Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Alex, Toni Gonzaga continue to express support for ABS-CBN amid criticisms

by Bernie V. Franco
May 9, 2020
alex gonzaga abs cbn 
toni alex hug
Despite accusations of being pro-Duterte, who is known for his public tiff with ABS-CBN, sisters Alex and Toni Gonzaga continue to show support for their home network after it was forced to shut down last May 5, 2020.
PHOTO/S: @cathygonzaga @celestinegonzaga on Instagram

Patuloy ang paghahayag ng suporta ng magkapatid na Toni Gonzaga, 36, at Alex Gonzaga, 32, sa ABS-CBN.

Ito ay sa kabila ng matinding batikos mula sa netizens.

Tinawag na “ipokrita,” “enabler,” at “plastic” ang magkapatid nang mag-post sila ng pakikiisa sa ABS-CBN matapos itong ipasara noong Martes, May 5.

Naglabas ng Cease and Desist order ang National Telecommunications Commision (NTC) sa TV network.

May 4, 2020 nang mag-expire ang legislative franchise ng network.

Sa Instagram post ni Toni, sinabi nitong “heartbreaking” na makitang magsara ang kanyang tahanan.

Ang pinakamalaking pangarap daw niya ay magtrabaho sa Kapamilya Network.

Naging Kapamilya si Toni noong 2005 matapos maging Kapuso.

"We will continue to pray for our home network," bahagi ng kanyang post.

Nag-post din si Alex ng logo ng ABS-CBN na may ganitong caption: “Every filipino is a kapamilya [broken heart emoji]”

PRO-DUTERTE?

Nakisimpatiya sa magkapatid ang kanilang supporters.

Pero kapansin-pansin ang dami ng mga bumatikos sa kanila, at idiniin sa pagiging supporters nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Ang iba, tinawag silang DDS o “Die-hard Duterte Supporters.”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang naging init ng ulo ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN.

Ilang beses din itong nagbantang haharangin ang renewal ng franchise ng network.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Narito ang ilang batikos kina Toni at Alex nang mag-post sila tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ALEX AND TONI POST INSPIRATIONAL QUOTES

Hindi pinatulan ng magkapatid ang mga patutsada ng kanilang mga kritiko.

Pero mula noong May 7, Huwebes, hanggang May 8, Biyernes, sunud-sunod ang pagpu-post nila ng inspirational quotes sa Instagram.

Karamihan ng quotes na ibinahagi ni Toni ay tungkol sa pagiging positibo sa kabila ng mga puna at batikos ng iba.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Si Alex naman ay nag-post ng quote na nagpapaalala na mas importante ang tunay na pagkatao kesa sa katauhan sa likod ng social media.

Ayon sa quote na ibinahagi niya: “Be better in real life than on social media.”

Kagabi, May 8, gaya ng maraming ABS-CBN stars, nakiisa si Alex sa pagpu-post ng larawan na may signature hand gesture na closed fist na nakatapat sa dibdib.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng Facebook Live ang ABS-CBN stars upang ihayag ang kanilang saloobin sa pagpapasara sa Kapamilya Network at itong hand gesture ay ginamit.

alex gonzaga laban kapamilya

Ipinromote naman ni Toni ang kanyang upcoming show na pinamagatang I Feel U, na magsisimula ngayong Linggo, May 10.

Eere muna ito sa social media platforms ng ABS-CBN dahil tigil ang operasyon ng ABS-CBN Channel 2.

Continue reading below ↓

toni and alex attend MALACAÑANG DINNER

Bagamat sinasabing may pagkiling sila kay Pangulong Duterte, hindi ito kinukimpirma nina Toni at Alex.

Pero identified sila bilang supporters ng Pangulo nang maimbitihan ang magkapatid sa private dinner sa Malacañang para sa mga artista “who support the President.”

Nangyari ito noong May 7, 2019.

Bukod kina Alex at Toni, naroon din ang asawa ni Toni na si Paul Soriano, isang film at commercial director.

Dumalo rin sina Robin Padilla, Richard Gomez, Ai-Ai delas Alas, John Lloyd Cruz, Cesar Montano, Phillip Salvador, Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez, Vhong Navarro, at iba pa.

Nang makapanayam si Toni sa presscon ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home noong May 18, 2019, sinabi nitong maging siya ay nagulat na nakatanggap siya ng imbitasyon.

"Ang alam ko lang, siguro na-invite kami dahil kay Kuya Robin. Siguro feeling ko dahil dun,” sabi ni Toni nang matanong ng PEP.ph.

"Pero di ko alam ang basis kung bakit kami na-invite.

Continue reading below ↓

"Basta it was a private invitation na pinadala sa amin."

Si Robin ay kilalang solid supporter ni Pangulong Duterte.

Toni Alex DDS

Dagdag ni Toni, "Di rin namin alam kung bakit kami yung mga napili na dumating, because I wasn't active nong during the campaign ng Presidente.

"Hindi naman ako nangampanya, kaya nagulat din ako na invited."

Continue reading below ↓

Dahil sa pagdalong iyon ay nabatikos ang mga pumuntang artista, kasama na sina Toni at Alex.

Reaksiyon naman ni Toni sa natanggap na batikos: “At the end of the day, everyone is entitled to their own opinion.

"They're all free to say whatever it is they wanna say and I respect that."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite accusations of being pro-Duterte, who is known for his public tiff with ABS-CBN, sisters Alex and Toni Gonzaga continue to show support for their home network after it was forced to shut down last May 5, 2020.
PHOTO/S: @cathygonzaga @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results