Senator Sonny Angara tests positive again for COVID-19; Senator Koko Pimentel recovers

by Jet Hitosis
May 2, 2020
Senator Sonny Angara (left) was due to donate blood plasma a second time when he found out about his reinfection. His colleague, Senator Koko Pimentel (right), claims he is now COVID-free, more than a month after contracting the virus.
PHOTO/S: @sonnyangara, @kathyupimentel on Instagram

Muling nagpositibo sa coronavirus disease si Senator Sonny Angara, halos isang buwan matapos siyang gumaling sa sakit.

Ito ang kinumpirma ng 47-anyos na senador sa isang official statement ngayong Sabado, May 2.

Ayon kay Angara, hiniling ng kanyang doktor na sumailalim siya sa swab test matapos nitong makita ang resulta ng initial antibody test ng senador.

Nagsagawa ng antibody test sa senador dahil magdo-donate sana siyang muli ng blood plasma, para mapagaling ang iba pang COVID-19 patients.

“[While] preparing to donate my blood plasma for a second time, my doctors, after the results of the initial antibody test taken before donating, had me take another swab test, which registered positive,” saad sa statement ng senador.

April 13 nang unang nag-donate ng blood plasma si Angara.

Continue reading below ↓

“REMNANTS” OF COVID-19

Kasabay nito, ibinalita ng senador na negatibo sa virus ang misis niyang si Tootsy Angara.

Kaya ang suspetsa raw ng mga doktor ni Angara, mayroon pang "remnants of the virus" sa kanyang dugo.

“My wife Tootsy has tested negative, which could be proof of what my doctors are positing that I am probably no longer infectious and that this latest positive result is probably picking up remnants of the virus,” bahagi pa rin ng pahayag ni Angara.

March 26 nang magpositibo sa COVID-19 si Angara.

Sa ngayon, kahit pa makumpirmang hindi makakahawa, sinabi ng senador na pipiliin niyang mag-self quarantine muli.

Tiniyak din ni Angara na makikibahagi siya sa Senate proceedings “through teleconferencing.”

Continue reading below ↓

Nakatakdang magbalik-sesyon ang Senado at Kamara sa Lunes, May 4.

SENATOR KOKO RECOVERS

Samantala, ibinalita naman ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, 56, na naka-recover na siya sa COVID-19.

Sa kanyang text message sa Senate reporters ngayong Sabado, sinabi ni Pimentel na negatibo na sa virus ang huling swab test sa kanya.

Text ni Pimentel sa media: “I believe I am now considered a ‘recovered person.’ That is what my staff told me.”

“But better ask DOH (Department of Health) if that is already official. Mahirap na magkamali, although I think I am COVID-free already.”

Tuluy-tuloy rin daw ang self quarantine ng senador sa nakalipas na 44 na araw.

Sinabi ni Pimentel na bagamat gusto niyang pumunta sa Senado sa Lunes, kokonsulta raw muna siya sa kanyang doktor kung pupuwede na.

SWAB TESTS

March 20 nang unang sumailalim sa swab test si Pimentel, at pagsapit ng March 24 ay nakumpirmang positibo sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Sa pahayag ni Pimentel sa media ngayong Sabado, sinabi niyang April 13 nang magpa-swab test siya sa ikalawang pagkakataon.

Lumabas ang resulta nito makalipas ng 10 araw, at negatibo na ang senador sa virus.

Pero alinsunod sa DOH protocol, dapat na dalawang beses magnegatibo sa virus ang isang COVID-19 patient para makumpirmang magaling na nga ito.

Wala namang nabanggit si Pimentel kung sumailalim na siya sa ikatlong swab test.

QUARANTINE PROTOCOL VIOLATION

Nahaharap sa mga reklamo ng paglabag sa quarantine protocols si Pimentel.

Sa katunayan, itinakda sa May 20 ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) laban sa senador.

Kaugnay ito ng akusasyong nilabag ni Pimentel ang Republic Act No. 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events).

Ang reklamo ay inihain ni Atty. Rico Quicho sa DOJ, dahil sa pagpunta ni Pimentel sa Makati Medical Center (MMC) kahit na pending pa ang resulta ng COVID-19 test nito.

Continue reading below ↓

Inihatid noon ng senador sa MMC ang asawang si Kathryna Yu-Pimentel, na may scheduled caesarean operation.

Nasa MMC si Pimentel noong March 24 ng gabi, ang mismong oras na nalaman daw niyang positibo siya sa COVID-19.

SENATOR KOKO DRAWS FLAK

Kinondena ng MMC ang ginawa ng senador, na humingi naman ng tawad.

Umani rin ng batikos mula sa netizens si Pimentel, lalo na nang makumpirmang namili rin siya sa S&R supermarket sa Taguig City, kahit may mga sintomas na ng sakit.

March 16 nasa supermarket ang senador, at makalipas ang apat na araw ay nagpasuri na ito sa COVID-19 dahil sa masamang pakiramdam.

Sa kabila ng kawalan ng aksiyon ng MMC at S&R sa nangyari, iginiit ni Atty. Quicho na makasuhan at mapanagot si Pimentel.

Ang reklamo sa DOJ ay hiwalay pa sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Pimentel para sa parehong paglabag.

Una nang sinabi ng NBI na iimbitahan nila sa kanilang tanggapan ang senador kapag magaling na ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Sonny Angara (left) was due to donate blood plasma a second time when he found out about his reinfection. His colleague, Senator Koko Pimentel (right), claims he is now COVID-free, more than a month after contracting the virus.
PHOTO/S: @sonnyangara, @kathyupimentel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results