Kapuso star Sunshine Dizon on ABS-CBN shutdown: "Hindi ito panahon para matuwa or mag-isip na magkakalaban tayo."

by Rachelle Siazon
May 8, 2020
Sunshine Dizon reminds netizens to stop comparing GMA-7 and ABS-CBN amid the Kapamilya network's difficult ordeal.
PHOTO/S: Noel Orsal

Umapela si Sunshine Dizon na sana ay tigilan na ang pagsasabong sa GMA-7 at ABS-CBN, lalo na ngayong lugmok ang Kapamilya network.

Ipinasara ang TV at radio operations ng ABS-CBN dala ng napasong prangkisa ng istasyon mula nitong May 4, 2020.

Si Sunshine ay exclusive Kapuso star sa loob ng 24 taon.

Pahayag niya, "Hindi ito panahon para matuwa or mag-isip na magkakalaban tayo.

"Kasi, ultimately, isang industriya lang ang ginagalawan natin.

"And kung puwede mangyari sa kanila yun, baka puwede rin mangyari sa atin, di ba? Hindi natin masasabi ngayon."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa PEP Live noong May 6.

NO TO NETWORK WAR

Solid Kapuso man, ikinalungkot daw ni Sunshine ang sitwasyon ng ABS-CBN.

"Of course, we sympathize. We all feel bad.

"Sa mga panahon ngayon, hindi natin dapat isipin, kumbaga, yung mga network wars.

"Hindi na 'yan importante because pare-pareho kami ng ginagalawang mundo, pare- pareho nasa isang industriya."

Continue reading below ↓

Aminado siya na mahigpit na magkalaban ang GMA-7 at ABS-CBN, lalo na pagdating sa TV ratings.

Pero bilang artista, hindi naman daw isyu sa kanya ang network war.

Maayos din daw ang relasyon niya sa ibang kakilalang Kapamilya stars.

"Wala naman sa amin yun.

"Kapag nagkikita-kita kami sa labas, okay naman, wala namang nag-aaway-away na pinepersonal yun.

"Tsaka parang ang lungkot din na wala kaming katapat. Wala nang thrill. Wala.

"Ako naman, ang iniisip ko parati, healthy naman yung competition na yun, e."

ABS-CBN GUESTINGS IN THE '90S

Natatandaan pa ni Sunshine na bata pa siya ay may ilan din siyang TV appearances sa ABS-CBN.

"Yes, several times. Ang dami ko rin ginawa sa kanila.

"Hindi full series, pero andaming guestings."

Isa nga raw dito ay ang TV appearance niya sa Maricel Drama Special, ang Kapamilya drama anthology na pinagbidahan ni Maricel Soriano mula 1992 hanggang 1997.

Si Sunshine ay nagsimula sa GMA-7 sa weekly drama series na Anna Karenina noong 1996.

Continue reading below ↓

SADDENED FOR ABS-CBN EMPLOYEES

Sa huli, sinabi ni Sunshine na sana ay maayos ang prangkisa ng ABS-CBN para hindi tuluyang mawalan ng kabuhayan ang libu-libong empleyado ng Kapamilya network.

"And ultimately, napakasakit na ilang libong tao at mga pamilya ang nawalan ng trabaho."

"That's what I feel right now. We symphatize.

"We can only hope and pray na sana ma-resolve dahil kawawa yung mga tao."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon reminds netizens to stop comparing GMA-7 and ABS-CBN amid the Kapamilya network's difficult ordeal.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results