Heaven Peralejo still catches up with ex-boyfriend Jimuel Pacquiao and his mom Jinkee

by Rachelle Siazon
May 8, 2020
Heaven Peralejo on how she got over ex-boyfriend Jimuel Pacquiao: "Na-accept din namin na, maybe, hindi lang ito yung right time, and may mas maganda pang plano si Lord for us."
PHOTO/S: @heavenperalejo / @pacquiao.emmanuel Instagram

Bigo man sila bilang magkasintahan, naisalba pa rin nina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao ang pagiging magkaibigan.

Si Heaven, 20, ay nakilala nang sumali siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Si Jimuel, 19, ay anak nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao.

Humigit-kumulang isang taong silang magkarelasyon, bago naghiwalay bandang June 2019.

Pero may mga pagkakataong nagkukrus pa rin ang landas ng ex-couple.

Pati raw ang ina ni Jimuel na si Jinkee ay nakakahalubilo ni Heaven.

Sumabak na rin kasi sa showbiz si Jimuel, at kung minsan ay nakakasama raw niya ito sa mall shows.

"Oo, okay naman kami. Kasama rin si Tita Jinkee.

"Sometimes nasa mga mall shows kami.

"Kasama rin si Mom," tukoy ni Heaven sa ina niyang si Shiela Peralejo.

Patuloy ng dalaga, "So nagbabatian naman po lahat. And pag may times na puwedeng mag-usap, mag-uusap.

"Pag mall shows, sobrang bilis din talaga.

Continue reading below ↓

"Diretso stage, labas, dinner kaunti, alis— ganun naman po."

GOOD KIND OF BREAKUP

Wala raw ilangan sa pagitan nina Heaven at Jimuel.

"We ended on good terms which is nice. Kasi naging okay po kami talaga.

"Ngayon, meron kaming work together, parang friends na lang ulit kami.

"I think dahil maganda rin yung foundation namin. Dahil nag-start kami as friends."

Kung nagkaroon man sila ng hindi pagkakaunawaan noon, nadaan naman daw nila sa maayos na hiwalayan.

Tinukoy ni Heaven si Jimuel sa palayaw nitong Jim.

Aniya, "Dahil mature kami enough, si Jim mature din enough.

"Na-accept din namin na, maybe, hindi lang ito yung right time, and may mas maganda pang plano si Lord for us."

Paano siya naka-move on sa kanilang breakup?

Sagot ni Heaven, "Nandiyan din naman kasi ang family ko. Nandiyan sila to support me.

"Hindi nila napa-feel na I had to go through it alone. So yun, okay naman.

Continue reading below ↓

"Tsaka na-busy din ako for work. Hindi mo rin maaalala."

Eksklusibong nakapanayam si Heaven ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) senior staff writer na si James Patrick Anarcon.

Ito ay pagkatapos sumalang ng young actress sa PEP Live kahapon, May 7.

GOOD TIMES WITH THE PACQUIAOS

Wala naman daw masasabing hindi maganda si Heaven kay Jimuel o maging sa pamilya nito.

Noong sila pa, hindi raw intimidating ang impression niya sa ama ni Jimuel—ang international boxing champ-turned-senator na si Manny.

"At first, siyempre, parang, 'O-M! Mami-meet ko na parents niya.' Ganyan.

"The good thing with their family, very humble talaga."

Kahit noong pinakaunang beses na aksidenteng nakilala niya ang pamilya ni Jimuel sa isang high-end mall sa Makati ay magiliw raw sa kanya ang ina nito.

April 2017 nang maganap iyon.

"When I met Jim and his family—like si Tita Jinkee, yung mga kapatid niya, nagkita kami sa mall dati. Tapos parang nagpa-picture lang.

Continue reading below ↓

"Si Tita Jinkee pa yung nagsabi, 'Gusto kasi talaga ng anak ko 'yang si Heaven, e.' Sinabi niya kay Mom.

"Alam niyo yun, just that fact, nakaka-humble sa feeling.'"

April 2018 nang magkita ulit sina Jimuel at Heaven, at noon daw nagsimula ang pagkakamabutihan nila.

Saka raw napatunayan ni Heaven na kahit high-profile celebrity at senator ang ama ng nobyo ay simple lang ang pamilya ng mga ito.

"Everytime na magkakasama kami nila Jim and his family, sobrang nomal lang ng family niya.

"Parang di sila yung last name nila, na yung tingin ng tao na sobrang high.

"Pero sila, 'No, eto lang kami, simple lang.'"

SAME TALENT MANAGEMENT

Sa huli, hiningan ng reaksiyon si Heaven dahil tulad niya ay bahagi na si Jimuel ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

"A, Star Magic na ba siya?!" gulat na balik-tanong ng dalaga.

Tila ikinatuwa naman niya ang balita.

Continue reading below ↓

"Kasi the last time we talked, parang may schedule palang ata siya sa Star Magic. That's good," nangingiting dadag ni Heaven.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo on how she got over ex-boyfriend Jimuel Pacquiao: "Na-accept din namin na, maybe, hindi lang ito yung right time, and may mas maganda pang plano si Lord for us."
PHOTO/S: @heavenperalejo / @pacquiao.emmanuel Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results