ABS-CBN disowns quote card bearing fake news about President Rodrigo Duterte

by Rachelle Siazon
May 4, 2020
ABS-CBN says news about President Rodrigo Duterte scolding OFWs is fake and did not come from the network.
PHOTO/S: CTTO ABS-CBN / @ABSCBNNews Twitter

Umalma ang Kapamilya network sa malisyosong paggamit ng ABS-CBN logo sa isang fake quote card sangkot si President Rodrigo Duterte.

Naglalaman ito ng umano'y tagubilin ng Pangulo tungkol sa mandato ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) na taasan ang monthly contribution ng overseas Filipino workers.

Epektibo noong Abril 22, ang OFWs na may suweldong P10,000 - P60,000 kada buwan ay kakaltasan ng 3 percent kada buwan, alinsunod sa memo ng PhilHealth.

Ang PhilHealth ay government agency na naglalayong magbigay ng health insurance coverage para maibsan ang singil sa medical services ng taumbayan, partikular na sa mga nangangailangan.

Maraming migrant workers ang dumaing sa rate hike ng PhilHealth.

FAKE QUOTE CARD

Sa pekeng quote card, pinapayuhan ng Pangulo ang OFWs na umuwi na lang ng Pilipinas kung ayaw sumunod ang mga ito sa rate hike ng PhilHealth.

Sabi raw ng Pangulo, base sa quote card: "The recent increase in the contribution rate of Philhealth is JUST and FAIR.

Continue reading below ↓

"Kayong mga OFWs lalo na mga supporters ko, huwag na huwag kayong magreklamo, sumunod na lang kayo.

"If ayaw niyong sumunod, bumalik na lang kayo Pilipinas para mas mababa bayaran niyo."

Ang tono ng quote card ay tonong paniniwalaang nanggaling sa bibig ni Pangulong Duterte, at kalakip nito ang litrato niya.

Pero malinaw na minarkahan ng ABS-CBN ng "FAKE" ang balitang ito, at sinabing hindi ito galing sa kanilang News and Public Affairs department.

"THIS GRAPHIC DID NOT COME FROM ABS-CBN," saad sa official statement na inilabas ng Kapamilya network, Linggo ng gabi, May 3.

Wala raw inilalathala ang ABS-CBN na quote mula sa Pangulo.

Continue reading below ↓

Pati ang official Facebook page ng Presidential Communications ay naglabas din ng babala na "fake news" ang kumalat na quote card.

Kalakip nito ang hashtag na "#DismissDisinformation."

"MORATORIUM" ON PHILHEALTH CONTRIBUTION

Sa kasalukuyan, suspendido ang rate hike sa PhilHealth contribution ng OFWs dahil sa COVID-19 crisis.

Sabi ni PhilHealth President Ricardo Morales, may "moratorium" sa collection ng PhilHealth contribution dahil sa suspendido ang trabaho sa karamihan ng mga kumpanya.

Continue reading below ↓

"Obviously, paano kokolektahin iyon kung walang suweldo ang tao," saad ni Morales sa panayam ng DZMM ngayong Lunes, May 4.

Sa 10 milyong OFWs, 3.6 million lamang daw ang OFWs na nagbabayad ng PhilHealth premium.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN says news about President Rodrigo Duterte scolding OFWs is fake and did not come from the network.
PHOTO/S: CTTO ABS-CBN / @ABSCBNNews Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results