Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Toni and Alex Gonzaga, Robin Padilla draw flak after showing support for ABS-CBN

by Jet Hitosis
May 7, 2020
(L-R) Sisters Toni and Alex Gonzaga and actor Robin Padilla are among the celebrity supporters of President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: @celestinegonzaga, @cathygonzaga, @robinhoodpadilla on Instagram

Na-bash ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at ang aktor na si Robin Padilla matapos silang magpahayag ng kalungkutan sa nangyaring ABS-CBN shutdown.

Kapwa Kapamilya talents sina Toni, 36, at Alex, 32.

Magkasama ang magkapatid sa weekly sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Ilang taon namang naging Kapamilya star si Robin, 50.

Sa ABS-CBN huling gumawa ng TV series ang aktor, ang Sana Dalawa Ang Puso, noong 2018.

Sa kani-kanilang Instagram post nitong Martes, May 5, nakisimpatiya sina Toni, Alex, at Robin sa pagpapasara sa lahat ng TV at radio stations ng ABS-CBN.

Pero sa halip na pagdamay ang natanggap mula sa netizens, tinawag ang tatlo na “enabler,” “plastic,” “DDS,” at “hypocrite.”

Ang DDS ay nangangahulugang “Die-hard Duterte Supporters.”

Sina Toni, Alex, at Robin ay mga kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi maiwasang iugnay sa Pangulo ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa broadcasting unit ng ABS-CBN nitong Martes.

Continue reading below ↓

Ilang beses kasing nagbanta ang Presidente na haharangin niya ang pagbibigay ng panibagong 25-year franchise to broadcast sa network.

Pero ang pagkakapaso ng prangkisa ng ABS-CBN nitong Lunes, May 4, ang sinasabing basehan ng NTC sa pag-iisyu ng cease-and-desist order laban sa kumpanya.

Bigo naman ang Kamara na kaagad matalakay ang 11 franchise renewal bills para sa network na hanggang ngayon ay nakabimbin sa Lower Chamber.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

TONI: “NAGSARA ANG AMING TAHANAN”

Kasunod ng pagpapatigil sa broadcast operations ng ABS-CBN, nagpahayag ng suporta si Toni para sa kanyang home network.

Ayon sa actress-TV host, “most heartbreaking” para sa kanyang masaksihan ang shutdown ng kumpanya na pinangarap niyang pagtrabahuhan.

Post ni Toni: “It was my biggest dream to work here.

“Watching it shut down today is the most heartbreaking thing to witness.”

Sinabi ni Toni na patuloy siyang magdadasal para sa network, na tinawag niyang “aming tahanan.”

Pagpapatuloy ng post ni Toni: “For the many dreams you have fulfilled and the many people you helped, we will continue to pray for our home network.

Continue reading below ↓

“Mga kapamilya, ngayong araw nagsara ang aming tahanan...#istandwithabscbn. [broken heart, praying hands emojis]”

Maraming Instagram followers ni Toni ang nakisimpatya sa kanya.

Pero mayroong nagsama sa aktres sa mga sinisisi sa pagsasara ng ABS-CBN.

Tinawag nila si Toni na “enabler” at tagasuporta ni Pangulong Duterte, na itinuturo nilang nagpasara sa network.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang netizen, sarkastikong nagtanong kung hindi raw ba “ironic” ang nangyari para sa isang Kapamilya talent na “Duterte follower?”

Hinamon naman ng isa si Toni kung kaya bang magalit ng aktres sa “gobyerno mo na nagpasara sa ‘tahanan’ niyo.”

Continue reading below ↓

Prangkahan naman ang tanong ng isa pa—maka-Duterte pa rin daw ba si Toni matapos ang nangyari sa ABS-CBN?

Walang reaksiyon si Toni sa alinman sa mga komentong ito.

ALEX: “EVERY FILIPINO IS A KAPAMILYA”

Mas mapang-insulto ang mga komentong natanggap ng nakababatang kapatid ni Toni na si Alex.

Nag-react ang netizens sa post ng actress-vlogger na nagtampok sa solidarity ribbon logo ng ABS-CBN na may black background.

Continue reading below ↓

Caption ni Alex: “Every filipino is a kapamilya. [broken heart emoji]”

Sa comment section, tinawag si Alex na “DDS,” “enabler,” “impokrita,” at “sobrang plastic.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang netizen, sinita si Alex sa matagal nitong pananahimik sa isyu kahit pa “matagal” nang napabalitang gustong ipasara ang ABS-CBN ng “administration” na sinusuportahan ng actress-vlogger.

Hindi raw nanindigan si Alex para sa mga empleyado na inaasahan nang maaapektuhan sakaling magsara ang network.

Ayon sa netizen, ngayon lang daw nakisimpatiya si Alex sa ABS-CBN “when it become inconvenient for you.”

Continue reading below ↓

Ito rin ang sentimyento ng isa pang Instagram follower ni Alex.

Matagal na raw nananahimik ang aktres sa mga usaping may kinalaman kay Pangulong Duterte.

Nahihirapan daw bang pumili ang aktres ng kanyang papanigan this time?

Ipinaalala rin ng nagkomento nang dumalo si Alex sa dinner party ng Presidente noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

DINNER WITH PRESIDENT DUTERTE

May 7, 2019 nang inimbitahan ni Pangulong Duterte at ng partner niyang si Honeylet Avanceña ang ilang celebrities sa isang dinner party sa Malacañang.

Sa isang report ng ABS-CBN News, quoted si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa pagsasabi na ang dinner ay “thanksgiving for artists who support the President.”

Bukod kay Alex, dumalo rin sa dinner ang ate niyang si Toni at asawa nitong si Direk Paul Soriano.

Imbitado rin sa naturang dinner ang maraming iba pang celebrities, kabilang si Ormoc City Mayor Richard Gomez, at naroon din si Robin.

Continue reading below ↓

ROBIN: “PAGBABAGO SA ABS-CBN, HINDI PAGSASARA”

Samantala, maraming nasorpresa sa reaksiyon ni Robin sa ABS-CBN shutdown.

Kinontra ng aktor ang pagsasara ng network, lalo raw ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Umapela pa si Robin sa mga mambabatas na madaliin ang pag-apruba sa mga panukalang magbibigay ng bagong prangkisa sa tinawag niyang “aming network.”

Saad sa post ni Robin (published as is): “Ang nais natin ay pagbabago sa abscbn hindi ang pagsasara nito.

“Nasa panahon tayo ng humahagupit pa ang mata ng covid 19 sa labas ng mga bahay natin at nagbabanta na makapasok at manalanta

“hindi po mainam na magtagal ang pagsasaayos ng franchise ng aming network.”

Dagdag ng aktor, kailangan ngayon ang serbisyo ng ABS-CBN upang maghatid ng impormasyon sa publiko tungkol sa pandemic.

Nagpahayag din siya ng pag-aalala para sa mga mawawalan ng trabaho dahil sa shutdown.

Patuloy ni Robin, “ito ang oras para harapin ito dahil kailangan ng information ng mga pilipino sa buong mundo

Continue reading below ↓

“at lalong kailangan ng trabaho ng nasa industria ng telebisyon at pelikula.

“Umpisahan na kagyat ang pagdinig dito at unahin harapin ang mga dapat baguhin.”

Binanggit din ni Robin ang tungkol sa kahandaang magbago at sumunod sa patakaran, lalo na ngayong nasa peligro ang ekonomiya ng bansa.

Tinutukoy ng aktor ang dapat na pagtalima ng ABS-CBN sa mga batas na kaakibat ng prangkisa nito, sakaling maaprubahan na ng Kongreso.

“Mga kababayan nasa peligro ang bawat buhay ng Pilipino at ang economia ng bansa

“naniniwala ako na ang lahat ngayon ay bukas sa pagbabago at handang sumunod sa kung ano ang dapat maitawid lang nating lahat sa pagsubok at makaahon ang Inangbayan Pilipinas.”

Continue reading below ↓

IN FAVOR OR AGAINST SHUTDOWN?

Maraming Instagram followers ni Robin ang hindi maintindihan ang reaksiyon niya.

Taliwas kasi ito sa naunang paninindigan ng aktor sa kasagsagan ng franchise renewal issue ng ABS-CBN noong February.

Una, mistulang pinaboran ni Robin ang paghahain ng Office of the Solicitor General (OSG) ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Sa petisyong isinumite sa Supreme Court noong February 10, iginiit ng OSG na nilabag ng network ang ilang probisyon sa prangkisa nito.

Bilang reaksiyon, nag-post si Robin na “ang lahat ay mananagot kapag lumabag sa batas.”

Deleted naman kaagad ni Robin ang naturang post.

Pangalawa, sinita ng aktor ang mga celebrities na nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN.

Sinabihan sila ni Robin na bago ipagtanggol ang network, hindi raw ba dapat suriin muna ang kalagayan at mga benepisyo ng maliliit na manggagawang nakakatrabaho nila sa taping at shooting.

Pangatlo, dumating pa sa puntong inakusahan ni Robin ang Kapamilya superstar na si Coco Martin ng pambubuhos daw ng tubig sa mga kasamahan nito sa trabaho.

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol naman si Coco ng mismong mga katrabaho niya sa primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Wala raw katotohanan ang akusasyon ni Robin kay Coco.

“KUMAMBYO,” “BUMALIMBING”

Ang mga posts na ito ni Robin laban sa ABS-CBN ang nasa isip ng mga nagkomento sa pakikisimpatiya ngayon ng aktor sa network.

Bakit daw biglaang “kumambyo” si Robin, at pabor na ngayon sa Kapamilya network?

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sinabihan din si Robin na “hypocrite” sa kunwaring pagmamalasakit sa mga empleyado ng ABS-CBN.

Iyon ay kahit alam daw ng aktor kung sino ang nasa likod ng pagpapasara sa network.

Pinuna rin ng netizens ang pagsabi ni Robin ng “aming network.”

Tanong nila, bigla raw bang na-realize ng aktor na may utang na loob din ito sa ABS-CBN, gayundin ang mga kamag-anak nitong nagtatrabaho sa network?

Continue reading below ↓

Kapamilya talent ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez, gayundin ang pamangkin ng aktor na si Daniel Padilla, at kapatid na si Rommel Padilla.

Isa namang Instagram follower ni Robin ang nagtanggol sa aktor sa mga bashers.

Ipinaliwanag niya ang punto ni Robin. Binatikos daw noon ni Robin ang ABS-CBN upang maitama ang hindi patas na trato sa maliliit na empleyado ng network, at hindi para ipasara iyon, gaya ng nangyari.

Continue reading below ↓

MARIEL EXPRESSES SUPPORT FOR ABS-CBN

Sinilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Instagram ni Mariel.

Gaya ng ibang Kapamilya artists, nag-post din ng suporta sa network ang dating It’s Showtime host.

Kalakip ang solidarity ribbon logo ng ABS-CBN, simpleng “FOREVER” lang ang caption ni Mariel.

Kalakip ng one-word comment ng misis ni Robin ang tatlong heart emojis na kulay red, green, at blue.

Continue reading below ↓

Ang naturang mga kulay ay sumisimbolo sa logo ng Kapamilya network.

Gayunman, kapansin-pansing disabled ang comment feature sa post na ito ni Mariel.

At press time, mayroon nang mahigit 29,900 likes ang naturang post ni Mariel, ngunit wala ni isang comment pa rin.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Sisters Toni and Alex Gonzaga and actor Robin Padilla are among the celebrity supporters of President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: @celestinegonzaga, @cathygonzaga, @robinhoodpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results