Nadine Samonte, husband Richard Chua grateful after testing negative for COVID-19

by Nikko Tuazon
May 3, 2020
In an Instagram story on May 3, Sunday, Nadine Samonte revealed that she and husband Richard Chua tested negative of COVID-19 using FDA-approved rapid test kits. Nadine's husband works for Bureau of Immigration.
PHOTO/S: @nadinesamonte on Instagram

Negatibo ang resulta ng COVID-19 test ng aktres na si Nadine Samonte at ng asawa nitong si Richard Chua, maging ang kanilang mga kasama sa bahay.

Ibinahagi ni Nadine ang magandang balita sa kanyang Instagram story ngayong Linggo, May 3.

Kalakip ng post ni Nadine ang litrato ng mga test kits na kanilang ginamit.

Base sa litrato, ito ay ang WANTAI SARS-CoV-2 Ab Rapid Test na isa sa mga aprubadong rapid test kits ng Food and Drug Administration (FDA).

Mensahe ni Nadine: "Thank you Lord our family us Negative [praying emoji]

"And our ates/angels as well [heart emijo] Praise God!!!!"

Sa parehong post, sinabi rin ni Nadine kung saan nila nakuha ang nasabing test kits.

Aniya, "Sa mga nagtatanong we got it from a friend who donated tests kits dito sa philippines."

Nadine Samonte

Continue reading below ↓

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Nadine tungko sa kanilang pagpapa-test para sa COVID-19.

May ilang nagtanong kung bakit kinailangan nilang magpa-test.

Ngunit maaring na-expose ang asawa sa COVID-19 dahil sa trabaho nito bilang alien control officer ng Bureau of Immigration.

Samantala, kahit binigyan na ng pahintulot ng FDA ang mga aprubadong rapid tests kits, pinapaalala ng Department of Health (DOH) na ang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test pa rin ang gold standard upang ma-detect ang COVID-19.

Ikinasal sina Nadine at Richard sa isang private ceremony na naganap sa isang farm sa Zambales noong October 30, 2013.

Ang panganay nilang anak, si Heather Sloane, ay tatlong taong gulan na.

Habang ang kanilang bunso, si Titus, ay nag-celebrate ng unang kaarawan nitong April 28.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram story on May 3, Sunday, Nadine Samonte revealed that she and husband Richard Chua tested negative of COVID-19 using FDA-approved rapid test kits. Nadine's husband works for Bureau of Immigration.
PHOTO/S: @nadinesamonte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results