Angel Locsin, Regine Velasquez, Bianca Gonzalez, Joshua Garcia heartbroken over ABS-CBN shutdown

by Rachelle Siazon
May 5, 2020
ABS-CBN stars (from left) Angel Locsin, Regine Velasquez, and Bianca Gonzalez give a shout out for the Kapamilya network after it was ordered to stop TV and radio broadcast operations starting this Tuesday night, May 5, 2020.
PHOTO/S: @therealangellocsin/ @reginevalcasid @iamsuperbianca Instagram

Sina Angel Locsin, Regine Velasquez, Bianca Gonzalez, at Joshua Garcia ang ilan sa ABS-CBN stars na nanguna sa pag-alma sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Simula ngayong gabi ng Martes, May 5, tigil-operasyon na ang TV at radio stations ng Kapamilya network.

Ito ay matapos maglabas ng cease and-desist order ang National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN ngayong araw din.

Nag-expire ang 25-year-franchise ng ABS-CBN kahapon, May 4.

Umalma ang Kapamilya stars.

ANGEL LOCSIN

Kabilang dito si Angel Locsin na nag-post ng hashtags na #NoToABSCBNShutdown sa kanyang Instagram account.

Si Angel ay huling napanood sa prime-time series na The General's Daughter.

Apela ng aktres, sana ay bigyan ng konsiderasyon ang mga empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng kabuhayan.

May 11,000 employees ang network sa kasalukuyan.

Caption ni Angel (published as is): "Para sa kapwa. Sa panahon na kailangan ng hanap buhay ng mga tao. Let’s be considerate and ask ourselves kung makakatulong ba ang mga desisyon natin sa lalo na sa panahong ito.

Continue reading below ↓

"To ABS-CBN, isang karangalan po na naging bahagi at nakasama ko po kayo. Mahal ko kayo."

Inilalaban din ni Angel ang karapatan "para sa #malayangpamamahayag."

REGINE VELASQUEZ

Tila naiyak naman ang Asia's Songbird Regine Velasquez na nag-tweet ng crying emojis.

Siya ay bahagi ng weekly musical-variety show na ASAP Natin 'To.

Continue reading below ↓

Sinundan niya ito ng Instagram at Twitter posts na naglalaman ng logo ng ABS-CBN at broken heart emojis.

Ni-retweet din niya ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa utos ng NTC na agarang ipasara ang Kapamilya network simula ngayong gabi.

Sabi rito, nakiusap ang ABS-CBN na sana ay isaalang-alang ng gobyerno ang "comprehensive news coverage" ng network sa gitna ng "public health crisis" dala ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Pati na raw ang tulong na "P300 million worth of goods" na naipaabot ng ABS-CBN sa "600,000 families."


Suportado rin ni Regine ang hashtags na "#DEFENDPRESSFREEDOM" AT "#NOTOABSCBNSHUTDOWN."


Continue reading below ↓

BIANCA GONZALEZ

Naiyak din si Bianca Gonzalez habang pinapanood ang madamdaming mensahe ng big bosses ng ABS-CBN, na umere sa TV Patrol, ang prime-time newscast ng ABS-CBN.

Si Bianca ay resident TV host sa iba-ibang edition ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

Sa live telecast ng TV Patrol nitong gabi, unang nagsalita si ABS-CBN President Carlo Katigbak at sinundan ito ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez.

Ani Bianca, lumabas pa sa ilong niya ang buhos ng kanyang luha habang nakikinig sa apela ng TV execs na i-reconsider ang pagpapatigil-operasyon sa network.

Continue reading below ↓

Sinundan niya ito ng retweet kunsaan makikita ang litratong kuha sa ABS-CBN newsroom nang umere ang final broadcast ng TV Patrol nitong gabi.

Tweet ni Bianca kalakip ang broken heart emoji, "Ang sakit."

Sinamahan niya ito ng quote card na may mensaheng "Hanggang sa muli, Kapamilya."

Sabi pa niya, "Isang KARANGALAN na maging bahagi ng kumpanya na ang puso ay para sa serbisyo sa Pilipino saan man sa mundo."

Continue reading below ↓

Gumamit din siya ng hashtags na "#InTheServiceOfTheFilipino" at
"#IStandWithABSCBN."

JOSHUA GARCIA

Nakiisa rin ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa paghayag ng suporta sa kanyang home network.

Si Joshua ay huling napanood sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride.

Tweet ni Joshua, "Sama sama tayong lahat dito kapamilya."

Nakakaloko raw na dinagdagan pa ng gobyerno ng "problema" ang mga empleyado ng network na mawawalan ng trabaho sa gitna ng krisis.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN stars (from left) Angel Locsin, Regine Velasquez, and Bianca Gonzalez give a shout out for the Kapamilya network after it was ordered to stop TV and radio broadcast operations starting this Tuesday night, May 5, 2020.
PHOTO/S: @therealangellocsin/ @reginevalcasid @iamsuperbianca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results