FICTAP accuses ABS-CBN of violating "one franchise, one channel" rule; Ogie Diaz, Kim Chiu, Karen Davila refute points

by Rachelle Siazon
May 8, 2020
FICTAP President Neng Tamano's (leftmost) interview on 24 Oras goes viral. She insists that ABS-CBN's digibox with multiple channels is anomalous. ABS-CBN broadcaster Karen Davila (second from left), comedian Ogie Diaz (second from right), and actress Kim Chiu (rightmost) defend their home network.
PHOTO/S: FICTAP.com.ph / Ogie Diaz Facebook / Karen Davila & Kim Chiu Instagram

Usap-usapan sa social media ang pagtuligsa sa ABS-CBN ng Federation of International Cable TV Association of the Philippines (FICTAP).

Ang FICTAP, ayon sa website nito, ay isang non-profit organization na binubuo ng 1,000 small and medium cable operators sa Pilipinas.

Noong Martes, May 5, nakapanayam si FICTAP President Neng Juliano Tamano ng news anchor na si Jessica Soho sa 24 Oras, ang prime-time newscast ng GMA-7.

Nanindigan si Tamano na inabuso raw ng ABS-CBN ang "one franchise, one channel" na probisyong ibinigay dito ng gobyerno.

Pero mariin itong kinontra ni Karen Davila, news anchor ng ABS-CBN late-night newscast na Bandila.

Nakiisa rin sa pagdepensa sa ABS-CBN ang Kapamilya prime star na si Kim Chiu at ang comedian-talent manager na si Ogie Diaz.

Iginiit ng mga ito na walang katotohanan ang violations na ipinupukol ng FICTAP sa Kapamilya network.

ONE FRANCHISE, MULTIPLE CHANNELS COMPLAINT

Ayon kay Tamano, maanomalya ang ABS-CBN TVplus, o Ang Mahiwagang Blackbox ng ABS-CBN, dahil ineere rito ang "anim na channels" sa telebisyon.

Continue reading below ↓

Gayong iisa lang daw ang prangkisa ng ABS-CBN para makapag-broadcast sa telebisyon.

"Ginamit nila ang airwaves ng ABS-CBN na maraming channel, at naningil sila sa taong bayan na hindi sila dapat.

"Ang ABS-CBN, kapag gumamit ka ng airwaves, that is free to air. Hindi sila puwede maningil sa taong bayan."

Hindi nabanggit ni Tamano kung anu-ano ang anim na channels na kinukuwestiyon niya.

Pero base sa website ng ABS-CBN TVplus, mayroon itong anim na "free exclusive channels," kabilang ang ABS-CBN, ABS-CBN Sports+Action, Cinemo!, YEY, at Knowledge Channel.

May channels din na "on free trial"—Asianovela Channel, Movie Central, Jeepney TV, MYX, at O Shopping.

Kasama rin sa ABS-CBN TVplus ang KBO, ang pay-per-view feature kunsaan maaaring magbayad ng PHP30 kada pelikulang mapapanood dito.

Inaalmahan ng FICTAP ang pagkakaroon ng multiple channels ng ABS-CBN.

Base raw sa mga panukalang nakabinbin sa Kongreso, humihingi ang ABS-CBN ng permiso na gumamit ng "frequencies and/or channels" sa kanilang broadcasting operations.

Continue reading below ↓

Ani Tamano: "Yung sinubmit nilang for renewal ay malayo sa original na franchise nila nung 1995. Meron po silang idinagdag doon.

"Nung nag-apply sila nung 2014, ang nangyari, dinagdagan nila ng 's' yung channels. Magkaiba ang single channel at magkaiba rin ang channels.

"Hindi sila nabigyan ng franchise noong panahon na yun, na ang chairman pa noon ay si Congressman Marcelino Teodoro."

Si Teodoro, na ngayon ay mayor na ng Marikina City, ang dating chairman ng House Committee on Legislative Franchise, na tumatalakay sa grant, amendment, extension o revocation ng franchises.

Lumipas daw ang taong 2015 hanggang 2019 na "hindi nila inayos" ang isyu kaugnay ng multiple channels ng ABS-CBN.

"Pareho pa rin ifinile nila sa Kongreso nung nakaraan hanggang ngayon."

PAY-PER-VIEW CHANNEL COMPLAINT

Isa pang tinutuligsa ng FICTAP ay ang pay-per-view feature sa ABS-CBN TVPlus.

Partikular na rito ang no-commercial airing ng Manny Pacquiao vs. Floyd Mayweather Jr. boxing fight noong May 3, 2015.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Tamano: "Naniningil sila sa Manny Pacquiao-Mayweather fight.

"Nag-oppose kami, sinumbong namin sa NTC na naniningil sila.

"Binigyan sila ng Cease and Desist Order dahil on trial lang yung kanilang TVplus.

"Subalit hindi nila pinakinggan ang NTC, bagkus, ipinalabas pa rin nila at naningil pa sila ng PHP2,500 sa taong-bayan."

Dagdag pa raw dito ang paniningil ng ABS-CBN sa taumbayan sa pamamagitan ng Kapamilya Box Office (KBO).

PHP30 ang singil kada pelikula sa pay-per-view feature na ito sa ABS-CBN TVplus.

Reklamo pa ni Tamano, "Naniningil sila ng PHP30 sa programa nilang KBO, which is also a big violation dahil free-to-air ang ginagamit nila, subalit pineperahan nila yung tao.

"Marami po silang violations na ginagawa."

abs-cbn KILLING SMALL AND MEDIUM CABLE OPERATORS

Ayon sa FICTAP president, tila nilulusutan ng ABS-CBN ang mga diumano'y violations sa hinihingi nitong "additional frequencies" sa Kongreso.

"Kung yung original na franchise ng ABS-CBN noong 1995 just a due renewal, hindi kami mag-o-oppose.

Continue reading below ↓

"Pero nung nilagyan nila na 'additional frequencies are available,' aba!

"Marami na silang ina-apply na frequency para ma-justify nila yung kanilang illegal activity na kanilang ginagawa sa Mahiwagang Blackbox."

Apektado raw nang husto ang small and medium cable TV operators dahil sa diumano'y kuwestiyonableng pay-per-view options sa ABS-CBN TVplus.

Apela ni Tamano: "Yung ginagawa nila ngayon ay siyang pumapatay sa cable TV industry. Kaya ho ipinaglalaban namin 'yan.

"Ayaw namin mabura yung small and medium cable operators, mga members namin nationwide, na mawawalan ng hanapbuhay dahil diyan sa ginagawa nilang TVplus na wala man lang prangkisa."

Continue reading below ↓

KAREN DAVILA DEBUNKS FICTAP'S ALLEGATIONS

Isa si Karen Davila sa nanguna sa pagkontra sa umano'y maling impormasyong ipinapakalat ni FICTAP President Nene Tamano.

Sa kanyang Twitter posts noong May 6, naglabas si Karen ng quote cards kunsaan tinawag na "FAKE NEWS" ang mga pahayag ni Tamano sa 24 Oras.

Habang ang posisyon ng ABS-CBN ay tinawag na "THE TRUTH."

Caption ni Karen: "Ano po ba katotohanan sa mga akusasyon ng FICTAP laban sa ABSCBN? Basahin po:"

Ipinaliwanag sa isang quote card, na binahagi ni Karen, na ang isang prangkisa ay binibigyan ng pribilehiyong gumamit ng "frequency" para sa broadcast operations nito.

Sa kaso ng ABS-CBN, iisa lang ang ginagamit na frequency at may kakayahan daw itong magdala ng higit sa isang channel.

"No need to apply separate franchises as ABS-CBN is using only one frequency.

"Thanks to technology, it's no longer one channel per frequency.

"FICTAP's issue is that ABS-CBN provides free channels to the public, making broadcast TV competitive versus cable TV."

Continue reading below ↓

Dagdag sa isa pang quote card na ibinahagi ni Karen: "The more channels you can deliver over that frequency, the better for the consumer."

Continue reading below ↓

PCTA CORRECTS FICTAP

Tugma ito sa ANC interview ni Karen sa presidente ng PH Cable Television Association Inc. (PCTA) na si Ronald Manlapig.

Sabi ni Manlapig sa panayam sa kanya noong Huwebes, May 7, "Hindi natin kailangan na magkaroon ng ilang franchise bawat channel.

"Ang prangkisa ng isang broadcasting company, katulad ng ABS-CBN, nakalagay na roon yung frequency."

Ipinaliwanag din ni Manlapig na may mandato na ang gobyerno na mula sa analog format ay kailangang mag-migrate sa digital format ang TV broadcast operations by 2022.

Kumpara sa analog format, ang digital format ay maliit ang nagagamit na frequency kaya may kakayahan itong dalhin ang multiple channels.

"Yung isang analog channel na six megahertz can create several channels, depending dun sa tinatawag na digital compression, whether standard definition o high definition ang gagamitin ng broadcaster."

Igniit din Manlapig na hindi paglabag ng ABS-CBN ang pagkakaroon ng pay-per-view gaya ng KBO.

Kung ang FICTAP ay binubuo ng may 1,000 small at medium cable enterprises sa bansa, halos 400 naman ang regular at affiliate members ng PCTA.

Continue reading below ↓

Pero hawak ng PCTA ang 75 porsiyento ng kabuuang cable TV subscribers sa buong Pilipinas.

ABS-CBN PAY-PER-VIEW

Sa kaso ng Pacquiao-Mayweather pay-per-view service noong 2015—ayon sa isa pang quote card na ibinahagi ni Karen sa Twitter—huli na nang lumabas ang Cease and Desist Order mula sa NTC.

Naibenta na raw ang laban sa pay-per-view viewers kaya hindi na ito nabawi.

Dagdag pa rito, "Incidentally, that fight was brought to audiences that the FICTAP operators could not reach."

Continue reading below ↓

Lumabas din daw sa imbestigasyon ng Senate hearing na hindi maituturing na "violation" ang pay-per-view activities ng ABS-CBN.

"The franchise allows ABS-CBN to operate broadcast facilities for 'commercial purposes.'"

Base raw iyon sa pahayag ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Hindi rin daw totoo ang impormasyong ni Tamano na na-reject ng Kongreso ang panukala para sa ABS-CBN franchise renewal noong 2014.

Continue reading below ↓

Dahil noon lamang daw 2016 at 2019 nagpasa ng mga panukala para ma-renew ang license to operate ng ABS-CBN.

Ang kaso, hindi raw ito inaksiyunan ng Kongreso mula 2016 hanggang sa napaso na ang prangkisa ng ABS-CBN nitong May 4, 2020.

OGIE DIAZ on alleged incomplete report of 24 oras

Dinepensahan din ni Ogie Diaz ang ABS-CBN laban sa mga alegasyon ng FICTAP.

Mali raw na husgahan ang ABS-CBN base lamang sa mga pahayag ni FICTAP President Nene Tamano sa 24 Oras ng GMA.

Sa kanyang Facebook post ngayong Huwebes, May 7, nagpahiwatig si Ogie na sana ay "patas" ang reporting ng 24 Oras.

"O, eto. Para magkaroon pa ng kaalaman ang mga biglaang mga naging abogado diyan.

"Unless, bingi at bulag kayo sa katotohanan....

"Sa 24 Oras, baka ito pwede n'yong interbyuhin para patas ang reporting natin."

Nag-repost siya ng explainer na gawa ng isang network engineer na nagngangalang Jose Mari Cipriano.

Continue reading below ↓

Sabi rito, iisa ang frequency na gamit ng ABS-CBN para sa broadcast operations.

Alinsunod ito sa Republic Act 7966, na siyang nagkaloob ng prangkisa sa ABS-CBN noong 1995.

Ang frequency ng Kapamilya network ay 647.143 megahertz, at may kapasidad itong mag-transmit ng broadcast signal para sa multiple channels.

Lalo na nang maging digital format ang TV broadcast operation, dahil mas maliit na frequency lang ang nakokonsumo kada isang channel.

Kaya raw, ani Cirpiano, hindi na kinakailangang mag-apply ng hiwalay na prangkisa kada channel.

Continue reading below ↓

KIM CHIU on fictap allegations

Apektado rin si Kim Chiu sa mga pambabatikos sa ABS-CBN kaugnay ng mga alegasyon ng FICTAP.

"YAN! TAGALOG AT ENGLISH NA PO YAN! PARA MAS MAINTINDIHAN NYO!" saad ni Kim.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, May 7.

Sinamahan niya ito ng quote cards na kinokontra ang akusasyon ng FICTAP na "maraming violations" ang ABS-CBN dahil sa diumano'y maanomalyang TVplus.

Pareho ang quote cards na ibinahagi ni Kim sa mga naunang ipinost ni Karen Davila sa Twitter.

Na ang mensahe ay hindi umano paglabag sa prangkisa ng ABS-CBN ang pay-per-view feature ng KBO sa ABS-CBN TVplus.

Continue reading below ↓

Kung babalikan ang Senate hearing noong February 24, 2020, kinumpirma noon ni NTC Chief Gamaliel Cordoba na "may legal basis" ang pay-per-view options sa ABS-CBN TVplus.

Ito raw ay base sa kinuha ng NTC na opinyon ng DOJ.

Tanong daw ng NTC sa DOJ: "Does the phrase use of the franchise for any commercial purpose, is it broad enough to include pay-per-view?"

Ang tinutukoy dito ay ang "scope and nature of franchise" na ipinagkaloob sa ABS-CBN, alinsunod sa probisiyon ng RA 7966.

Ang sagot daw ng Department of Justice sa NTC: "It is general enough to include pay-per-view and yung pag-air ng ads."

Pero dagdag noon ni Cordoba, wala pang inilalabas ang NTC na implementing rules and regulations para sa pay-per-view option ng KBO ng ABS-CBN TVplus.

May mga tanong pa raw kasi ang ibang stakeholders sa broadcasting industry ukol sa legal opinion ng DOJ, kung ano nga ba ang kaibahan ng pay-per-view ng TV broadcast sa pay-per-view ng cable TV services.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ng Instagram caption ni Kim, handa raw siyang makipaglaban sa mga "trolls" na panay ang tirada hindi lang sa ABS-CBN kundi pati sa gaya niyang Kapamilya star.

Saad niya, "Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon.

"Lalo na’t puno ng trolls, tards, bashers at kung ano man ang tawag sa kanila. Sa mga taong nagtatago sa likod ng sampu, benteng account!

"Para lang murahin kami! Pagsalitaan ng masama! Apak apakan!!! ikinayaman nyo ba yan?!!! Ang sabihan kami ng masasamang salita?!!!!"

Pati ang kawalan niya ng college degree ay binabatikos pa raw ng trolls.

Ani Kim, "Oo hindi ako graduate ng LAW.

"Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon DAHIL YUN SA KUMPANYANG ITO NA HANDANG TUMULONG SA BAWAT PILIPINO!!!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FICTAP President Neng Tamano's (leftmost) interview on 24 Oras goes viral. She insists that ABS-CBN's digibox with multiple channels is anomalous. ABS-CBN broadcaster Karen Davila (second from left), comedian Ogie Diaz (second from right), and actress Kim Chiu (rightmost) defend their home network.
PHOTO/S: FICTAP.com.ph / Ogie Diaz Facebook / Karen Davila & Kim Chiu Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results