Luis Manzano asks, "What really caused our country to be so divided?"

by Arniel C. Serato
May 10, 2020
Luis Manzano and his followers on Facebook have a discussion on why the country is "so divided" when dealing with issues, such as the ABS-CBN shutdown.
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerome Ascano

Iisa ang nararamdaman ng Kapamilya stars sa ABS-CBN shutdown: gusto nilang lahat bumalik ang Kapamilya network, ang tinatawag nilang tahanan, sa himpapawid.

Iba-iba nga lang ang pamamaraan ng pagsabi ng kanilang sentimyento.

Karamihan sa kanila ay nangangamba para sa pamilya at para sa iba pang dumedepende sa kanila.

May mga nagpakita ng matinding emosyon, gaya na lamang ni Coco Martin, na kilalang tahimik sa social media, pero nagbitiw sa pagkakataong ito ng mabibigat na salita.

May mga kagaya rin ni Cristine Reyes na pakalmado ang reaksiyon.

Marami rin ang gaya ni Vice Ganda na itinutuon ang pansin sa Diyos at pananampalataya.

Nagsara ang ABS-CBN noong Mayo 5, 2020.

Nakatanggap ito ng Cease and Desist Order noong Mayo 4 mula sa National Telecommunications Commission (NTC), na binalaan naman ng abugado ng Duterte Administration, ang Office of the Solicitor General, na huwag gagawa ng hakbang para makapag-operate ang network.

Ito ay kahit na inudyok na ng Senado at Kamara ang NTC na maglabas ng provisional authority to operate para sa ABS-CBN upang makapagpatuloy itong umere habang nakabinbin ang bagong prankisa nito sa Lower House.

Continue reading below ↓

LUIS MANZANO asks a question

Samantala, si Luis Manzano ay nag-iwan ng tanong sa Facebook: Bakit tila nahahati ang bansa dahil sa isyu?

Ang eksaktong post ni Luis kahapon, May 9, “Not just about ABS, but I wonder what really caused our country to be so divided...”

one NETIZEN SAYS DON'T BLAME POLITICS

May obserbasyon na ito ay dahil nasobrahan ang Pilipinas ng "freedom of expression."

Continue reading below ↓

Ayon sa isang follower ni Luis, "Because each of us has different opinion, thats what you called democracy and freedom of expression."

Ang sagot ng TV host, "no problem with that but what i’m saying is mas kumakampi ang tao sa kulay kesa sa Pinoy"

Ang punto naman ng isa pang follower, ang labanang ito ay wala raw kinalaman sa pulitika.

Continue reading below ↓

"hindi natin masisi ang tao sir kahit ikaw sir kumakampi syempre sa network mo wala nmang masama dun pero sana ganun din ang pang unawa nyo kung kumakampi naman ang mas nakararami sa BATAS AT PANINIWALA NILANG PERSONAL HINDI ITO LABANAN NG KULAY OR POLITCAL ETO AY LABAN LANG NG NETWORK NYO AT NG BATAS ANG MAMAYAN AY NAKIKISIMPATYA LANG SA ALAM NILANG TAMA PARANG KAYU NANINIWALA KAYUNG WALANG NILABAG ANG ABS"

Continue reading below ↓

Sa tugon ni Luis, pinansin niya ang naka-all caps na sagot ng follower.

Aniya, "may pa caps caps ka pa pre, basahin mo unang part ng post... caps mo utak mo mas makakatulong"

Sa opinyon ng isa pang netizen ay normal lang ang pagkakaroon ng iba't ibang paniniwala, dapat lang na maging "mapagmatyag at mapanaliksik" ang mga tao.

Continue reading below ↓

"not just because abs,,,oo sir tama ka pero ang pinupunto mo ang pag kawatak watak ng paniniwala ng tao,,,sa madaling salita sir di mo man aminin patungkol pa din yung post mo sa issue ng abs,,,wag nyong sisihin ang mga tao sir kung nag karoon ng kanya kanyang opinyon kung naging mapag matyag at mapanaliksik ang tao un ay dahil minulat ng gobyeno ang tao NA MAGING MAPANURI AT MAKIALAM SA MGA USAPING MY KINALAMAN BANSA AT SA HALAGA NG BAWAT ISA"

Nakiayon sa kanya ang Kapamilya star.

Sabi ng TV host/actor, "That i do get, what i am saying is some people look away if mali just to fit their narrative or belief, regardless of political affiliation"

Continue reading below ↓

ANOTHER NETIZEN BLAMES "TOO MUCH DEMOCRACY"

Sinisisi ng isang follower ni Luis ang demokrasya. Nasobrahan daw dito sa Pilipinas.

Sa pananalita ng follower: “Too much democracy makes a nation divided...it makes a person think everyone have a different rules to follow .."

Sagot ni Luis, “pwede na, is it the democracy or maybe sense of entitlement?”

Continue reading below ↓

praising duterte, hitting pnoy

Komento ng isa pa, nagkakaisa raw ang mga Pilipino ngayon sa pamumuno ng tinawag niyang pinakapopular na Presidente pagkatapos ni Pangulong Ramon Magsaysay.

Sabi niya, “On the contrary, this is a rare time in our history that the nation is so united. No other philippine president is as popular as duterte since magsaysay. Very high satisfaction ratings clearly indicate the Filipino people is united. Kayo lang naman na anti-duterte ang feeling divided."

Continue reading below ↓

Hindi umayon dito si Luis, at ginawang halimbawa si President Benigno Simeon "Noynoy" Aquino.

Ang sabi ng anak nina Edu Manzano at Vilma Santos, hindi niya naramdaman ang ganitong hidwaan sa panahon ni PNoy: “i don’t think a survey truly represents a nation BUT i was thinking it wasn’t this divided when PNOY was president na may dilawan and another faction, with that being said, is that a good or bad thing? (na people are just speaking out more)"

Continue reading below ↓

Ang puna ng isa pang netizen, tila nawalan ng kontrol ang mga tao pagdating sa aktibidades nila sa social media.

“pak. When PNoy was still there, Pinoys are not as rabid as divided like now.

"Mula nang maglipana ang fake news, hatred ang division lagi ang tema. And people fall for it.

"Nakakatawa lang na sinasabi ng mga DDS [Diehard Duterte Supporters] na wala daw division na nangyayari and that we are united more than ever, sabay presenta ng ratings basically showing the number of people favoring one side over the other.

"Nakakatawang irony"

Continue reading below ↓

Sagot ni Luis, "this isn’t exactly a praise for PNOY or that admin, what i am saying maybe people chose not to speak before if ever they were against or disappointed with how they did things?"

Sumabad ang isang tagasuporta ni President Duterte, “Wala naman kasing nagawa si PNOY at all. PNOY vs DUTERTE? Wrong comparison! Rotten Mango vs Apple."

Continue reading below ↓

Pagtutuwid sa kanya ni Luis, “this is not about PNOY and PRD, the example i gave was merely showing people weren’t that vocal that time”

Continue reading below ↓

DIVIDED IN WHAT WAY?

Sinabihan naman si Luis ng isa pang netizen na i-elaborate ang sinabi niyang hati ang bansa.

Saad niya, “So divided in what way? Paki specify mo kasi. Yung statement mo laging bitin.”

Ang sagot ni Luis, “that most of the time (not all) people are only loyal to the colors and not the well being of the country”

Hindi nag-agree ang isang follower ng host, “opinion ko lang din po ito ha. I believe most us (ordinary citizens) we voice out things we believe would contribute for the well being of the country. If you are talking about the abs-cbn franchise case, actually franchise lang dapat ang issue and it becomes melodrama. This has nothing to do with the colors i believe. Ang dami na kasing twist like may kaso ang abs with BIR where in wala nmn kinalaman sa franchise yun. Ibang issue na yun. So people will tend to think the other way around and with all those info's na naglalabasan you cannot blame the people. Wala naman may gusto na mawalan ng trabaho ang mga tao.”

Continue reading below ↓

Base sa palitan nina Luis at ng kanyang followers, mayroon ngang malaking division sa mga mamamayan.

Malayong sabihing united ito.

Ngunit baka nasa ganitong mga palitan—na hindi nababahiran ng pambabastos na normal na sa social media—ang daan para magkaisa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano and his followers on Facebook have a discussion on why the country is "so divided" when dealing with issues, such as the ABS-CBN shutdown.
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results