Noli de Castro, Karen Davila, Jeff Canoy show tearful scenes in newsroom as ABS-CBN goes off air

by Rachelle Siazon
May 5, 2020
Broadcasters (L-R first row) Noli de Castro, Karen Davila, Jeff Canoy undaunted by ordeal ABS-CBN is going through. Behind the camera, their colleagues are seen in tears inside the newsroom. ABS-CBN President Carlo Katigbak (center, second row) stays in the newsroom as ABS-CBN goes off air.
PHOTO/S: Facebook / @iamkarendavila Instagram / @jeffcanoy Twitter

Bumaha ng luha sa ABS-CBN newsroom sa huling gabi ng live telecast ng TV Patrol, ang primetime newscast ng Kapamilya network.

Ngayong Martes ng gabi, May 5, malungkot na namaalam ang pamunuan ng ABS-CBN dahil hindi na eere sa telebisyon at radyo ang lahat ng kanilang programa.

Dahil ito sa napasong license to broadcast ng ABS-CBN.

NOLI DE CASTRO

Sa ngalan ng kanyang mga kasamahan sa newsroom, ang TV Patrol anchor na si Noli de Castro ang nagbahagi ng huling mensahe sa mga manonood.

Hindi raw matatawaran ang suporta ng Kapamilya viewers sa lahat ng pinagdaanan ng ABS-CBN.

"Karamay sa panahon ng mga kalamidad at paghihirap. Kasabay namin kayo sa pagluha sa mga teleserye.

"Kasama namin kayo na ipinagbunyi ang tagumpay ang ating mga bayani, mga ordinaryong tao na nakagawa ng imposible.

"Sabay din nating pinanood na mabuo ang kasaysayan sa pamamagitan ng TV Patrol at iba pang news and current affairs program."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Noli, "Isa pong karangalan na maging tagapaglahad ng inyong mga kuwento at tagabantay sa mga nasa kapangyarihan.

"Karangalan po namin na maglingkod sa inyo, Kabayan."

Siniguro rin ni Noli na hindi padadaig ang Kapamilya network sa panggigipit sa kanilang kumpanya.

Itutuloy raw nila ang laban para sa malayang pamamahayag sa ibang media platforms.

"Hindi man na-renew ang aming prangkisa at pinatitigil ang ating broadcast, nangangako kami sa inyo hindi kami mananahimik sa pag-atakeng ito sa ating demokrasya at sa malayang pamamahayag.

"Sa harap po ng malaking dagok at hamon sa aming kumpanya at sa aming mga hanapbuhay, hinding-hindi namin kayo tatalikuran, Kabayan.

"Mga Kapamilya kami. Tayo ang ABS-CBN.

"In the service of the Filipino saan man sila naroroon sa buong mundo."

Continue reading below ↓

TEARS IN THE NEWSROOM

Ang ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy ay nag-tweet ng mga eksena sa newsroom sa likod ng camera.

Nakunan niya si ABS-CBN President Carlo Katigbak nang ipalabas ang Philippine National Anthem bago nag-off air ang istasyon.

Nakasuot ng face mask si Katigbak, na nanatili sa newsroom pagkatapos niyang humarap sa TV Patrol para sa kanyang official statement sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nang matapos ang National Anthem, ipinakita ni Canoy sa kanyang video na nagpalakpakan ang mga katrabaho niya.

"The newsroom. Seconds after ABS-CBN went off air. Can’t imagine being anywhere else but with family," tweet niya.

Sa isang sulok, nakita niya ang isang katrabaho na umiiyak.

Nakakalungkot daw dahil sa tindi ng pagsubok na dinaraanan nila ay hindi nila mayakap ang isa't isa gawa ng social distancing protocol.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Canoy, "Iiyak natin ngayong gabi. Bukas may laban pa. Di tayo pasisiil."

Continue reading below ↓

Nasaksihan din daw ni Canoy ang katrabahong si Jorge Cariño na nagta-type sa cellphone nito ng mga ganap sa kanilang newsroom.

Si Cariño ay co-host din sa early morning public affairs program na Umagang Kay Ganda.

Ayon kay Cariño, naringgan niya si ABS-CBN News Chief Ging Reyes na pilit nagpapakatatag sa gitna ng iyakan sa newsroom.

Sabi raw nito sa kanila, "Wag kayong umiyak, baka mahawa ko. We prepared for this. Papasok tayo bukas."

Continue reading below ↓

KAREN DAVILA

Aminadong heartbroken din si Karen Davila, na isang Kapamilya sa loob ng 20 taon.

Siya ay isa sa news anchor ng Bandila, ang late-night newscast sa ABS-CBN.

Ni-retweet niya ang live updates ni Jeff Canoy mula sa newsroom.

Naiyak daw si Davila sa kaalamang hindi makapagyakapan ang kanyang mga kasamahan, na tulad niya ay lubhang apektado sa tigil-operasyon ng TV at radio programs ng ABS-CBN.

Bago pa umere ang TV Patrol, nag-tweet si Davila na susundin ng ABS-CBN ang cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission.

Kalakip nito ang mensahe ng ABS-CBN na eere pa rin sila sa TV Patrol para pormal na magpaalam sa Kapamilya viewers.

Continue reading below ↓

May halong hinanakit naman si Davila sa anyang panggigipit sa ABS-CBN, sa panahon na bayanihan ang dapat pairalin.

"Sa dami ng problema ng Pilipinas... sa dami ng nagkakasakit at namamatay sa Covid...

"sa laki ng problema ngayon sa ekonomiya..sa dami ng nawalan ng trabaho dahil sa covid..

"Talagang pagpapatigil ng ABSCBN ang inatupag nila. Hindi ko maintindihan kung nasaan ang mga puso nito."

Huli raw pinatigil ang operasyon ng Kapamilya network noong September 21, 1972, nang ideklara ang batas militar ng noo'y diktador at Pangulong Ferdinand Marcos.

Makalipas ang 48 taon, ani Davila, sinisikil muli ang press freedom ng network.

Continue reading below ↓

Pero paninindigan ni Davila, "In the service of the Filipino. We remain."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcasters (L-R first row) Noli de Castro, Karen Davila, Jeff Canoy undaunted by ordeal ABS-CBN is going through. Behind the camera, their colleagues are seen in tears inside the newsroom. ABS-CBN President Carlo Katigbak (center, second row) stays in the newsroom as ABS-CBN goes off air.
PHOTO/S: Facebook / @iamkarendavila Instagram / @jeffcanoy Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results