Acclaimed director Peque Gallaga dies at 76

by Jerry Olea Noel Ferrer
May 7, 2020
Film director Peque Gallaga passed away Thursday morning, May 7, at Riverside Medical Center in Bacolod City.

Pumanaw na ang premyadong direktor na si Peque Gallaga nitong Mayo 7, Huwebes ng umaga.

Binawian ng buhay si Direk Peque—Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga—sa totoong buhay, sa Riverside Medical Center sa Bacolod City.

Mga kumplikasyon sa kanyang heart condition ang ikinamatay ng direktor.

Siya ay 76 anyos.

Ayon sa maybahay ni Direk Peque na si Madie Gallaga, noong Mayo 4, Lunes, na kausap niya si Direk ay hindi na ito makapagsalita.

Batid ni Madie na handa nang mamatay ang asawa, at aware si Direk Peque na bumibigay na ang katawan nito.

Bukod sa kanyang misis na si Maddie, naulila rin ni Direk Peque ang mga anak nilang sina Bing, Michelle, Datu, Jubal, at Wanggo.

PEQUE GALAGA FILMS

Kabilang sa mga di malilimutang pelikula na idinirek ni Direk Peque ang Oro, Plata, Mata (1982), Scorpio Nights (1985), Tiyanak (1988), Aswang (1992), Darna: Ang Pagbabalik (1994), Magic Kingdom (1996), Ang Kabit ni Mrs. Montero (1999), at Sonata (2013).

Continue reading below ↓


Oro, Plata, Mata (1982)


Continue reading below ↓

Scorpio Nights (1985)

Sa karamihan ng mga pelikulang ito ay katuwang niya sa pagdidirek si Lore Reyes.

At sa marami sa mga pelikula ni Direk Peque, kabahagi ang direktor sa pagbuo ng screenplay.

Nag-artista rin siya sa mga pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Lucio & Miguel (1992), Jose Rizal (1998), Enteng Kabisote 4 (2007), at Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010).

Bago naging direktor ay nagtrabaho si Peque bilang production designer.

Nagwagi sa Gawad Urian ang production design nila ni Laida Lim Perez para sa pelikulang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon (1976), at ang production design niya para sa City After Dark (1980) aka Manila By Night.

Ang dalawang pelikula ay laging kasali sa mga listahan ng 10 Best Filipino Films ng iba't-ibang grupo.

Pinarangalan si Direk Peque sa International Film Festival of Flanders-Ghent noong 1983 sa Belgium, at sa 2004 Gawad CCP Para sa Sining.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Film director Peque Gallaga passed away Thursday morning, May 7, at Riverside Medical Center in Bacolod City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results