Former Born To Be Wild host Kiko Rustia calls 24 Oras interview of FICTAP on ABS-CBN shutdown "one sided"

by Arniel C. Serato
May 8, 2020
Former Kapuso host Kiko Rustia criticizes GMA-7's 24 Oras for having ample airtime for FICTAP head accusing ABS-CBN of violating the "one franchise, one channel" rule and yet having no one to speak for the other side.
PHOTO/S: Courtesy: Kiko Rustia on Facebook / Jerome Ascano

Tinawag ng dating Kapuso talent na si Kiko Rustia na "one sided" ang interview ng 24 Oras kay FICTAP President Estrellita Juliano-Tamano.

Ang 24 Oras ang primetime news program ng GMA-7.

Sa nasabing panayam noong May 5, 2020, ipinaliwanag at inisa-isa ni Tamano ang diumano’y mga paglabag sa batas ng ABS-CBN kaya hindi na-renew ang prangkisa nito.

Napaso ang prangkisa ng broadcast giant noong Lunes, May 4.

Kinabukasan, May 5, sa bisa ng Cease and Desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC) ay nag-shutdown ang TV at radio stations ng ABS-CBN sa buong bansa.

Sa Twitter nitong Miyerkules, May 6, naghayag si Kiko ng kanyang pagkadismaya sa GMA-7, na nagsilbi niyang tahanan ng ilang taon.

Ayon sa 38-year-old former Born To Be Wild host at Survivor Philippines castaway, "one sided" ang report ng 24 Oras kaugnay sa isyu.

Kung ang layunin ay "fair journalism," dapat daw ay isang taong "without vested interest on either side" ang ininterbyu ng programa.

Continue reading below ↓

O dapat daw ay binigyan din ng parehong pagkakataon ang ABS-CBN.

Buong mensahe ni Kiko: “Im sorry @gmanetwork, my home network, but last night’s report did sound one sided.

“If fair journalism was the goal, you should have interviewed someone without vested interest on either side.

“Or at least, with your FICTAP interview, fairly extended the same venue to ABSCBN."

Kung tutuusin, karapatan ng 24 Oras na kapanayamin ang FICTAP head o ang sinumang posibleng may kinalaman o opinyon sa isyu.

Continue reading below ↓

Nilinaw naman ni Kiko na ang tinutuligsa lamang niya ay ang report ng 24 Oras tungkol sa isyu ng FICTAP laban sa ABS-CBN.

Dagdag niya, "I know most of you understand that my post was only about THAT particular report.

"And at that particular moment when ABSCBN just shut down operations a few mins. earlier.

“Some people have been commenting (or insinuating) that I am blaming GMA for ABSCBN’s closure. Seriously?"

Continue reading below ↓

Sabi pa nito, “And please. Dont accuse me of not being ‘kapuso’ or walang utang ng loob sa GMA.

“Because what Im doing is exactly what PUSO is all about.

“Ang laban na to eh laban para sa libo-libong mga kapatid natin sa industria na nawalan ng job security at maaapektuhan ang mental health.”

Continue reading below ↓

KIKO: "MAHAL KO ANG GMA"

Iginiit ni Kiko na malaki ang utang na loob niya sa network.

Pero hindi raw ito makakapagpigil sa kanyang panindigan ang values niya at punahin kapag may nakita siyang kamalian.

Sabi niya, “Mahal ko ang GMA, and I owe them a debt of gratitude for everything the network has done for me.

“But that should not stop me from standing up for my values and calling out if may nakita ako na mali.

"Respect and gratitude does not equate to blind allegiance."

Continue reading below ↓

Diin pa ni Kiko, “I am and will always be kapuso.

“But that shouldnt mean hindi ko ipaglalaban ang mga kapatid ko sa industria sa ABSCBN, sa TV5, at oo pati PTV4 kung sila ay naaargabyado at nasa tama.

“Lalo na yung mga nasa likod ng camera at walang boses ipaglaban ang sarili nila."

Continue reading below ↓

Humingi naman siya ng dispensa sa kanyang pagra-rant.

Aniya, “Pasensya na nag rant ako. Mga comments and PM na kwinekwestion pagka kapuso ko.

“Maybe subukan nyo silipin kung NASAAN ANG PUSO NYO. PEACE!”

ABS-CBN SEEKS REPREIVE

Tumalima ang ABS-CBN Corporation sa Cease and Desist Order na ipinataw ng NTC sa kanilang kumpanya.

Continue reading below ↓

Isinara ang kanilang broadcast 7:52 ng gabi noong May 5 sa lahat ng kanilang Manila at regional TV at radio stations.

Kahapon, May 7, dumulog sa Supreme Court ang mga abugado ng ABS-CBN upang hilinging ipawalang-bisa ang cease and desist order ng NTC.

Malalaman ngayong araw, May 8, kung matatalakay ng Supreme Court en banc ang kanilang 46-pahinang petition for certiorari at prohibition.

Samantala, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa GMA Network upang kunin ang kanilang panig sa naging pahayag ni Kiko Rustia.

At press time ay wala pa kaming natatanggap na kasagutan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Kapuso host Kiko Rustia criticizes GMA-7's 24 Oras for having ample airtime for FICTAP head accusing ABS-CBN of violating the "one franchise, one channel" rule and yet having no one to speak for the other side.
PHOTO/S: Courtesy: Kiko Rustia on Facebook / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results