Film director Peque Gallaga hospitalized for complications of existing health conditions

by Arniel C. Serato
May 5, 2020
Peque Gallaga's family: "Peque is in the hospital due to complications arising from past health conditions. His family would like to appeal to everyone to respect their need for privacy during this challenging time."
PHOTO/S: Courtesy: Peque Gallaga Fanpage on Facebook

Naglabas ng pahayag ang pamilya ni Peque Gallaga, 76, tungkol sa totoong kundisyon ng kalusugan ng award-winning director.

Inilabas ang nasabing pahayag sa pamamagitan ng Facebook account ni Direk Lore Reyes, na madalas nitong ka-tandem sa pagdirihe ng pelikula, ngayong araw, May 5.

Ayon sa pahayag, naka-confine sa ospital si Direk Peque dahil sa kumplikasyon ng mga dati pa nitong health conditions.

Nakikiusap din ang pamilya na irespeto ang kanilang privacy ngayong may pinagdaraanan sila.

Narito ang kabuuang pahayag ng pamilya ni Direk Peque:

"The family of Peque Gallaga would like to make this statement in regard to the news and rumours circulating about him.

"Peque is in the hospital due to complications arising from past health conditions.

"His family would like to appeal to everyone to respect their need for privacy during this challenging time.

"They want to honor his wishes that this is kept within the family.

"They appreciate everyone’s messages of love and concern but they would be grateful if this remains a private affair.

Continue reading below ↓

"Thank you."

DIREK PEQUE'S FILMOGRAPHY

Gumawa agad ng ingay si Direk Peque sa movie industry dahil sa kanyang first feature film, ang critically-acclaimed film na Oro, Plata, Mata noong 1982.

Tungkol ito sa dalawang pamilya ng hacienderos sa Negros na nagbago ang buhay dahil sa World War II.

Ilan pa sa mga pelikulang nagmarka ay ang Scorpo Nights (1985), Virgin Forest (1985), at Unfaithful Wife (1986).

Siya rin ang nagdirek ng blockbuster fantasy, action, at horror films na Once Upon A Time (1987), Tiyanak (1988), Aswang (1992), Dugo ng Panday (1993), Darna: Ang Pagbabalik (1994), Batang X (1995), at Magic Temple (1996).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Peque Gallaga's family: "Peque is in the hospital due to complications arising from past health conditions. His family would like to appeal to everyone to respect their need for privacy during this challenging time."
PHOTO/S: Courtesy: Peque Gallaga Fanpage on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results