Kris Aquino asked why ABS-CBN franchise was not renewed during PNoy's time

by Arniel C. Serato
May 11, 2020
Kris Aquino: "I suggest i-tweet mo or post mo sa FB yung tanong mo sa KAPATID ko, himself. After all, hindi nya ko spokesperson.”
PHOTO/S: File

Kahit Mother's Day, hindi pa rin nagpatinag ang isang netizen na tanungin si Kris Aquino, 49, tungkol sa ABS-CBN franchise.

Halos dalawampung taong naging bahagi ng Kapamilya network si Kris at nagreyna sa ilang game and talk shows.

Maging sa pelikula at teleserye ay hindi rin nagpahuli si Kris habang nakakontrata pa ang aktres sa ABS-CBN.

Kaya naman tinagurian siyang Queen of All Media.

Pero noong 2016 ay nilisan ni Kris ang bakuran ng ABS-CBN.

Kahapon, May 10, inanunsiyo ni Kris sa kanyang Instagram na magdaraos siya ng Facebook live kinagabihan bilang selebrasyon sa Araw ng mga Ina.

Mamimili daw siya ng sampung ina na deserving makatanggap ng P5K para makadagdag sa kani-kanilang salu-salo.

Continue reading below ↓

Sa comments section ng post ni Kris, isang curious netizen ang nagtanong tungkol sa mainit na usapin ngayon ng ABS-CBN franchise renewal.

Bakit raw ba hindi naaprubahan ang franchise-renewal application ng network noong panahon ng kanyang kapatid na si President Noynoy Aquino?

Mahinahon itong sinagot ni Kris.

Ayon sa pinakabatang kapatid ni PNoy, wala itong alam sa mga desisyon ng matataas na opisyal ng dati niyang home network.

Saad ni Kris (published as is): “politely i shall answer as politely & factually as i am capable:

"i wasn’t a member of the NTC, an elected member of Congress, a part of what was then DOTC, and most importantly i was not privy to the inner workings & dealings of the highest level of management decisions of my former home network.

“To refresh your memory, i haven’t been a contract star of ABS CBN since the end of January, 2016—more than 4 years have passed...

Continue reading below ↓

“i am hopeful you will allow someone who has chosen to keep her silence, knowing that anything she says can be misinterpreted to suit the negative agenda of those who wish to only create more negativity, the peace she has fought hard to deserve.”

Ang NTC ay ang National Telecommunications Commission, na nangangasiwa sa operasyon ng isang television/radio network na gaya ng ABS-CBN. Ang DOTC ay ang Department of Transportation and Communication, na hindi lamang malinaw kung bakit binanggit ni Kris.

“HINDI NIYA AKO SPOKESPERSON”

Payo pa ng dating ABS-CBN talent , bakit hindi na lamang tanungin ng netizen sa Twitter o sa Facebook account ng kapatid ang kanyang concern.

Hindi raw kasi siya ang tagapagsalita ng kanyang Kuya Noy.

Ani Kris, “I want to share some of my blessings with other mothers and their families because i believe you EARN your VOICE and not just as senseless noise because you have genuine concern & compassion for others.

Continue reading below ↓

“In other words—you walk the talk.

“If my answer didn’t satisfy you, i suggest i-tweet mo or post mo sa FB yung tanong mo sa KAPATID ko, himself. After all, hindi nya ko spokesperson.”

September 2014, inihain ni Isabela 4th District Representative Giorgidi Aggabao ang House Bill (HB) 4997 sa 16th Congress.

Continue reading below ↓

Ito ang pinakaunang panukalang humiling ng panibagong prangkisa para sa ABS-CBN Corporation.

Noong panahong iyon ay si Noynoy ang Presidente.

Ayon sa isang report ng Manila Times, binawi umano ng ABS-CBN ang kanyang aplikasyon para franchise renewal dahil sa “time constraints.”

Pinili raw ng network na sa 17th Congress na lang mag-reapply para sa bagong prangkisa, ayon pa rin sa nasabing ulat.

Ang 17th Congress ay nasa administrasyon na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

THE ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL HURDLE

Pero sa 17th Congress, hindi rin inaksiyunan ng Committee on Legislative Franchises ang bill na naipasa noong November 2017 na naglalayong palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN.

Nag-adjourn ang 17th Congress noong June 2017, pero wala pa ring nagawang pagtalakay sa panukalang inihain ni Congresswoman Micaela Violago.

Nasabi pa ng Committee na hindi raw nito aaksiyunan ang anumang panukalang batas na may kaugnayan sa franchise renewal ng ABS-CBN hangga't hindi naaayos ang reklamo ni Pangulong Duterte laban sa network.

Continue reading below ↓

Nag-ugat ang reklamo ni President Duterte sa hindi pag-ere ng ABS-CBN ng kanyang political ads noong 2016 presidential elections kahit bayad na ang mga ito.

Isang ad naman na laban kay Mayor Duterte ay inere ng istasyon, na diumano'y binayaran ng kanyang mahigpit na kritiko na si dating Senador Antonio Trillanes.

Nitong 18th Congress, may 11 panukalang batas tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN ang ipinasa ng mga kongresista sa Kamara, ngunit wala ni isa sa mga ito ang umusad sa Komite.

Ang idinadahilan ay marami raw priority bills ang Kongreso na kailangang unahin.

Pero pangako ni House Speaker Alan Peter Cayetano, hindi magsasara ang network kahit mapaso na ang prangkisa nito pagdating ng May 4, 2020.

Ngunit noong May 5, nag-isyu ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN.

Wala na raw karapatang mag-broadcast ang network dahil paso na ang prangkisa nito.

Pinaniniwalaang ang desisyon ng NTC ay bunsod ng babala ni Solicitor General Jose Calida na kakasuhan ang mga opisyal ng NTC kapag nagbigay sila sa ABS-CBN ng provisional authority to operate.

Continue reading below ↓

Bago ito, noong February 2020, naghain ng quo warranto petition si Calida sa Supreme Court laban sa ABS-CBN dahil sa mga paglabag umano nito sa mga patakaran ng NTC.

Si Calida ang tumatayong abugado ni Pangulong Duterte.

Samantala, ngayong araw, May 11, nai-raffle na raw sa Korte Suprema ang inihaing petition for certiorari and prohibition ng ABS-CBN laban sa cease and desist order ng NTC.

Hindi pinangalanan kung kaninong Supreme Court justice napunta ang reklamo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino: "I suggest i-tweet mo or post mo sa FB yung tanong mo sa KAPATID ko, himself. After all, hindi nya ko spokesperson.”
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results