Jericho Rosales on “tanda mo na” jibe: "Marami-rami pa naman asim ko lalo na after mag-gym."

by Arniel C. Serato
May 5, 2020
Jericho Rosales brings good vibes to his followers on Instagram by showing his other side through non-conventional acting, singing, and dancing via #GabiNaNaman series.
PHOTO/S: Courtesy: @jerichorosalesofficial on Instagram

Matanda na nga ba si Jericho Rosales?

Ito ang puna ng isang netizen matapos mapanood ang latest entry ng 40-year-old actor sa #GabiNaNaman series nito sa Instagram.

Makikita sa #GabiNaNaman series ni Jericho ang mga patawang videos kung saan minsan ay umaakting, kumakanta, at sumasayaw siya.

Continue reading below ↓

Ito ang paraan ng mahusay na Kapamilya actor para makapagbigay ng kaunting saya sa kanyang mga followers na buryong na sa kanilang mga tahanan.

Kinagigiliwan naman ito ng kanyang mga followers at kaibigan sa showbiz.

JERICHO'S SINULID DANCE

Sa bago niyang post sa Instagram kagabi, May 4, makikitang sumasayaw si Jericho sa video.

Continue reading below ↓

Sa bandang dulong bahagi ng kanyang performance, ipinakita pa niya kung paano ang tamang pagpasok ng sinulid sa butas ng karayom.

Bahagi ng nakasulat sa kanyang caption: “Isang taos pusong tito dance ulit para magpasalamat sa lahat ng nanood ng #gabinanaman live sa fb page ko last night!

"Napasaya ba namin kayo? Sa Sabado ulit ok?

"Same time, same place, same good banana vibes!"

Continue reading below ↓

Ilang celebrities na naaliw sa post na ito ng ABS-CBN star ang nagkomento.

Kabilang na ang anak niyang si Santino Rosales, ang surfer na si Luke Landrigan, at ang model-host na si Joey Mead King.

Marami rin sa followers ni Jericho ang nakyutan sa kanyang "sinulid dance."

Continue reading below ↓

FEELING BATA

Pero siyempre, hindi mawawala ang mga basher.

Isang netizen ang nagkomento: “tanda mo na @jerichorosalesofficial feeling bata ka pa rin”

Tinawanan lang siya ng 40-year-old actor.

Sabi pa ni Jericho: "matanda 200 years old hehe marami-rami pa naman asim ko lalo na after mag-gym.”

Hindi na sumagot pa ang netizen.

Continue reading below ↓

ONLINE SHOW

Samantala, masayang inanunsiyo ni Jericho na nagsimula na ang kanyang online show noong Sabado, May 2.

May pamagat itong #GABINANAMAN! With JERICHO ROSALES at mapapanood ito sa kanyang official Facebook page.

Ang mga naging panauhin niya sa pilot episode ay sina Paolo Abrera at Drew Arellano.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales brings good vibes to his followers on Instagram by showing his other side through non-conventional acting, singing, and dancing via #GabiNaNaman series.
PHOTO/S: Courtesy: @jerichorosalesofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results