Royce Cabrera on trending laplapan scene with Yayo Aguila: “Nagkasabayan nga!”

by Jerry Olea
May 4, 2020
Newbie actor Royce Cabrera on trending on Twitter: “Hindi ko pa alam kung paano talaga ang magiging pakiramdam ko, kasi ganito pala ang feeling ng nagte-trend. Ha! Ha! Ha! Lalo sa social media... dahil ang laking parte nito ngayon sa society natin."
PHOTO/S: Noel Orsal /Instagram

Trending sina Ricky Davao, Yayo Aguila, Kokoy de Santos, at Royce Cabrera matapos kumalat sa YouTube at Facebook ang Cinemalaya 2019 film nilang Fuccbois, na idinirek ni Eduardo Roy Jr.

Nabulabog ang bekizens sa laplapan nina Yayo at Royce, maging sa mga payanig na eksena nina Ricky, Royce, at Kokoy.

“Nagulat din talaga ako dahil sa YouTube lumabas ang movie namin na supposed to be, may plano pa sina Direk doon,” lahad ni Royce nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Messenger nitong Mayo 4, Lunes.

“Pero nangyari na, e. Kahit mali dahil pinirata, yung positive side na lang ang tinitingnan ko."

Continue reading below ↓

Hindi makapaniwala si Royce na sa kauna-unahang pagkakataon ay naging trending topic siya.

“Hindi ko pa alam kung paano talaga ang magiging pakiramdam ko, kasi ganito pala ang feeling ng nagte-trend. Ha! Ha! Ha!

“Lalo sa social media... dahil ang laking parte nito ngayon sa society natin.

“Nagpapasalamat ako, kasi hindi ko in-expect na ganoon ang magiging feedback sa movie namin, lalo na sa LGBQT+ community.

“Grabe yung suporta nila sa amin and sa movie,” sabi ng 24-year-old newbie actor.

NOT JUST FOR HIS DARING SCENES

Noon pa man ay pinupuri na ng mga beteranong artistang sina Ricky at Yayo ang performance nina Royce at Kokoy, na mga baguhan sa industriya ng pelikula.

“Lahat naman kami sa pelikula, ibinigay namin yung best namin,” saad ni Royce.

“Kasi, maganda yung material. Magaling ang direktor, si Direk Eduardo Roy.

"Kilala naman natin iyan pag gumawa ng pelikula, e, mahusay."

Maliban sa Fuccbois, ang iba pang mga idinirek ni Direk Eduardo ay ang critically-acclaimed indie films na Bahay Bata (2011), Quick Change (2013), Pamilya Ordinaryo (2016), at Lola Igna (2019),

Continue reading below ↓

Patuloy ni Royce, “Sina Sir Ricky and Miss Yayo, e, talagang mga batikan na actor at actress kaya dapat, hangga’t maari, e, sabayan mo talaga sila.

“Kaya ayun, nagkasabayan nga sa mga eksena! Ha! Ha! Ha!”

FRENCH KISSING SCENE WITH YAYO

Anong reaksiyon ni Royce nang tagurian at koronahan si Yayo bilang "Laplap Queen"?

“Natawa ako nang nabasa ko ‘yang Laplap Queen. Ha! Ha! Ha!” pag-amin ni Royce.

“Gayon pa man, e, ginawa talaga ni Miss Yayo yung best niya.

"Kasi, ganoon naman talaga, di ba?

“Kung may isang bagay na gagawin ka, siguraduhin mong itotodo mo na at gagawin nang tama para naman pag nakita ng mga tao, masasabi nilang pinaghusayan mo talaga ito.”

Continue reading below ↓

Maraming nakapansin na nakipagsabayan talaga si Royce sa torrid kissing scene nila ni Yayo.

Magaling ba talaga siya sa French kiss?

“Hindi ko naman masabi kung magaling ako,” sabi ni Royce.

“Siguro, yung viewers ang makakapagsabi niyan. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero siyempre, tulad nga ng sabi ko, gagawin ko pa rin ang best ko.

"Kasi, part ng work namin yun at ganoon ka dapat kaseryoso pagdating sa trabaho.”

Nakatanggap ba siya ng indecent proposals dahil sa kapangahasan niya sa Fuccbois?

“Hindi ko alam kung meron,” sagot ni Royce.

“Kasi, hindi ko pa naman na-check ang karamihan ng messages sa akin dahil sa sunud-sunod yung dami simula nang mag-leak ang movie.”

BUHAY QUARANTINE

Kumusta ang buhay-ECQ (enhanced community quarantine)? Anu-ano ang pinagkakaabalahan niya?

“Minsan, home-workout lang ako para stay fit and healthy pa rin,” lahad ng young actor.

“Nagluluto, naglalaro ng video games, at kung ano pang mga bagay na puwede ko pa maayos dito sa bahay."

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Na-realize ko lang na kahit papaano, masuwerte pa rin yung iilan na tulad natin, kasi nasa bahay lang tayo.

"Hindi tulad ng frontliners na isinasakripisyo ang buhay nila para lang hindi na lumala pa ang COVID.

“Kaya sa ganitong paraan, sana huwag nang maging pasaway ang mga tao at magdasal lagi dahil iyun ang pinakaimportante sa lahat.”

Continue reading below ↓

Kasali si Royce sa Kapamilya teleseryeng A Soldier’s Heart bilang Scout Ranger Alfonso.

Meron din siyang upcoming movies.

“Medyo confidential pa kaya hindi pa puwedeng sabihin,” pakli ni Royce.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie actor Royce Cabrera on trending on Twitter: “Hindi ko pa alam kung paano talaga ang magiging pakiramdam ko, kasi ganito pala ang feeling ng nagte-trend. Ha! Ha! Ha! Lalo sa social media... dahil ang laking parte nito ngayon sa society natin."
PHOTO/S: Noel Orsal /Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results