Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angel Locsin considers herself a public servant: “Pero politics… wala sa utak ko yun.”

by Jet Hitosis
May 2, 2020
Heroes of Philanthropy 2019 awardee Angel Locsin has actively launched fund drives and relief operations for people affected by calamities, and donating to various causes since 2009.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Wala sa plano si Angel Locsin ang pumasok ng pulitika.

Ito ang binigyang-diin ng 35-year-old actress-humanitarian, matapos niyang sabihin na ang mga artistang tulad niya ay “public servant.”

Para kay Angel, hindi requirement ang isang posisyon sa gobyerno para makatulong ang isang tao sa kanyang kapwa.

Sinabi ito ni Angel sa live chat nitong Biyernes, May 1, para sa Facebook launch ng Regal Movies At Home.

Ang Regal Movies At Home ay online project ng Regal Entertainment, na layuning lumikom ng donasyon para sa frontliners.

Para sa proyekto, tatlong pelikulang produced ng Regal ang sumalang sa livestream.

Kabilang sa mga ito ang I Will Always Love You, na pinagbidahan ni Angel at ni Richard Gutierrez.

Ipinalabas ang I Will Always Love You noong 2006, dalawang taon matapos ang unang pagtatambal nina Angel at Richard sa GMA-7 series na Mulawin.

Magkasabay na sumalang sa live chat sina Angel at Richard bago ang streaming ng kanilang pelikula.

Continue reading below ↓

Sa kalagitnaan ng kumustahan, napag-usapan ang buhay-quarantine nina Angel at Richard sa nakalipas na mga linggo.

Nabanggit din ang matagumpay na UniTentWeStandPH campaign ni Angel.

Sa tulong ng naturang campaign, nakapagpatayo ang grupo ni Angel ng mga isolation tents sa mahigit 100 ospital sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

ANGEL CLAIMS ALL CELEBRITIES ARE PUBLIC SERVANTS

Sa question and answer part ng live chat, isang Facebook user ang nagpasalamat kay Angel sa consistent na pagtulong nito sa mga apektado ng krisis.

Kasunod nito, tinanong ng Facebook user si Angel kung inaasinta ba ng aktres ang pagiging public servant, o ang pagpasok sa pulitika.

Curious ang publiko malaman kung may balak bang manilbihan sa gobyerno ang aktres.

Lalo na at napakaraming pulitiko sa bansa ang unang nakilala sa entertainment industry.

Sagot ni Angel: “Public servant naman po kami bilang mga artista, e.

“I think iyong buhay naman namin is very public.

Continue reading below ↓

“Lahat naman ito ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung hindi gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao.”

Sa huli, diretsahang sinabi ng aktres na wala sa isip niya ang sumabak sa pulitika.

“Pero politics? Hindi talaga.”

Natawa si Angel bago nagpatuloy.

“Sobrang hindi. Wala, wala sa utak ko yun,” umiiling na dagdag niya.

ANGEL LAUNCHES RELIEF OPS, DONATES TO CAUSES

Bago pa ang coronavirus pandemic, maraming beses nang nangyari na si Angel ang isa sa mga unang sumasaklolo sa mga kababayang sinasalanta ng kalamidad.

January ngayong taon, naglunsad ang aktres ng relief operations para sa mga lumikas dahil sa pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.

Noong December 2019, personal na nagtungo si Angel sa Catarman, Northern Samar, upang mamili ng relief goods.

Ipinamahagi niya ang mga iyon sa mga pamilyang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong "Tisoy" sa lalawigan.

Nauna rito, namili rin si Angel ng relief goods sa isang mall sa Davao City noong Undas ng nakaraang taon, November 1.

Continue reading below ↓

Ibinigay naman niya ang mga iyon sa mga pamilyang nag-evacuate kasunod ng magnitude 6.5 na yumanig sa North Cotabato noong October 31.

Samantala, pinili ni Angel na hindi dumalo sa ABS-CBN Ball 2019 noong September 14, 2019.

Direkta niyang ibinigay bilang donasyon sa Bantay Bata 163 ang PHP200,000 na gagastusin sana niya sa ball.

Continue reading below ↓

Ang Bantay Bata ang pangunahing beneficiary ng ball.

MARAWI VOLUNTEER

Taong 2017 nang naisapubliko ang mga ginagawang pagtulong ni Angel.

Ito ay nang mag-volunteer ang aktres sa relief efforts para sa mga naapektuhan ng Marawi Siege sa Lanao del Sur.

Kumalat sa social media ang mga litrato nang pagpunta ni Angel sa isang evacuation center sa Iligan City noong June 8, upang kumustahin ang evacuees doon.

Continue reading below ↓

Nang mga panahong iyon, dalawang linggo nang nakikipagbakbakan ang militar laban sa mga terorista ng Maute Group.

May 23, 2017 nang sumiklab ang digmaan, na nagtapos noong October 23 ng parehong taon.

HERO OF PHILANTHROPY

Ang humanitarian effort na ito ni Angel sa Marawi ang isa sa mga ikinonsidera ng Forbes Asia kaya napabilang ang aktres sa 13th annual Heroes of Philanthropy list noong 2019.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa artikulo ng Forbes na tinatayang aabot sa PHP15 million ang nai-donate ni Angel sa nakalipas na dekada “to causes such as educational scholarships for students, supporting the economic and political rights of indigenous people, and ending violence against women and children.”

Binanggit din sa artikulo na daan-daang pamilya ang nakinabang sa ibinigay na donasyon ni Angel sa mga sinalanta ng mga bagyong "Ondoy" (2009) at "Yolanda" (2013).

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heroes of Philanthropy 2019 awardee Angel Locsin has actively launched fund drives and relief operations for people affected by calamities, and donating to various causes since 2009.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results