Angel Locsin-Neil Arce wedding postponed because of COVID-19 crisis?

by Bernie V. Franco
May 4, 2020
angel locsin white
neil arce white
neil arce angel locsin hugging
Angel Locsin on her "cancelled" wedding to Neil Arce this year: “Nagpahinga nga kami sa mga trabaho namin, sana para matutukan namin yung wedding."
PHOTO/S: Paolo Nierves / @neil_arce on Instagram

Naantala ba ang pagpapakasal nina Angel Locsin at Neil Arce ngayong taon?

Sa isang virtual interview, makahulugan ang naging pahayag ng 35-anyos na aktres nang biruin siya tungkol sa kasal nila ng fiancé na producer-businessman.

Noong Biyernes, May 1, tampok sina Angel at Richard Gutierrez sa live virtual interview ng Regal Entertainment, Inc. via Zoom.

Ito ay bago ang free streaming sa Facebook ng kanilang 2006 movie na I Will Always Love You.

Nang mapadako ang usapan tungkol sa kasal, biniro ni Richard si Angel kung na-postpone ba ang wedding nito kay Neil dahil sa COVID-19 crisis.

Sa pahayag ni Angel, inamin nitong bago mangyari ang health crisis ay pinaghahandaan na nila ang kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Sa katunayan, isinantabi muna raw nila ang kani-kanilang trabaho para matutukan ang wedding preparations.

Pero dahil sa health crisis, ayaw daw nilang mag-risk, kaya mukhang naipagpaliban nga ang kasal.

Paliwanag ni Angel, “Ayaw naming isipin na postponed, di ba, kasi yun ang pinakaimportanteng araw sa amin, e.

Continue reading below ↓

“Nagpahinga nga kami sa mga trabaho namin, sana para matutukan namin yung wedding.

“Kaya lang, of course, pag lockdown ka, hindi naman namin puwedeng i-risk."

Dahil hindi pa rin nali-lift ang enforced quarantine, ayon sa aktres, “Hindi namin alam kung anong mangyayari, so ‘yon…”

angel locsin umbrella
neil arce umbrella

ANGEL DROPS CLUES ABOUT WEDDING

Wala mang direktang pagbanggit kung kailan ang eksaktong petsa ng kasal, may mga clue na ibinigay sina Angel at Neil.

Noong January 3, 2020, ipinost ni Angel ang hugging photo nila ng fiancé.

Caption ni Angel: “Can't wait to spend every New Year with you, @neil_arce [heart emoji] Neil & Angel 2020 [diamond ring emoji]”

Mas malinaw ang clue na ibinigay ng aktres noong February 14, 2020, Valentine’s Day.

Ipinost ni Angel ang picture nila ni Neil na tila kuha sa isang spa salon.

Continue reading below ↓

Makahulugang caption ni Angel: “celebrating our last Valentine's day as boyfriend and girlfriend [smiling face, woman, diamond ring, male emojis] @neil_arce”

Kasabay ng post ni Angel noong Valentine’s Day, may post si Neil na pahiwatig ding tila ngayong 2020 dapat ang kasal nila ni Angel.

Ipinost din ni Neil ang photo nila ni Angel na kuha sa spa, na lumalabas na special place para sa kanila.

Continue reading below ↓

Caption ni Neil: “Last year I was here with my GF... this year IM here with my fiancé next year and all The years after that ill be here with my wife :) happy Valentine’s day my Love!”

Noong November 2019, binanggit ng best friend ni Angel na si Dimples Romana na siya ang Matron of Honor sa kasal.

Continue reading below ↓

Sa isang press conference, halatang alam ni Dimples ang wedding details ng kaibigan, pero naging maingat ito sa pagsasalita.

Sa interview, binanggit niyang kasado na ang bachelorette party para kay Angel.

Inamin din noon ni Dimples na may venue na ang kasal nina Angel at Neil, pero hindi niya ito ibinunyag.

June 29, 2019 nang i-announce nina Angel at Neil sa Instagram ang kanilang engagement.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on her "cancelled" wedding to Neil Arce this year: “Nagpahinga nga kami sa mga trabaho namin, sana para matutukan namin yung wedding."
PHOTO/S: Paolo Nierves / @neil_arce on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results