Watch Now

Kim Chiu argues with netizens over ABS-CBN shutdown

by Arniel C. Serato
May 8, 2020
Kim Chiu on ambush incident and ABS-CBN shutdown: "Tumahimik na ako sa nangyari sa akin dahil sarili kong problema 'yun, hindi na 'yun kailangan pang isapubliko. Ito ay iba na! Hindi na puwedeng manahimik."
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram / Jerome Ascano

Sinagot ni Kim Chiu ang ilang nagkomento sa kanyang Instagram post kagabi, May 7, tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.

Sa nasabing post, nanawagan ang 30-year-old actress sa mga Kapamilya—tawag sa loyal viewers ng ABS-CBN—na tulungan sila sa kanilang panawagang mabaligtad ang Cease And Desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Bahagi ng mensahe ni Kim (published as is): "Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon.

"Lalo na’t puno ng trolls, tards, bashers at kung ano man ang tawag sa kanila.

"Sa mga taong nagtatago sa likod ng sampu, benteng account!

"Para lang murahin kami! Pagsalitaan ng masama! Apak apakan!!!ikinayaman nyo ba yan?!!!

"Ang sabihan kami ng masasamang salita?!!!! Oo hindi ako graduate ng LAW.

"Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon DAHIL YUN SA KUMPANYANG ITO NA HANDANG TUMULONG SA BAWAT PILIPINO!!!

"nakilala nyo kami dahil napanood nyo kami sa ABSCBN!"

Mensahe pa ni Kim sa mga trolls: "Hindi na kami dapat matakot sa inyo!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan na natin magsalita at Ipaglaban ang tahanang nagbigay sa atin ng inspirasyon, ng ngiti sa labi at lumalaban ako ngayon dahil ito ang tahanang naglagay sa akin sa kung nasaan man ako ngayon.

"Malaki ang utang na loob ko sa ABSCBN. #hindikamitatahimik #lalabanparasakatotohanan #notoabscbnshutdown.

“sana ay tulungan nyo rin po kami MGA KAPAMILYA. #NotoAbsCbnShutdown

"SA LAHAT NG BUMUBUO NG NTC, kay sir allan cayetano, kay solgen calida at sa lahat ng may tao sa likod ng cease and desist order sana po ay IBALIK NINYO ANG KARAPATAN NG ABSCBN SA MALAYANG PAMAMAHAYAG."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Solicitor General Jose Calida ang naghain ng petition sa Korte Suprema upang ipawalang-bisa ang dating prangkisa ng ABS-CBN.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano naman ay nangakong hindi magsasara ang ABS-CBN kahit mapaso na ang prangkisa nito hangga't siya ang nakaupong speaker.

Sa huli, nagtagumpay si Calida sa tulong ng NTC.

Si Cayetano naman ay sinisisi si Calida at ang NTC, at inabsuwelto ang sarili at ang Kongreso.

WHAT PRESS FREEDOM?

Ipinaglalaban ng Kapamilya supporters na nasupil daw ang press freedom sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN.

Ito rin ang pinanindigan ni Kim.

Pero ayon kay former Supreme Court Associate Justice Noel Tijam, walang press freedom na naapakan dahil patuloy pa ring nakakapag-broadcast ang maraming TV at radio stations na may prangkisa.

Ang problemang kinakaharap ng ABS-CBN ay ang pagkapaso ng kanilang prangkisa noong May 4.

Dahil wala na silang balidong franchise, naghain ng cease and desist order ang NTC upang pagbawalan ang ABS-CBN Corporation na gamitin ang frequencies ng gobyerno sa kanilang patuloy na pagbu-broadcast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ng netizen kay Kim: “Anong kinalaman ng press freedom sa “expired franchise”, “no permit,” “no license,” “no certificate”?”

Mararamdaman naman ang galit ni Kim sa kanyang sagot na naka-all caps at punumpuno ng exclamation point:

“HINDI MAKAPAG PRESS FREEDOM KUNG HINDI NABIGYAN NG FRANCHISE NA MATAGAL NANG WAITING since 2014 pa!!!!!

“Nasaan na? Why are they delaying it?!!!! Sagotutin mo nga??????”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na sumagot ang kausap ni Kim.

Taong 2014 pa nag-apply ng franchise renewal ang ABS-CBN.

Ngunit dahil diumano sa "time constraints" ay binawi nila ito.

Sa 17th at 18th Congress, muling naghain ang ABS-CBN ng franchise renewal ngunit hindi pa rin ito inaksiyunan ng mga mambabatas.

“PAG-AMPO”

Sabi naman ng isa pang follower ni Kim, magdasal na lamang daw siya upang mapabilis ang proseso at makabalik kaagad sa ere ang Kapamilya network.

Mensahe ng netizen, “Ikaw na Kim! Focus sa COVID19 kay map nay kontra sa nasod.. [Focus sa COVID19 kasi yan ang kalaban ng bansa.]

“Sakto na nang sirado kay nahitabo na... move on! [tama na yang pagsara kasi nangyari na.]

“Pag ampo nga madali ang proseso nga ma open ug balik.. [Magdasal ka na mapabilis ang proseso para makapagbukas ulit..]

“D na katabang sa crisis karon imong kadismaya sa nahitabo.. [Hindi yan makakatulong sa krisis ang inyong pagkadismaya sa pangyayari.]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Good will always prevail!

“If goo ang abs-cbn then god is with them.

“God is good all the time.”

Pagsang-ayon ng Cebuana actress, “Mao jud! [Ganun na nga!]

“Tuo lang sa ginoo! [Maniwala lang sa Diyos!]"

Pero ayon din kay Kim, minsan ay kailangang magsalita.

“Pero usahay kailangan man gud ta mu storya kung unsa atong gibati mao bitaw gi himo ang baba para mu sulti ug ang daliri para pang type. [Pero minsan, kailangan nating magsalita kung ano ang ating nararamdaman kaya nga ginawa ang bibig upang magsalita at ang mga daliri upang mag-type.]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nangayo nakog pasaylo sa ginoo na ganahan najud nako e storya unsa akong gibati karon. [Humingi na ako ng paumanhin sa Diyos dahil gusto ko na talaga magsalita ngayon sa aking nararamdaman.]

“#istandwithabscbn lisod pero kailangan magtinabangay! [mahirap pero kailangang magtulungan!]”

“PAAMBUSH UTRO UIST”

Noong kainitan ng usapin tungkol sa ABS-CBN franchise renewal, na-ambush ang sasakyang lulan ang aktres patungong taping ng Love Thy Woman noong umaga ng March 4, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nabahala sa nangyari sa aktres, at mayroon ding nagduda sa timing diumano ng pangyayari.

Isa sa naghayag ng kanyang duda sa ambush kay Kim ay ang dating brodkaster na si Jay Sonza.

Mariin itong pinabulaanan ng mga nakakalapit kay Kim.

Sa comments section ng Instagram post ni Kim kahapon, isang netizen ang nangutya sa kanyang magpa-ambush muli.

Sabi ng nagkomento: “@chinitaprincess paambush utro uist. ahahaha” [paambush ka ulit uy. ahahaha"]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahinahon naman itong sinagot ng Kapamilya star.

Ayon kay Kim, nanahimik siya tungkol sa nangyari sa kanya dahil sarili niyang problema iyon, pero iba raw ang problemang kinahaharap ng ABS-CBN

“ni hilom ko about sa nahitabo sa ako kay ako ra tong problema, dili na to kailangan e public. [tumahimik na ako sa nangyari sa akin dahil sarili kong problema 'yun, hindi na 'yun kailangan pang isapubliko.]

“Kini kay lahi na! [Ito ay iba na!]

“Dili na angay mu hilom!!!! [Hindi na puwedeng manahimik.]

“Kay gitangtangtangan nila ug trabaho ang mga empleyado na nag lisud na karon! [Kasi tinanggalan na nila ng trabaho ang mga empleyado na naghihirap na ngayon!]

“Kung ako okay raman pero ang karamihan sa empleyado, mag unsa nalang? [Kung ako okay lang pero paano ang karamihan sa mga empleyado, ano ang gagawin nila]”

“Nganong karon paman jud?.” [Bakit ngayon pa talaga?.]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na makikita kung nagkasagutan pa si Kim at ang mga nagkomentong netizens dahil binura na niya at dinisable ang comments section ng kanyang post.

Samantala, muling nag-broadcast ang TV Patrol kagabi, May 7, sa pamamagitan ng cable at online platforms ng ABS-CBN.

Ngayong araw, May 8, nagbalik din sa ABS-CBN TVplus Channel 5 ang mga programa ng DZMM.

Hindi naman natalakay sa special en banc session ng Supreme Court ngayong araw ang inihaing petition for certiorari at prohibition ng mga abugado ng ABS-CBN.

Sa Lunes, May 11, na raw ito ira-raffle sa mga miyembro ng High Court.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on ambush incident and ABS-CBN shutdown: "Tumahimik na ako sa nangyari sa akin dahil sarili kong problema 'yun, hindi na 'yun kailangan pang isapubliko. Ito ay iba na! Hindi na puwedeng manahimik."
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results