Six broadcasting firms, telcos that were allowed to operate pending franchise

by Jet Hitosis
May 8, 2020
The National Telecommunications Commission issued a Cease and Desist Order against ABS-CBN Corporation a day after the expiration of its 25-year franchise to broadcast on May 4, 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Hindi lang ang ABS-CBN ang broadcasting company na hindi kaagad nabigyan ng panibagong prangkisa ng Kamara.

Sa nakalipas na mga taon, ilang network at telecommunications companies ang naabutan ng expiration ng kanilang 25-year franchise to broadcast.

Tulad ng nangyari sa Kapamilya network, na napaso ang prangkisa nitong May 4, 2020.

Kinabukasan, May 5, ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng TV at radio stations ng ABS-CBN.

Bigo kasi ang Kamara na matalakay ang 11 franchise renewal bills para mabigyan sana ng panibagong franchise ang kumpanya.

Bukod dito, hindi naibigay ng NTC sa network ang ipinangako nitong provisional authority.

Nangako ang NTC sa Kongreso na bibigyan ng provisional authority ang ABS-CBN upang makapag-operate pa rin ito kahit expired na ang prangkisa.

Pero isang araw bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN, nagbanta ang Office of the Solicitor General (OSG) na kakasuhan ang mga opisyal ng NTC kapag nagbigay ito ng provisional permit.

Continue reading below ↓

Giit ni Solicitor General Jose Calida, tanging Kongreso ang may kapangyarihang magbigay ng prangkisa.

Kaya sa halip na provisional authority, Cease and Desist Order ang iniabot ng NTC sa ABS-CBN.

ALLOWED TO OPERATE DESPITE EXPIRED FRANCHISE

Hindi ganito ang nangyari sa anim pang network at telcos na inabutan ng expiry ng kanilang prangkisa.

Taliwas sa sinapit ng ABS-CBN, nagtuluy-tuloy ang operasyon ng anim hanggang sa maaprubahan ang bago nilang franchise.

Ang mga ito ay ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), Globe Innove, Philippine Telegraph and Telephone Corporation (PT&T), Radio Marine Network Inc. (RMNI), Smart Communications, at Subic Broadcasting Corporation (SBC).

CBCP

August 4, 2017 nang mapaso ang broadcasting franchise ng CBCP para sa Catholic Media Network (CMN) nito.

April 22, 2019 na nabigyan ng bagong prangkisa ang CMN.

Nangangahulugang isang taon at walong buwang umere ang CMN kahit expired na ang franchise nito.

Continue reading below ↓

GLOBE INNOVE

Gaya ng CBCP, isang taon at walong buwan ding nagpatuloy ang operasyon ng Globe matapos mapaso ang prangkisa nito noong April 10, 2017.

December 14, 2018 nang na-renew ang franchise ng Globe.

PT&T

November 15, 2015 nang nag-expire ang franchise ng PT&T.

Lumipas pa ang walong buwan bago ito nabigyan ng bagong prangkisa noong July 21, 2016.

RMNI

November 18, 2018 ang expiration ng prangkisa ng RMNI.

Makaraan ang limang buwan, na-renew ito noong April 27, 2019.

SMART

Napaso ang franchise ng Smart noong March 27, 2017.

Naaprubahan ang bago nitong prangkisa noong April 21, 2017, o makalipas ang halos isang buwan.

SBC

May 21, 2017 nag-expire ang prangkisa ng SBC.

Na-renew ito makalipas ang 10 buwan, noong March 21, 2018.

SENATE HEARING

Tinukoy na halimbawa ang anim na kumpanyang ito sa pagdinig ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN noong February 24, 2020.

Isa-isang binanggit ang mga kaso ng anim na kumpanya sa presentation na ginawa ni Senator Grace Poe.

Continue reading below ↓

“Iyan ay maraming halimbawa na kung saan hindi pa tapos ang prangkisa ay nagkaroon pa rin ng apruba ng prangkisa on a temporary basis hanggang matapos ang pagdinig,” sabi ni Poe.

Kinumpirma ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na nagpatuloy ang operasyon ng anim na kumpanya kahit wala nang prankisa at wala pang provisional authority.

Sinabi ni Cordoba sa hearing: “Meron po kasing mga cases before na ang nangyari, while na legislative process ay umaandar, nangyari po ang pag-end or pag-lapse ng franchise ng mga pending committee bills of franchise, ay tumuloy naman po ito [broadcast operation].”

CONGRESS-BACKED PROVISIONAL AUTHORITY

Dumalo rin sa parehong Senate hearing si Justice Secretary Menardo Guevarra.

Paliwanag niya sa sinabi ni Cordoba, pupuwede pa ring makapag-operate ang isang network na nag-expire na ang prangkisa.

Ang mahalaga, aniya, ay naihain na sa Kongreso ang franchise renewal bill bago mapaso ang prangkisa ng kumpanya.

Sa kaso ng ABS-CBN, ayon sa DOJ Chief, mananatiling may bisa ang nakabimbing franchise renewal bills nito hanggang sa huling araw ng 18th Congress sa July 2022.

Continue reading below ↓

Sa payo ni Guevarra, napagkasunduan sa hearing na magpapasa ng resolution ang Senado at Kamara.

Sa pamamagitan ng naturang resolusyon, hihilingin ng mga mambabatas sa NTC na maglabas ito ng provisional authority para sa ABS-CBN.

February 26, 2020 lumiham ang liderato ng Kamara sa NTC.

March 4 naman isinumite ng Senado sa NTC ang resolusyon nito.

Umasa ang parehong Kapulungan na magpapatuloy ang operasyon ng Kapamilya network pagkalampas ng May 4.

IS CALIDA MIGHTIER THAN CONGRESS?

Pero malinaw na mas nanaig sa NTC ang banta ni Solicitor General Calida kaysa sa kapangyarihan ng Kongreso.

Kaya sa huli, ipinasara pa rin ng komisyon ang ABS-CBN.

Mistulang mainit ang Solicitor General sa prangkisa ng network.

Noong February 10, 2020, naghain si Calida ng quo warranto petition sa Supreme Court (SC) upang kanselahin ang franchise ng kumpanya.

Marami raw nilabag ang ABS-CBN sa mga probisyon ng prangkisa nito, ayon kay Calida.

Tumatayong abogado ng gobyerno, si Calida ang tinaguriang “alter ego” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Simula 2017, ilang beses nang nagbanta si Pangulong Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Inakusahan ng Presidente ang network ng panggagantso.

Hindi raw ipinalabas ng ABS-CBN ang mga campaign ads ni Duterte noong 2016, kahit bayad na ang mga ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The National Telecommunications Commission issued a Cease and Desist Order against ABS-CBN Corporation a day after the expiration of its 25-year franchise to broadcast on May 4, 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results