GMA-7 stars Aiko Melendez, Paolo Ballesteros, Jason Abalos speak out in solidarity with ABS-CBN

by Rachelle Siazon
May 6, 2020
Aiko Melendez, Paolo Ballesteros, Jason Abalos worried about people who may lose jobs due to ABS-CBN shutdown.
PHOTO/S: @aikomelendez / @pochoy_29 Instagram / Rommel Gonzales for PEP.ph

Proud Kapuso man sila, hindi ipinagkait nina Aiko Melendez, Paolo Ballesteros, Jason Abalos, at Rayver Cruz ang pakikisimpatiya sa pagdurusa na dinaraanan ng ABS-CBN.

Kaugnay ito ng pagpapatigil sa lahat ng TV at radio programs ng Kapamilya network simula Martes ng gabi, May 5.

Isa sa mga nakakaantig ay ang mensahe mula kay Aiko Melendez.

Bahagi siya ng Kapuso drama series na Prima Donnas, na pansamantalang hindi umeere dala ng COVID-19 crisis.

Sabi ni Aiko, hindi raw totoo ang network war, lalo na sa panahon ng kagipitan.

Nag-post siya ng litrato ng GMA-7 building, kalakip ang written text na ito:

"I AM A KAPUSO BUT I AM IN SOLIDARITY WITB KAPAMILYA NETWORK!

"WE ARE ONE TELEVISION COMMUNITY SERVING THE FILIPINO PEOPLE."

Marami din daw siyang kakilalang Kapuso na nakikisimpatiya sa pagpapasara sa broadcast operations ng ABS-CBN.

Published as is: "Ang network war is just to spice up the competition, but the truth to the matter i was speaking to one of my bosses in Gma and she said naawa sya sa mga kaibigan nya na mawawalan ng work.

Continue reading below ↓

"Gma has never taken this step to take advantage and media mileage instead, they gave a fair share of sympathy and empathy to the people who just lost their jobs."

Patunay daw nito ay ang "fair" reportage ng 24 Oras, ang primetime newscast ng GMA-7, sa tigil-operasyon ng Kapamilya network.

"Ang @gmanetwork kanina ay nagpakita ng fair comments sa issue sa shutdown ng ABS.

"Sa 24 oras di sila naging bias sa issue,

"Ang mundo na ginagalawan namen ay napaka liit lamang."

Hindi rin daw maaalis kay Aiko na malungkot dahil siyam na taon din siyang namalagi sa poder ng ABS-CBN, bago siya lumipat ng GMA-7 noong 2019.

Published as is: "Again iam blessed to be part of GMA but please allow me also to feel pain because Abs gave me the opportunity to work for them for a long time.

"Am sending my Love and Prayers to my Kapamilya friends [praying emoji] God bless you all."

Continue reading below ↓

Base ito sa Instagram post ni Aiko ngayong Martes, May 6.

AIKO ON BAD TIMING, FALSE HOPE

Inalmahan din ni Aiko ang umano'y pagpapahirap sa ABS-CBN kung kailan may krisis pa sa bansa dala ng coronavirus pandemic.

In her words: "Napaka mali ng timing ng closure kng kelan me pandemic crisis tayo kailangan naten ng mga mas karagdagang impormasyon.

Continue reading below ↓

"Naawa ako sa mga mawawalan ng trabaho. 11k workers ang mawawalan ng trabaho."

Tila nasubaybayan ni Aiko ang usaping franchise renewal ng ABS-CBN na pending sa Kongreso.

Kuwinestiyon ni Aiko ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na agarang ipatigil ang broadcast operations ng Dos.

Lumalabas na paasa lang daw ang sinabi ng NTC noong Marso na puwedeng gawaran ng provisional permit ang ABS-CBN.

Dahil nito ngang May 5, epektibo agad ang cease-and-desist order ng NTC sa TV at radio programs ng Kapamilya network.

Tuluy-tuloy na hinaing ni Aiko (published as is): "Ang dami din di sinunod ng NTC sa sinabi nila during the hearing sabi magbibigay ng temporary permit to operate.

"Sana man lang binigyan man lang ng oras ang Abs Cbn makapaghanda man lang. Eto immediate and effective dapat ngayon.

"Under oath din numg nag commit kayo na mabibigyan ng operation permit ang abs.

"So ano na ba ang nangyayari? Asan na ang karapatan ng malayang pamamahayag?

Continue reading below ↓

"Mga katanungan na tumatakbo sa utak ko. Sana ang NTC di nangako para wala din umasa."

Ang paalala pa niya sa detractors ng ABS-CBN ay isang quote na nagsasabing bilog ang mundo.

Kaya huwag daw dapat tawanan ang pagdurusa ng Kapamilya network dahil maaaring mangyari rin ito sa iba.

Continue reading below ↓

PAOLO BALLESTEROS

Pati ang Eat Bulaga! Dabarkads na si Paolo Ballesteros ay hayagang nagpakita ng suporta sa ABS-CBN.

Nag-post siya sa Instagram ng blue, red, and green ribbon—ang logo colors ng ABS-CBN—na sumisimbolo sa apela ng network na i-renew ang license to broadcast nito.

Diretsahang sabi ni Paolo sa caption, "Sending love to our Kapamilya friends."

Continue reading below ↓

JASON ABALOS

Ang Kapuso na si Jason Abalos ay nalungkot din sa pagpapasara sa dati niyang home network.

Homegrown star ng ABS-CBN si Jason, na naging artista matapos maging contender ng 2004 reality show na Star Circle Quest.

Labin-dalawang taon siya sa Dos bago lumipat ng GMA-7 noong October 2017.

Huli siyang napanood sa Bihag, ang Kapuso afternoon drama series na umere mula Abril hanggang Agostot 2019.

Pahayag ni Jason tungkol sa ABS-CBN: "12 years ako dito.

"Dito nabuo pagkatao ko at mga pangarap, madami ako mga mahal sa buhay na naiwan sa network na to...

"Kasama nyo ako sa mga dasal nyo kapamilya."

Continue reading below ↓

Umaasa rin ang aktor na magbabalik sa ere ang ABS-CBN.

Tweet niya, "Hanggang sa muli!"


***

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez, Paolo Ballesteros, Jason Abalos worried about people who may lose jobs due to ABS-CBN shutdown.
PHOTO/S: @aikomelendez / @pochoy_29 Instagram / Rommel Gonzales for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results