DOJ insists ABS-CBN can operate pending franchise renewal

by Jet Hitosis
May 4, 2020
Justice Secretary Menardo Guevarra (left) insists that ABS-CBN Corporation can continue operating while its franchise renewal is ongoing in Congress, contrary to the position of Solicitor General Jose Calida (right), who wants to shut the network down using a quo warranto petition.
PHOTO/S: @doj.gov.ph, @SolGenCalida on Twitter

Nanindigan si Secretary Menardo Guevarra ng Department of Justice (DOJ) na pupuwede pa ring mag-operate ang ABS-CBN Corporation kahit expired na ang prangkisa ng network.

Ito ay habang nakabimbin sa Kamara ang 11 franchise renewal bills ng network.

Nakatakdang mag-expire ngayong Lunes ng hatinggabi, May 4, ang 25-taong franchise to broadcast ng ABS-CBN.

“The DOJ stands by its position that there is sufficient equitable basis to allow broadcast entities to continue operating while the bills for the RENEWAL of their franchise remain pending with Congress,” saad sa official statement ni Guevarra ngayong Lunes.

DOJ CHIEF VS SOLICITOR GENERAL

Malinaw na kontra ang pahayag na ito ni Guevarra sa ipinupursige ni Solicitor General Jose Calida na tuluyang maipasara ang broadcasting unit ng ABS-CBN.

Ito ay matapos magbabala si Calida kahapon, May 3, sa National Telecommunications Commission (NTC).

Tumatayong abogado ng gobyerno—na sinabi pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay "alter ego ng Presidente"—si Calida ay nagpaalalala sa mga opisyal ng NTC na makakasuhan ang mga ito kung ipipilit isyuhan ng provisional authority (PA) ang network.

Continue reading below ↓

Mababasa sa official statement ng Office of the Solicitor General: “The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise.”

Giit ni Calida, ang Kongreso lang ang may “exclusive power to grant franchises to public utilities, such as broadcasting companies.”

Ayon sa Solicitor General: “The NTC cannot issue a PA when a broadcast company has no valid and existing legislative franchise.”

NTC’S PROVISIONAL AUTHORITY

Si DOJ Secretary Guevarra naman ang nagbigay sa mga mambabatas ng option para hindi matigil ang operasyon ng ABS-CBN.

Kung mabigyan daw ng NTC ng PA ang ABS-CBN, makapagpatuloy ng operasyon ang network.

Sinabi ito ng DOJ Secretary nang humarap siya sa pagdinig ng Senado tungkol sa ABS-CBN franchise renewal noong February 24, 2020.

“Consideration of equity” ang pinagbatayan ni Guevarra sa kanyang argumento.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, marami nang network at telecommunications company sa bansa ang pinayagang makapag-operate kahit napaso na ang prangkisa ng mga ito.

Ang mahalaga, ayon kay Guevarra, ay naihain sa Kongreso ang franchise renewal bills bago tuluyang nag-expire ang prangkisa.

Dahil dito, noong February 26 ay lumiham sina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez sa NTC upang himukin itong bigyan ng PA ang ABS-CBN.

March 4, nagpasa naman ng resolusyon ang Senado upang kumbinsihin ang NTC na maglabas ng provisional permit para sa Kapamilya network.

THE CONSIDERATION OF EQUITY

Ngayong Lunes, muling nanindigan si Guevarra na maaaring magpatuloy ang operasyon ng ABS-CBN pagkalipas ng May 4.

Nguni't sa pagkakataong ito, sinabi ni Guevarra na maaaring mag-operate pa rin ang network kahit walang PA mula sa NTC.

Naging basehan ni Guevarra ang mga naunang sitwasyon kung saan pinayagan ng Kongreso na magpatuloy ang operasyon ng isang network na may expired franchise,kahit walang PA mula sa NTC.

Continue reading below ↓

“In several similar situations in the past, Congress allowed the STATUS QUO, without urging the NTC to issue a temporary or provisional permit, in consideration of the equities of the situation.”

Gayunman, ito ay personal opinion ni Guevarra, at hindi legal opinion ng DOJ.

Ibig sabihin, hindi ito maaaring maging legal na basehan sa pinal na desisyon sa kaso ng ABS-CBN, o ng anumang kasong katulad nito.

DOJ: ABS-CBN HAS A DIFFERENT CASE

Kahapon din, kinontra ni Calida ang opinyong ito ni Guevarra.

Ayon sa Solicitor General, kapareho nito ang naging legal opinion ng DOJ sa kaso ng Associated Communications & Wireless Services United Broadcasting Network Inc. (ACWS) laban sa NTC noong 2003.

Pero ibinasura ito ng Supreme Court.

Hindi pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman ang ACWS mag-broadcast nang walang bagong legislative franchise mula sa Kongreso.

Depensa naman ni Guevarra, hindi maia-apply ang kaso ng ACWS sa ABS-CBN case.

“The case of Associated Communications does not apply because in that case the company did not even have an original franchise to begin with.”

Continue reading below ↓

Sa kaso ng ABS-CBN, ayon kay Guevarra, ilang beses nang nabigyan ng prangkisa at mayroong license to operate ang 66-anyos na network, bagamat pending pa sa Kongreso ang bagong franchise renewal nito.

Ayon sa DOJ Secretary: “In the present case, the subject company had already been granted a franchise and a license to operate, albeit subject to further deliberations for its renewal.”

At press time, ilang oras bago sumapit ang May 5, wala pang inilalabas na PA ang NTC para sa ABS-CBN.

OSG’S QUO WARRANTO VS ABS-CBN

Bukod sa franchise renewal sa Kamara, nahaharap din ang ABS-CBN sa legal battle kaugnay ng quo warranto petition na isinampa ng Office of the Solicitor General noong February 10, 2020.

Iginiit noon ng OSG sa Supreme Court na bawian ng prangkisa ang ABS-CBN Corporation at ang ABS-CBN Convergence, Inc. dahil umano sa iba’t ibang paglabag.

Inakusahan ng OSG ang ABS-CBN ng pag-aalok ng pay-per-view nang walang pahintulot ng NTC, at ng pagpapahintulot ng foreign investors sa kumpanya.

Continue reading below ↓

Mariing itinanggi ng Kapamilya network ang mga akusasyon ng OSG.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Justice Secretary Menardo Guevarra (left) insists that ABS-CBN Corporation can continue operating while its franchise renewal is ongoing in Congress, contrary to the position of Solicitor General Jose Calida (right), who wants to shut the network down using a quo warranto petition.
PHOTO/S: @doj.gov.ph, @SolGenCalida on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results