens ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz, 36, sa pakikipagkita nito sa kapitan ng Barangay Guadalupe sa Cebu City, noong April 29, 2020.

Isang netizen na nagngangalang Vonz Belgida ang nag-upload sa Facebook ng mga kuha niyang larawan ng aktor.

Makikita sa mga larawan na naka-tinelas, shorts na itim, at puting T-shirt ang aktor, na nakatali ang buhok.

Continue reading below ↓

Nakasuot din ito ng face mask.

Nakalagay lamang sa caption ni Vonz: “Spotted john Lloyd cruz.”

Continue reading below ↓

Ipinaalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vonz na gagamitin namin ang kanyang mga larawan sa artikulong ito ngayong araw, May 1.

Pinayagan niya kaming gamitin ito.

NETIZENS LAUD JOHN LLOYD

Sa post ng The Freeman sa Cebu, bumaha naman ang papuri ng mga netizens sa aktor sa kaniyang ginawa.

Continue reading below ↓

Narito ang ilan sa kanila:

Continue reading below ↓

"GAWUB", "GAYUD"

Ayon sa mga usap-usapan, naging malapit na magkaibigan na sina John Lloyd at si Michael Gacasan, kapitan ng Barangay Guadalupe sa Cebu.

Sa isang subdibisyon sa nasabing lugar naninirahan si John Lloyd mula noong namalagi ito sa Cebu dahil sa pakikipag-live in nito sa Cebuana actress na si Ellen Adarna, 32.

Continue reading below ↓

Sa palitan ng komento sa post ni Vonz ng ilan niyang kaibigan, parang ordinaryong mamamayan na lamang daw ang dating matinee idol, taliwas noong kanyang kasikatan.

Tungkol naman sa kanila ni Ellen, sabi ng netizen na “gawub” (buwag) o hiwalay na sila.

Dagdag pa nito, “yagud na” (dugay na) o matagal na silang hiwalay.

Pero, nananatili raw si John Lloyd sa Cebu para sa kanilang anak ni Ellen na si Elias Modesto.

Continue reading below ↓

Co-parenting ang estado ng magkapareha sa ngayon.

Ayon pa sa aktres, dalawang beses sa isang linggo namamalagi si Elias sa ama.

JOHN LLOYD OFFERS VITAMINS, MEDICINES

Ayon sa ulat ng SunStar Cebu, sinabi ni Barangay Captain Gacasan na tinanong daw siya ng aktor kung ano ang maitulong nito at ng kanyang ini-endorsong pharmaceutical company.

Sabi pa ni Gacasan, “Nangutana siya unsa’y puwede matabang sa Unilab (Nagtanong siya ano ang maitutulong ng Unilab).”

Nangako daw si John Lloyd na paparating na sa kanilang barangay ang mga vitamins at gamot na ipapamigay sa mga residente, lalo na sa mga bata sa kanilang lugar.

Kinumpirma rin nitong sa kanilang lugar na nakatira si John Lloyd.

October 2017, inanunsiyo ng Star Magic, ang namamahala ng karera ng aktor, ang kanyang pansamantalang paglisan sa showbiz.

Ayon pa sa official statement mula sa ABS-CBN Corporate Communications noon: “John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.”

Continue reading below ↓

Ito ay matapos mag-viral ang Bantayan Island escapade noon ng napapabalitang magkarelasyon na sina John Lloyd at Ellen bandang huling bahagi ng Setyembre 2017.

Magkasama pa sila noon sa sitcom na Home Sweetie Home.

Nobyembre ng nasabing taon, eksklusibong iniulat ng PEP.ph ang pagbubuntis ni Ellen.

Hulyo ng taong 2018, ipinanganak ni Ellen ang panganay nila ni John Lloyd at pinangalanan nila itong Elais Modesto.

Isang taon ang makalipas, iniulat din ng PEP.ph ang hiwalayan ng dalawa bandang August 2019.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz spotted talking to some barangay officials at a checkpoint in Guadalupe, in Cebu City. According to the report, the Kapamilya actor offered to give vitamins and medicines to residents of the place.
PHOTO/S: Courtesy of Vonz Belgida
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results