Maine Mendoza, Janine Gutierrez, Julie Anne San Jose post red, blue, green hearts in solidarity with ABS-CBN

by Nikko Tuazon
May 6, 2020
(L-R) Maine Mendoza, Janine Gutierrez, and Julie Ann San Jose are among the GMA-7 stars who posted messages in support of ABS-CBN. Mikoy Morales said it best: "Di lang [ABS-CBN] ang talo dito. Tayo din, damay. Demokrasiya natin, damay."
PHOTO/S: @mainedcm / @janinegutierrez / @myjaps on Instagram

Naisasantabi ngayon ang "network rivalry" sa pagitan ng Kapuso at Kapamilya stars.

Simula nitong Martes ng gabi, May 5, itinigil na ang operasyon ng TV at radio stations ng ABS-CBN.

Ito ay kasunod ng cease-and-desist order mula sa National Telecommunications Commission.

Nag-expire ang 25-year-franchise ng ABS-CBN noong May 4, Lunes.

At dala ng galit ni Presidente Rodrigo Duterte sa network, hindi na nakausad ang renewal ng franchise.

Sa pamamagitan ng social media, ilang GMA-7 stars ang nagpahiwatig ng suporta sa mga artista at empleyado ng kabilang istasyon.

MAINE MENDOZA

Isa si Maine Mendoza sa mga naunang nagpakita ng suporta sa mga Kapamilya stars and employees.

Nag-tweet ang Eat Bulaga! host ng tatlong puso na kulay pula, berde, at asul—hango sa kulay ng ABS-CBN logo.

Continue reading below ↓

Ang boyfriend ni Maine na si Arjo Atayde ay apektado rin ng pagsasara ng ABS-CBN bilang isa sa mga contract stars nito.

JANINE GUTIERREZ

Isang quote naman ng German-American philosopher and political theorist na si Hannah Arendt ang ibinahagi ni Janine Gutierrez sa kanyang Twitter account.

Sapol nito ang kahalagahan ng free press.

Ang tweet ni Janine: "The moment we no longer have a free press, anything can happen.

"What makes it possible for a totalitarian or any other dictatorship to rule is that people are not informed; how can you have an opinion if you are not informed?

"If everybody always lies to you, the consequence is not that you believe the lies, but rather that nobody believes anything any longer."

Continue reading below ↓

JULIE ANNE SAN JOSE

"Yakap at dasal" naman ang nais iparating ng singer-actress na si Julie Anne San Jose sa kapwa artista at iba pang empleyado ng ABS-CBN matapos nitong magsara.

Kabilang din sa tweet ng singer ang tatlong puso na kulay pula, berde, at asul.

MIKOY MORALES

Malalim naman ang sinabi ng The Gift actor na si Mikoy Morales.

Aniya, lahat ng Pilipino ay apektado ng sapilitang pagsasara sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Tweet nito, "Sa mga di pa nakakaalam ano, di lang sila ang talo dito. Tayo din, damay. Demokrasiya natin, damay."

Sa hiwalay na tweet, sinabi pa ni Mikoy na mas kailangan ngayon ang serbisyong ibinahagi rin ng ABS-CBN.

Aniya, "No, now IS the best time to be a journalist, a lawyer, an artist. Show them."

Continue reading below ↓

ATOM ARAULLO

Naghayag din ng suporta ang 24 Oras news anchor na si Atom Araullo, na dating nagtrabaho sa News and Public Affairs department ng ABS-CBN.

Tweet ni Atom, "Sorrow today, courage and defiance tomorrow. #DefendPressFreedom"

Continue reading below ↓

LOVI POE

Ikinalungkot din ng Kapuso actress na si Lovi Poe ang balitang pagsasara ng ABS-CBN.

Sa Twitter, sulat nito, "This is heartbreaking. [broken heart emoji]"

Dagdag pa ng aktres, "Prayers for everyone. [red, green, and blue heart emojis]"

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Maine Mendoza, Janine Gutierrez, and Julie Ann San Jose are among the GMA-7 stars who posted messages in support of ABS-CBN. Mikoy Morales said it best: "Di lang [ABS-CBN] ang talo dito. Tayo din, damay. Demokrasiya natin, damay."
PHOTO/S: @mainedcm / @janinegutierrez / @myjaps on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results